Vous êtes sur la page 1sur 4

SIFAAT AD-DAEYAH

LESSON 3-2
10 NOV. 2015 / 28 MUHARRAM 1437 H

: ...

ANG KAHALAGAHAN AT KAINAMAN NG DAWAH (PART 2)

11) Ito ay dahilan upang makamit ang Pag-ibig at Pagmamahal ni Allah (Subhanu
wa Tala), sinabi ni Proptea Mohammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam):
"176 "
Ang Pinaka kaibig-ibig na tao kay Allah ay yaong kapaki-pakinabang (Nagtuturo sa mga tao ng kabutihan at Nagbabawal ng kasamaan).
Walang duda na ang pinakamalaking kapakinabangan sa tao ay ang maitama ang
kanilang mga Aqeedah (mga paniniwala), ang kanilang Relihiyon, ang
pagpapalakas ng kanilang Iman (pananampalataya), at maitama ang kanilang mga
kaugalian at kaasalan, ganun din na malaman nila ang mga gawaing Batil (mga
kasamaan, at kasalanan) upang maiwasan nila ito.
12) Ang Dawah ay isang uri ng Ihsan (Pagiging mabuti), sinabi ni Allah sa
Quran:
[ [} 195 :}
{Magsigawa kayo ng kabutihan(sa pamamagitan nang pagsamba kay Allah at
paggugol ng kayamanan); sapagkat si Allah ay nagmamahal sa mga gumagawa
ng kabutihan}[Al-Baqarah: 195]
Kung ang pagkakawanggawa sa kapwa sa pamamagitan ng pagpapakain o
pagbibigay ng anumang panganga-ilangan nila ay ginagantimpalaan ni Allah ay
dihamak na mashigit ang pagbibigay ng pagkain ng kanilang mga puso, at
kaluluwa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang Iman na kung saan ito ang
kanilang matatagpuan sa Kabilang Buhay, ang Totoong Buhay.
13)ito ay dahilan upang makamit ang Parangal at Papuri mula kay Allah
(Subhanahu wa Taala), at ang paghiling ng mga Anghel ng kapatawaran kay Allah

maging ang lahat ng nilalang para sa isang taong nagtuturo ng kabutihan at


nagbabawal ng kasamaan. Sinabi ni Propeta Mohammad (Sallallhu Alayhi wa
Sallam):
"
1838 "
Katotohanan! Si Allah at ang Kanyang mga Anghel maging ang Namlah
(langgam) sa kanyang lungga at pati ang Hut (Isda, Balyena) sa karagatan ay
nananalangin para sa tagapagturo (ng kabutihan) sa mga tao [Saheh Al-Jame :
1838]
Sinabi ng mga Ulama: ang Panalangin ni Allah (Subhanu wa Tala) ay
nangangahulugan ng Thana (Papuri), at ang Panalangin ng mga Anghel at ng lahat
ng mga nilalang ay nangangahulugan ng Istigfar (Paghingi ng tawad) para sa taong
nagtuturo ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan. Isang napakagandang Hadith
para sa mga nagninilay-nilay na ang Papuri ni Allah at ang Kanyang Parangal at
ang panalangin ng paghingi ng tawad ng mga Anghel maging ang lahat ng mga
nilalang maliit man o Malaki ay lahat ito ay ipagkakaloob sa iyo ni Allah dahil sa
iyong mga Programang pang-dawah at pagtuturo mo sa mga tao ng pagsamba kay
Allah. O Allah! Napakalaki ng biyaya at gantimpang ito. Naway ibilang tayo ni
Allah sa mga tagapag-anyaya tungo sa kanyang Paraiso at sa mga taong
nagpapaligsahan sa paghahanap ng Kanyang mga gantimpala Ameen.
14) Ito ay dahilan upang makamit ang Panalangin ni Propeta Mohammad
(Sallallahu Alayhi wa Sallam) na kung saan ay kanyang sinabi :
"6763 : "
Pinagpala (ginantimpalaan, pinabuti) ni Allah ang isang taong nakaringin ng
isang Hadith (salita, pangaral, payo) mula saamin at kanya itong sinaulo
hanggang sa itoy kanyang ipinaabot (itinuro) sa iba. [Saheh Al-Jame : 6763]
15) Ito ay nakakapagdagdag ng mga Hasanat (gantimpala), sinabi ni Propeta
Mohammad (Sallahu Alayhi wa Sallam):
"
4830 "
Sinuman ang gumawa ng Sunnah (Tradisyon) sa Islam na ito ay mabuting
Sunnah ay mapapasakanya ang gantimpala nito at ang gantimpala ng sinuman

ang magsasabuhay nito pagkatapos niya, na walang mababawas sa anuman ang


kanilang makukuhang gantimapala. [Muslim: 4830]
16) tunay na ang Dawah ay isang uri ng Jihad (Pakikibaka) na kung saan ay
kinalulugdan ni Allah (Subhanau wa Taala), sinabi ni Shiek Saleh Al-Shiek
(kahabagan siya ni Allah ) : datapwat bago pa man ipag-utos ni Allah ang Jihad
(pakikibaka sa landas ni Allah) sa Makkah, ay ang Jihad na umiiral ay Jihad
Dawah (pakikibaka sa pamamagitan ng Dawah), Jihad Hujjah (pakikibaka upang
itama ang mga maling paniniwala) at Jihad Bayan (pakikibaka sa pamamagitan ng
paglilinaw ng anumang salungatan), sinabi ni Allah sa Quran:
[[} 52:}
{Kayat huwag mong sundin ang mga hindi sumasampalataya, at magsikhay kayo
laban sa kanila sa pamamagitan nito (alalaong baga, ang Quran) ng isang
dakilang pagsisikhay} [Al-Furqan : 52]
Sinabi ni Ibn Abbas (kalugdan siya ni Allah) : Magsikhay kayo laban sa kanila
ibig sabihin ay sa pamamagitan ng Quran, at Jihad Hujjah o Jihad Bayan.
17) Ito ay dahilan upang maligtas ang mga tao mula sa apoy ng impyerno; sinabi ni
Propeta Mohammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam):
"

:
4234 "
Ang kahilntulad ko (Propeta Mohammad) at kahalintulad ninyo (mga tao) ay
kahalintulad ng isang taong nagsiga (nagsindi) ng apoy, at nang sumiklab na ang
paligid nito (apoy) ay nagsilapit ang mga Farash (maliit na insekto na lumilipad)
at ang mga hayop (insekto) na ito na lumalapit (pumapasok sa apoy) ay
(matutuluyang) lalapit sa apoy (ibig sabihin sila ay masusunog) at ang tao na iyon
ay pinipigilan sila (itinataboy ang mga insekto na masunog sa apoy) ngunit
nauungusan nila siya kayat sila (insekto) ay lumalapit parin. Tunay na iyan an
gang kahalintulad ko at kahalintulad ninyo, ako ay pumipigil sa inyo na huwag
mapunta sa (kaparusahan ng) Apoy (ng Impeyerno) na nagsasabi : magsilayo
kayo sa Apoy! Magsilayo kayo sa Apoy! Ngunit inuungusan ninyo ako ( tao [i.e.
sinusuway, hindi sanasampalatayaan]) at kayo ay (nagnanais na) lumalapit sa
Apoy. [Muslim : 4234]

Saksihan natin ang mga Dawah Centers, o mga taong ginabayan ni Allah na sila
ay ginamit ni Allah upang maligtas ang maraming tao mula sa naglalagablab na
Apoy ng Impyerno, ilang sa mga tao ang nagabayan sa pamamagitan nila? Ilan sa
mga tao ang nagsipagbalik loob kay Allah sa pamamagitan nila? Mga taong nasa
maling landas na tumahak sa matuwid na landas sa pamamagitan ng mga
magigiting na mga Daeyah, tunay na sila ay paparangalan ni Allah sa kanilang mga
mabubuting gawa.
Mga kapatid sa pananampalatayang Islam, ilan lamang po ito sa mga kabutihan at
mga gantimpala dakilang gawaing ito ang Dawah, naway ibilang ako at kayo ni
Allah sa mga taong nakikinig ng kabutihan at isinasabuhay ito Ameen.
...

Vous aimerez peut-être aussi