Vous êtes sur la page 1sur 3

:

LESSON 4: ANG IKALAWANG KONDISYON NG SALAH:


IKALAWANG KONDISYON: ANG PAGTATAKIP NG AWRAH.
Ang Awrah ay yaong bahagi ng katawan na obligadong takpan, at hindi kanais-nais na makita
ng iba. Sabi ng ALLAH SWT:

31
:{ }
Sa malapit nitong kahulugan:
O mga angkan ni Adam! Sa tuwing kayo ay magsasagawa ng Salah ay maging malinis kayo
at magsuot ng mga malilinis na kasuotan bilang pantakip sa inyong Awrah. At sinabe ng Propeta
Mohammad SAWS:

. )) ] :(( [
Ibig sabihin, sabi ng Propeta Mohammad SAWS: (( Hindi tatanggapin ng ALLAH SWT ang Salah
ng Haid [Ang meaning ng Haid sa hadith na ito ay ang taong nasakanyang sapat na edad na kung
saan naging obligado na sakanya ang mga obligadong samba sa ALLAH SWT, dahil ang isa sa mga
palatandaan ng pagiging dalaga ng isang babae ay ang pag-dating sakanya ng kanyang regla] liban
na lamang kung ang kanyang awrah ay natatakpan.
At sinabe din ni isa sa mga tanyag na Scholar sa Islam: Pinagsang-ayunan ng mga
Ulama na katotohanang masisira ang Salah ng sinomang mag-salah na kanyang iniwang nakikita ang
kanyang awrah at hindi niya ito tinakpan. Kayat ang pagtatakip ng awrah ay obligado sa Salah
ikaw man ay may mag-isa o may kasamang iba.
Ang pagtatakip ng Awrah ay nag-papanatili ng kabutihan at moralidad ng tao, at dahil dito ay
ginagawa ng shaytan ang lahat ng kanyang makakaya upang linlangin ang mga tao at kaniya silang
inuutusang huwag takpan ang kanilang Awrah at hayaan itong makita ng iba dahil sa pamamagitan
nito ay mawawala ang moralidad ng mga tao. At tayo ay binalaan at pinag-ingat dito ng ALLAH
SWT at kanyang sinabe:

:
27 { }
Sa malapit nitong kahulugan:
O mga angkan ni Adam! Huwag ninyong hayaan na malinlang kayo ni Shaytan na
pinagaganda sa inyo ang kasalanan, na katulad ng kanyang ginawa sa inyong mga magulang na

sina Adam at Hawwa, na sila ay inilabas niya mula sa Al-Jannah (Hardin), na dahil doon ay
inialis niya sa kanila ang kanilang damit na bilang pantakip ng Allah sa kanila upang lumantad ang
kanilang Awrah.
Kayat ang pagpapakita ng Awrah ay panlilinlang ng Shaytan na kailangan nating iwasan at
layuan ngunit sa kasamaang palad ay ating makikita na marami sa mga tao sa panahaong ito ang
nahulog sa panlilinlang na ito, at napaloob sa kanilang isipan na kasama na ito sa pag-angat at pagunlad ng lipunan, kayat naging normal nalang sakanila na makita ng ibang lalake ang Awrah ng
kanilang mga kababaihan na kung saan ito ay napakalaking kamalian at kamangmangan.
Subhanallah!.
At sinabe din ng ALLAH SWT:

:2
6
{ }
Sa malapit nitong kahulugan:
O mga angkan ni Adam! Katiyakan, Lumikha Kami para sa inyo ng kasuotan na inyong
itatakip sa inyong mga Awrah (o pantakip sa mga katawan lalung-lalo na sa mga maseselan na
bahagi nito) na ang kasuotang ito ay napakahalaga at magsisilbi rin ito bilang palamuti at
nabibilang sa bahagi ng mga kabuuan sa inyong buhay at kasiyahan.
-Ang hangganan at sukat ng Awrah ng lalake ay mula sa kanyang pusod hanggang sa kanyang tuhod.
Sabi ng Propeta Mohammad SAWS:

)) ((
Ibig sabihin, sabi ng Propeta Mohammad SAWS: ((Takpan mo ang iyong hita; dahil ang hita ay
Awrah)).
-At ang Awrah naman ng babae ay ang kanyang boung katawan, dahil sinabe ng Propeta Mohammad
SAWS:

.(( ))
Ibig sabihin, sabi ng Propeta Mohammad SAWS: ((Ang babae ay Awrah)), ang hadith na ito ay
nagpapahiwatig na ang boung katawan ng babae ay Awrah. Sinabe din ng ALLAH SWT:

{ }
31:
Sa malapit nitong kahulugan:
At sabihin mo rin sa mga mananampalatayang kababaihan na ibaba nila ang kanilang mga
paningin sa anumang hindi ipinahintulot sa kanila na mga pribadong bahagi ng katawan, at
pangalagaan nila ang kanilang mga pribadong bahagi mula sa anumang mga ipinagbawal ng Allah,

at huwag nilang ilantad ang kanilang kagandahan sa mga kalalakihan, kundi pagsumikapan nila na
ito ay maitago maliban sa mga nakalantad na pananamit na nakasanayan na ito ay nakalantad na
kasuotan, kung ito ay hindi nagdudulot ng anumang fitnah (o panghahalina na makagawa ng
kasamaan), at ibababa nila ang panakip ng kanilang ulo hanggang sa matakpan ang kanilang mga
dibdib na natatakpan nito ang kanilang mga mukha; upang mabuo ang kanilang panakip.
Napakarami ng mga bersikulo sa Quran at mga Hadith na nagpapatunay na ang boung
katawan ng babae ay Awrah na hindi puwedeng makita ng mga dayuhang lalaki, kayat kailangan
niya itong takpan upang hindi nila makita sa lahat ng oras at lalong-lalo na pag siya ay magsasagawa ng Salah.
Sabi ni Sheikh Bin Baz: Ang obligado sa babae ay kanyang takpan ang kanyang boung
katawan sa kanyang pagsasalah, liban sa kanyang mukha dahil ang sunnah ay huwag itong takpan
kung walang dayuhang lalaking nakakakita sakanya ibig sabihin ay lalaking hindi niya Mahram [Ang
mahram ng babae ay ang kanyang asawa, anak, anak ng kanyang asawa, tatay, kapatid, anak ng
kanyang kapatid] subalit kung may dayuhang lalaking nakakakita sakanya ay kailangan niyang
takpan ang kanyang mukha. At mas mainam na takpan ng babae ang kanyang kamay pero hindi ito
obligado at maaaring hindi niya ito takpan. At obligadong takpan ng babae ang kanyang mga paa sa
kanyang pagsasalah.
At dito nagtatapos ang lesson na ito.

Vous aimerez peut-être aussi