Vous êtes sur la page 1sur 1

AMA KO

ni Mari Mar P. Manuel

Nais kong ipakilala


Pinagmamalaki kong ama
Tapat ang pagsinta
Sa kanyang pinakaiingatang pamilya.

Bigkasin ang ngalan niyang ALEX


Lilingon sayo ng may ngiting kay tamis
Puso niya'y singlambot ng nabubulok na kamatis
Sa lahat siya'y may malasakit.

Baby ang tawag niya sa bunsong kayganda


Anak naman para sa kanyang binata't dalaga
Sa kanyang sinisinta, mama ang tawag niya
O kay sarap pakinggan ang tinig ni ama.

Ama ko, salamat sa iyo


Mula sa iyong walang sawang pagtratrabaho
Kasama ng iyong motorsiklo
Umula't bumagyo, laging nakatayo.

Huwag mag-alala, pagkat pagod mo'y di masasawalang bahala


Kami ni kuya'y magsisikap talaga
Suporta't pangaral mo ang laging dala-dala.

Papa nais nami'y ika'y lumigaya


Pagkat abot langit ang aming pagsinta.
Buong puso ang pasasalamat sa Poong Maykapal na siyang lumikha
Sa iyo aking ama, tunay na dakila at nag-iisa talaga.

Vous aimerez peut-être aussi