Vous êtes sur la page 1sur 1

Tagpuan - BV

Minsan, nagkita tayo sa dating tagpuan


Sa ilalim ng karagatan ng mga bituin
Ramdam ng damo sa ating likuran,
at ng kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin,
Ang pulso ng mga damdamin
Mga kwentong gustong kumawala sa mga pusong
matagal na nilang gustong lisanin
Nung gabing yon, walang kibo ang mga kuliglig,
tumigil sa pagkumpas ang mga sanga, pinatahimik
ko ang buong kalawakan para makinig sayo, at
noon, nakilala kita
Kinuwento mo sakin ang mga sikreto ng 'yong
nakaraan. Sinagot ang mga paano, kailan, mga sino
at saan, ang mga pinakamasaya,
pinakamalulungkot mong karanasan.
Hindi ko makakalimutan ang gabing yon
Nang pinatong mo ang iyong daliri sa mga labi
mong nagkukulay ube na sa lamig
At sa sandaling bumukas ang iyong bibig
nagmistulang entablado ang hinihigaang sahig,
nung nagsimula kang umawit. Pinakinggan ko ang
tugtog, tugtog, tugtog.
Ang tibok ng puso mo sa ilalim ng tinig mong
binabaybay ang mga salita at tono ng kantang
pamilyar na sinulat nating dalawa.
Pinakinggan ko ang bawat salita, ang bawat
paghinga, ang bawat pagtaas at pagbaba,
Pinakinggan kita sa bawat pagbulong at pagsigaw,

sinabayan ka ng ingay ng mundo pero ang


pinakinggan ko'y ikaw.
Dahil alam ko nung gabing 'yon, ang kailangan mo
ay hindi mga pangako, hindi mga regalo, Hindi mo
kailangan ng mga puring mapagpalalo, hindi mo
kelangan ng mga rosas na galing sa bibig o mga
salitang nakakakilig, alam ko ang kailangan mo ay
mga tengang makikinig.
Kaya't nakinig ako, habang kinukwento mo yung
tungkol sa paborito mong laruan nung bata ka pa,
yung isang beses na naiyak ka sa singing contest
dahil sa kaba. Yung tungkol sa unang lalaking
nagpatibok ng puso mo, nakinig ako sayo.
Nakinig ako sayo dahil mahal kita.
Kung hindi mo iyon narinig nung unang beses na
nagpakilala ako sayo
Inuulit ko sayo ngayon, mahal kita.
At hindi ito yung mahal kita na naririnig mo sa
mundo. Ito yung mahal kita na pinakatotoo - ang
mahal kita na makikinig sayo.
Kaya't ikwento mo sakin ngayon kung pano mo
natuklasan ang pag ibig at ikwekwento ko sayo
kung pano ko 'to nilikha. Ikwento mo sakin kung
pano ka nila sinaktan at ikwekwento ko sayo kung
paano nila ako pinahiya, kung pano nila ako
binugbog, kung pano nila ako pinako, at kung paano
ako pumayag alang alang sa pangako.
Ipaalala mo sakin kung ilang beses kang naligaw, at
ipapakita ko sayo kung ilang beses kitang hinanap,

Ipaalala mo sakin kung ilang beses kang nabigo, at


ipapaala ko sayo kung ilang beses kitang niyakap.
Ipakita mo na handa ka nang magtiwala, na handa
ka nang magmahal at ipapakita ko sayo kung paano
magdasal. Huwag kang matakot magkwento.
Makikinig ako sayo, naiintindihan kita dahil alam ko
rin ang pakiramdam ng hindi pinakinggan.
Minsan, nakita kita sa dating tagpuan
Sa ilalim ng karagatan ng mga bituin
Ramdam ng damo sa iyong likuran,
at ng kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin
Ang pulso ng mga damdamin
Mga kwentong gustong kumawala sa pusong
matagal na nilang gustong lisanin
Pero nung gabing 'yon--nung gabing 'yon, galit na
galit ang mga kuliglig, walang tigil sa pagkumpas
ang mga sanga, nagiingay ang buong kalawakan
para sayo.
At noon, niyakap kita, pero hindi na ako
naramdaman ng manhid mong katawan.
Sinabi ko sayong mahal kita, pero hindi mo ako
pinakinggan, ang pinakinggan mo ay ang mundo na
nagsasabing handa ka ng magmahal kung handa ka
ng masaktan,
Pero lagi mong tatandaan na hindi lahat ng sugatan
ay tama ang pinaglaban.
Ngayon, may nangyayaring rebolusyon sa puso mo
-Ikwento mo sakin, at makikinig ako.

Vous aimerez peut-être aussi