Vous êtes sur la page 1sur 4

Kataka-takang mahibang

ang katulad ko sa iyo


Biru-biro ang simula
ang wakas pala ay ano?
Aayaw-ayaw pa ako
ngunit 'yan ay di totoo
Dahil sa iyo puso kong ito'y binihag mo
Alaala ka maging gabi't araw
Alipinin mo't walang kailangan
Marinig ko lang sa labi mo, hirang
Na ako'y iibigin lagi habang buhay.

KAHULUGAN: panunukso sa sarili; pagtanggi sa kalooban ngunit ito pala ay totoo ang
nararamdaman

Bakya mo, Neneng, luma at kupas na


Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta;
Sa alaala'y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.
Ngunit, irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay?
Sa wari ko ba'y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.
Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.
Kung inaakalang 'yan ang munting bagay,
Huwag itapon, aking hirang,
Ang aliw ko kailan man.

KAHULUGAN: pangkukutya mula sa naging pag-ibig, na minsan ng linisan, ngunit sa kabila nito
ay pighati

Ako ay isang lalaking matapang


Huni ng tuko ay kinatatakutan .

Nang ayaw maligo ,


Kinuskos ng gugo
Pedro panduko ,
Matakaw sa tuyo

KAHULUGAN: pangkukutya sa sarili na isang malaking tao na ayaw maligo o marungis

Si Maria kong Dende


Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi.

KAHULUGAN: isang babaeng magtitinda na walang gusting bumili kaya ito ay biglang nalungkot

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang
Santo Nio sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.
Ale, ale, namamayong.
Pasukubin yaring sanggol.
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

KAHULUGAN: pinaghalu-halong panunukso na magkakaugnay

AWITING
PANUDYO
Ipinasa kay:
Gng. Maria Charlene Melegrito
Guro
Ipinasa ni:
Ma. Julia Cazandra L. Belza
Gr. 7- Unity