Vous êtes sur la page 1sur 2

46 Suzuki, Mystie A.

1D MT

Asal Talangka
Bakit kaya sa tuwing may aakyat na talangka pataas ay hihilain ito ng
kanyang kapwa-talangka pababa, kahit na pareho naman silang talangka?
Bakit kapag may isang taong naaangat sa lahat ay hihilain natin siya
pababa? Bakit kaya hindi na lang maging masaya ang lahat dahil sakanyang
mga nakakamit? Likas na nga ba ito sa mga Pilipino? Bakit kaya may mga
taong pilit ibinababa ang ibang mga tao para maangat ang sarili nila? Bakit
nga ba matigas sa palagay ang mga Pilipino? Paano ba natin mapipigilan ang
asal talangka?
Noong ako ay nasa pangalawang baitang pa lang sa elementarya ay
ang konsepto ng taong utak-talangka ay naipakilala na. Nagatataka pa ako
noon kung bakit kinokompara ang isang hayop sa isang tao dahil kumpara sa
hayop ay may mas malawak na pagkakaunawa ang tao pero simula nun ay
nasimulan ko na dn maintindihan kung bakit ganun na lang ang pagkahawig
ng hayop na ito sa mga tao. Hindi ko ikakaila na nagkaron din ako ng utaktalangka at pagkainggit sa aking kapwa na hindi ko namamalayan. Hindi ko
masabi kung dahil ito ang mga ginagawa ng mga taong nasa paligid ko o
dahil ba ito rin ay madalas ginagawa sakin at para sakin ay natural ng
ginagawa sa kapwa. Mabuti na lang ay maaga akong namulat sa maling
gawain na ito.
Kapag ikaw ay mali, ikaw ay huhusgahan, pag ikaw naman ay tama
ikaw pa rin ay huhusgahan. Nakakalito na an gating lipunan, hindi na alam
ng mga tao kung ano ba ang dapat nilang gawin. Magandang halimbawa
neto ay yung kwentong tungkol sa magamang naglalakbay kasama ang
kanilang kalabaw. Hindi nila alam kung sino ang uupo dahil sa kahit anong
paraan ay huhusgahan sila sa huli ay wala na ang umupo sa kalabaw.
Walang tao ang gustong masabihan ng masama sakanyang likuran ngunit sa
mundo ngayon ay wala na atang makakapigil sa mga taong nagpapanggap
na maging hukom. Sa aking pananaw, kung may nakikita kang mali sa isang
tao ay ikimkim mo na lang o sabihin mo sa tao ang mga ayaw mo sakanya.
Huwag kang manghusga na tila walang mali sayo. Hayaan mo silang
magsalita sa likod mo basta gawin mo ang makakasaya sayo dahil hindi
naman importante ang opinyon nila tungkol sayo, ang importante ay kung
ano ang kaligayahan mo.
Lahat tayo at may kanya- kanyang kalakasan at kahinaan. Hindi
magandang pakinggan kapag sinisiraan mo ang isang tao kapag siya ay

nakalamang sayo sa isang bagay. Hindi mo kailangan sabihin sa lahat ng tao


na may mga kamalian niya upang umangat ang pangalan mo. Kung nais
mong umangat sipag at tiyaga lang at mapapansin ka din nila. Hindi ko rin
maintindihan kung bakit may mga taong nanghuhusga sa mga tao dahil sa
kanilang pamamaraan sa paggawa sa kanilang kabuhayan. Itong paksa ay
inangat din ng ating Presidente Benigno Simeon Aquino III sakanyang huling
talumpati ng kalagayan ng bansa. Bakit po ang iba, ang hilig maghanap ng
kung anu-anong pangit sa ating bayan? At napakahirapparang kasalanan
na magsabi ng maganda? sabi niya. Sangayon ako sa sinabi ng ating
presidente dahil kung pagmamasdan natin ang ating mga kababayan wala
ka atang maririnig na maganda tungkol sa ating bansa maliban na lang kung
itatanong mo kung ano ang maganda sa ating bansa. Hindi ko maintindihan
ay kung bakit madaming Pilipino ang nakikisawsaw sa mga problema na
hindi naman sakanila. Marahil ay gusto nilang ipakita sa kapwa na may mas
madami silang kaalaman sa tiyak na paksa. Ngunit hindi pa rin ito sapat
upang pangunahan ang isang tao. Ayon sa aking napanood na video sa
youtube ay dati daw babae lang ang mga tsismosa ngayon daw wala na daw
pinipiling kasarian ang tsismis. Sa akin lang ay sana mabawasan na ang
ganitong klase ng tao, dahil nakakababa ito ng pagpapahalaga sa sarili.
Mahirap pagtagumpayan ang asal talangka dahil ang kalaban mo dito
ay iyong sarili. Kailangan mong aminin sa iyong sarili na ikaw ay inggit sa iba
at may asal talangka. Huminga ka ng tawad kung kinakailangan. Imbes na
ikaw ay mainggit sa mga nakamit ng iba ay pilitin mong maging masaya
sakanilang mga narating. Gawin mong inspirasyon ang mga taong ito imbes
na sila ay kasuklaman mo. Maging masiyahin ka para hindi mo maisip na sila
ay angat sayo isipin mo na kaya mo silang gayahin at tumungo ka sa landas
ng tagumpay. Kapag ang asal talangka ay napagtagumpayan na ng lahat ay
hindi malabong maging mas uunlad ang ating bansa dahil dito mas lalakas
ang pagkakaisa ng sambayanan at pagmamahal sa bayan.

Vous aimerez peut-être aussi