Vous êtes sur la page 1sur 2

Ang Kuwento ni Lola

Lahat:
Babae 1:
Solo 1:
Lahat:
I:
II:
III:
Lahat:
Mga Lalaki:
Mga Babae:
Lahat:
Mga Lalaki:
Mga Babae:
Babae 1:
Lahat:
Mga Babae:
Mga Lalaki:
Solo 1:
Lahat:
I:
Lahat:
Solo 1:
Lahat:
Babae 1:
I:
Lahat:
Solo 1:
Lahat:
Babae 1:
Lahat:
Babae 1:
Lahat:
Babae 1:
Lahat:
Babae 1:
Solo 1:
Lahat:
Babae 1:
Lahat:

Nangungulit na naman ang batang si Joy.


Ikaw talagang bata ka, mai ka na nasawa sa kakapautro ning istorya?
Sige na lola. Pls.. Ikuwento niyo na po ulit kung paano kayo nagkatuluyan ni
Lolo?
Tuwing bakasyon sa eskwela ay umuuwi si Joy sa kanyang lola sa probinsiya. Dito
siya naglalagi hanggang hindi pa nagbubukas muli ang pasukan.
Masaya sa Bicol.
Sariwa ang hangin sa bukid.
Mababait ang mga tao.
At higit sa lahat, masarap ang mga pagkain.
Lalo na ang laing at Bicol express na paboritong lutuin ng kanyang lola,
na paborito rin niyang kainin.
Kaninang umaga nga ay dinalhan nila ng pagkain ang mga taong nag-aani sa
palayan ng kanyang lola.
Masisipag ang mga itong magtrabaho.
Kahit nga maghapong nakabilad sa init ng araw ay nakangiti pa rin ang mga ito
nang silay salubungin.
Sa kabila ng pagbabago ng panahon, buhay na buhay pa ang bayanihan dito sa
bukid.
sabi ng kanyang lola. Ang bayanihan ay pagtutulungan ng mga tao sa
pamayanan upang matapos ang isang gawain o proyekto na walang hinihinging
kabayaran.
Sapat na ang kaunting salo-salo pagkatapos ng trabaho.
Sa mga lalaki naman, ayos na ang simpleng aratubangan na may kasamang
kantahan at maraming kuwentuhan.
Masaya nga sa probinsiya,
sabi ni Joy sa kanyang sarili. Buhay na buhay pa ang mga magagandang
kaugaliang Pilipino.
Ngunit ang talagang gustong-gusto ni Joy ay ang pagkukuwento ng kanyang lola
na ginagawa nito bago sila matulog.
Tulad ngayong gabi, gusto niya ulit marinig ang kuwento ng pag-iibigan ng
kanyang lolo at lola na kahit paulit-ulit na ay masaya pa ring pakinggan.
Paano nga ba kayo nagkamidbidan ni lolo, Lola?
Panimula ni Joy. Gustong-gusto niya kapag ito ang kinukwento ng kanyang lola.
Pakiramdam ni Joy ay napapasaya niya ang matanda.
Nagkakakilala kami ng iyong lolo sa isang baylihan. Inaya niya akong sumayaw
pagkatapos ay tinanong kung saan ako nakatira at kung ano ang aking pangalan.
Pagkatapos ng gabing iyon ay sinimulan na niya akong inumukan,
pagpapatuloy ni lola.
Sabi pa nito palagi na siyang binibisita ni Lolo sa kanilang tahanan. Bilang
panunuyo rin sa kanyang mga magulang ay gumagawa ito ng mga gawaingbahay tulad ng pag-iigib ng tubig at pagsisibak ng panggatong.
Matiyaga pala si Lolo,
sabi ni Joy.
Aba siyempre naman,
sang-ayon ni Lola.
Uragon talaga ang lolo mo. At hindi lang yon, malambing pa siya. Ta alistuhon
magkanta, pirmi akong pigaharana. Ata ta minsan nakaistorbo na baga, pero si
Lolo mo sige sana.
Itinanong din ni Joy kung may nanghaharana pa rin ngayon sa probinsiya. Sa
kanilang lugar kasi sa lungsod ay halos wala na.
Meron pa naman mangilan-ngilan,
sagot ni Lola.
pero dahil sa pagkauso ng mga cellphone at internet, hindi na marunong

Mga Babae: magtiyaga ang mga kabataan ngayon.


Eh Lola, ano po ang pinaka-nagustuhan niyo kay Lolo?
Mga Lalaki: muling tanong ni Joy.
Solo 1: Siyempre, talagang maboot ang Lolo mo. Relihiyoso pa,
Lahat: sagot ni Lola habang sinasariwa ang masasayang panahong magkasama silang
Babae 1: mag-asawa. Naaalala pa niya noong silay mag-asawa na, palagi silang
pumupunta sa Naga tuwing pista ng Birhen ng Peafrancia.
Lahat: Yun ay isang panata na ginagawa pa rin ng kanilang pamilya.
Solo 1: Maogma talaga siguro kayo noon, ano Lola,
Mga Lalaki: dagdag pa ni Joy.
Talagang maogma! Kaya ikaw, matulog ka na dahil bukas tutulong tayo sa
Babae 1: paghahanda para sa pista,
Mga Babae: paalala ni Lola habang inaayos ang higaan nila.
Sige po Lola. Pero pwede niyo po ba akong awitan ng inyong paboritong kanta ni
Lolo?
pahabol pa ni Joy. Alam niya mahilig kumanta ang kanyang lolo at lola. Ito rin ay
isang ugali na kanyang namana sa kanila.
Naku, ikaw talagang bata ka. Sige na nga,
sang-ayon naman ni Lola.
Lahat:
Sarung banggi, sa higdaan
Nakadangog ako
nin huni nin sarong gamgam
Sa luba ko katurugan,
bako kundi simong boses iyo palan.
Masaya na naman si Lola dahil kasama ang nag-iisang apo na talagang paborito
niya.

Vous aimerez peut-être aussi