Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
DI TULAD NG KARANIWANG EPIKO, halos walang kagila-gilalas sa Ang Awit sa Tagani ni Aliguyon na inawit ni Hinayup Bantayan ng Burnay at nalathala sa
Antolohiya ng mga Panitikang ASEAN (1983). Masasabing napakapraktikal ng
daigdig na ginagalawan ng epikong ito ng mga Ifugaw, sapagkat umiinog sa
ekonomikong transaksiyon at katatagan sa likod ng mga digmaan at pagaasawahan. Para ito sa pagpapanatili ng katayuan sa lipunan, at ang halaga ng
kapayapaan upang hindi mayanig ang posisyon ng mga nanunungkulan.
May tatlong detalye na maaaring ituring na kamangha-mangha: a) ang lubhang
batang edad nina Aliguyon at Pumbakhayon nang sumuong sa digmaan; b) ang
pananalangin sa tandang at paghingi rito ng tanda ng kapalaran sa digmaan; at c)
ang paghingi ng gabay sa idaw sa daan patungo sa nayon ng kalaban. Subalit hindi
ganap na kagila-gilalas ang mga ito sapagkat naiisip kong kamukha ang una ng
kaso ng mga gang war sa mga siyudad ng kontemporaneong lipunan
nagtatanggol din sa teritoryo at maaaring buhay ang nakataya; samantalang ang
huling dalawa naman ay nakasalalay sa pagbsa ng mga bayani sa mga tanda ng
kalikasanna hindi nalalayo sa kasalukuyang pagtatawas o panghuhula.
Kaya naman higit na kagila-gilalas pa ang alamat sa likod ng pag-awit ng epiko. Sa
introduksiyon ni Josefina T. Mariano, na nagsalin nito sa Filipino, ipinaalala niya ang
isang kuwento na si Pumbakhayon umano ang dating tampok sa hudhud, subalit
napagod na ito sa pakikinig sa paulit-ulit niyang pakikipagsapalaran kaya
isinalaysay niya ang kuwento ni Aliguyon sa mga babaeng nagtatanim sa payaw.
Subalit namatay ang lahat ng babaeng nakakita sa kaniya, at napalaganap na
lamang ang bagong epiko dahil sa dalawang babaeng nag-aani sa malayot
nakarinig sa kaniya ngunit hindi siya nakita. Patunay ng kuwentong ito ang bato
sa Kuto na may butas na dahil umano sa lakas ng pagdura ng nganga ni
Pumbakhayon. May mapa rin sa edisyong ito, na tila ba itong Topograpiya ng
Hudhud ay pagsasaagham sa espasyong ginagalawan ng naratibo. (Ano ba ang
3
taong
bakbakan,
natuto
silang
igalang
ang
isa't
isa.
Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang
bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon
ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon,
at
ipinagdiwang
nila
ang
kampihan
ng
2
bayani.
Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik na
magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni
Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na babae ni
Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Buganhanggang lumaki itong napakagandang dalaga.
Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae niAliguyon, si
Aginaya. Ang 2 familia nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.