Vous êtes sur la page 1sur 1

ANG PASKO

Alam ng bawat isa sa atin na taon-taon ay sumasapit ang araw ng kapaskuhan o


ang araw ng kapanganakan ng ating Panginoon sa ika-25 ng buwan ng desyembre at di
maiwasan na bawat pamilya ay nagsasama-sama sa bawat tahanan upang ipagdiwang
ang araw

na ito ang Araw ng Pasko o buwan ng desyembre ang buwan ng

pagmamahalan at pagbibigayan ng bawat isa. Ang araw na ito ay matutuwirang siyang


pinakamasayang araw ng bawat pamilya. Di rin maiwasan ang pagkakaroon ng
simbang gabi bago ang pasko at ang Bagong Taon. Ang pagssimba ay isang tanda ng
pagmamahalan at pagpapasalamat sa ating mahal na Panginoon. Kasama rin dito ang
pangangaroling sa bawat tahanan. Ang pangunahing nagsasagawa nito ay ang grupo
ng mga kabataan na tulad natin. Sobrang excited ang lahat sa pagsapit ng pasko lalo
na ang mga bata dahil marami naman silang matatanggap na ibat ibang uri ng
Aguinaldo mula sa knilang ninong at ninang. Mapapansin natin sa bawat tahanan ang
simbolo ng Pasko dahil maraming palamuti ang makikita dito. Sa panahong ito marami
rin tayong mabibili ng mga kagamitan na sakto sa budget natin dahil madalas ang mga
pamilihan ay nagbabagsak presyo kaya ang Pasko talaga ang pinakaimportanteng
bahagi ng ating buhay. Kaya dapat lang na ito ay ating bigyang pansin at halaga dahil
ito ay ang araw bilang pagtanaw natin ng utang na loob sa ating Panginoon at
pagpakita ng pagmamahal, pasasalamat sa lahat ng mga biyayang kanyang
ipinagkaloob sa atin araw-araw at pagbibigay ng maayos na kalusugan, paghingi ng
tawad sa lahat n gating mga nagawang kasalanan. Kaya ang kapanganakan n gating
panginoon ay ating ipagdiwang ng bukal sa ating kalooban at maging masaya kasama
ang bawat pamilya at mahal sa buhay kasama an gating mahal na panginoon.

Vous aimerez peut-être aussi