Vous êtes sur la page 1sur 3

Aralin # 3

Pagsusuri sa Tulang
Liham ni Pinay mula sa Brunei
Ni Elynia Ruth S. Mabanglo

I.Nilalaman ng tula (Ipaliwanag ang mga mensaheng nakapaloob sa bawat saknong)


Saknong I-Ang isang babae o ina ay nasa loob lamang ng bahay at nagsisikap na gawin
lahat ang gawaing bahay at palaging kasama ang kaldero, batcha, at kama at nagsisikap na
mangibang bansa.
Saknong II-Ang mga babae rin ang mga nagaasikaso sa kanilang asawa sa lahat ng
kanilang mga kailangan at ang mga babae rin ang gumagawa ng lahat para sa kanilang
asawa.
Saknong III-Ang babae ay kailangan niyang Gawin ang ginagawa ng isang guro at isang
asawa at isang ina at halos lahat ng trabaho sa bahay ay laging pasanin ng mga
kababaihan.
Saknong IV-Ang mga babae ay nasisiyahan na lamang sa kaunting bagay o nasisiyahan na
lamang sila sa kanilang mga ginagawa pero ginagawa pa rin nila ang lahat ng gawaing
bahayat gustong mangibang bansa.
Saknong V-Ang babae ay nalulungkot ng mawalay siya kanyang pamilya noong siyay
mangibang bansa at maghanap ng trabaho para sa kanyang pamilya at sarili niya na lang
ang pinaglilingkuran.
Saknong VI-Hayaan na lang ang lalaki na gumawa lahat ng gawaing bahay at hayaan na
lang ang lalaki na maghanap ng trabaho para sa kanyang pamilya at bumuhay sa kanyang
pamilya.
II. Punto De Vista
Ang pagiging babae o ina ay napakahalaga ating lipunana dahil kung wala sila walang
mag-aalaga sa atin at walang mag-aasikaso sa atin at sila ay ating maasahan sa lahat ng gawaing
bahay at kung wala sila walang gagawa sa mga gawaing bahay at lahat ng mga babae ay sila lang
ang may kayang gumawa ng gawaing bahay.
III.Istruktura o Pagkakayari ng Tula
A. Istilo ng may akda---------------------Malayang Pananalita
B. Uri ng Tula------------------------------Tulang Liriko

C. Elemento ng Tula
B.
SAKNONG
I (5,Quintet)
II (18)
III (9)
IV (11)
V (10)
VI (2,couplet)

A.

SUKAT
10,16,13,11,8
18,12,8,7,16,16,10,17,15,
11,7,12,12,11,11,9,14,10
10,16,9,12,14,13,13,8,7
11,13,12,9,11,14,12,14,12,11,8
14,13,14,13,11,14,15,12,,10,14
7,13

C.

TUGMA
a,a,a,a,a
a,a,e,o,o,o,a,a,o
o,g,g,o,o,t,t,m,g
a,e ,g,i,i,w,n,n,n
k,t,n,m,y,p,p,o,o,a,a
n,g,g,s,a,a,o,o,a,a
t,t

D. Sining o Kariktan
Nagmumukmok-Nagtatampo

Nangulila-Nananabik

Kalayaw-Parte, kasama

Kabagutan-Walang magawa

Nanghinawa-Nagsawa

Mangibang lupa-Mangibang Bansa

E. Talinhaga
Dapat din nating respetuhin ang mga babae dahil lahat tayo ay ginawa ng
diyos na Pantay-pantay walang lumalamang at walang nalalamangan at dapat din
nating Tulungan ang mga babae sa lahat ng mga gawaing bahay at ang mga babae
ay Mahalaga sa ating lipunan dahil silang lahat ang gumagawa ng mga gawaing
bahay Minsan sila pa ang naghahanap buhay para sa kanilang pamilya kaya dapat
din natin silang respetuhin.
F. Tono o Damdamin
Nagtatampo at Nangungulila
G. Tema
Ang lahat ng mga babae ay dapat nating respetuhin dahil meron din silang
Karapatan at karapatan nilang maging Malaya at dapat din natain tulungan sa
Lahat ng Gawain.
IV.Kulturang Pilipino
Ang mga babae ay masisipag, silay palaging nasa bahay lang at ginagawa o
tinatapos ang mga gawaing bahay pero minsan ang mga lalake ay walang respeto sa
mga babae minsan sinasaktan pa ng mga lalake dahil hindi nasusunod ang gusto ng
Lalake dapat wag natin silang saktan dapat natin silang igalang.

V. Katangian ng may-akda na maisasalaming sa kanyang likha.


Ang katangian ng may akda ay gusto niyang marespeto siya at ang mga kababaihan
at gusto niyang ipakita sa tula na bigyan natin ng pansin ang mga kababaihan dahil
sila ay napapagod din sa lahat ng gawaing bahay, dapat bigyan din natin ang mga
kababaihan ng pahinga sa mga Gawaing bahay at hindi sila mapagod ng sobra at
hayaan ang mga lalake naman ang mag-hanap buhay para sa pamilya at gumawa
din ng gawaing bahay o kayat hayaan ang mga lalake rin na maglaba ng kumot.
VI. Implikasyon sa buhay ng mga mambabasa o mag-aaral.
Ipinapahiwatig ng tulang ito na lahat tayo ay pantay-pantay walang lumalang at
walang nalalamangan, bigyan natin ng respeto ang isat-isa at sinasabi rin dito na
ang mga babae ay may karapatan din dito sa ating lipunan.

Vous aimerez peut-être aussi