Vous êtes sur la page 1sur 6

ANO ANG EPEKTO

NG SOCIAL MEDIA?

Ipinasa Nina:
Mikaela Marie R. Dela Cruz
Airah Shaynne A. Santos
IV-Rizal

Ipinasa Kay:
Bb. Cristina Enriquez

Ayon sa tala, mayroon humigit kumulang 45 pangunahing SNS ang aktibong


sinasalihan ng mga mamamayan ng mundo ngayon. Ang mga SNS na ito ay
may pagkakaiba base sa teknolohikal na katangian, kultura na namumuo sa

SNS, interes, gawain at pananaw ng mga miyembro, at serbisyong pangkomunikasyon. May mga epekto ang social media sa mga tao ngayon. Tulad
ng bullying, pamimili sa tao, paninira sa mga tao at pagkawala ng panahon
sa mga tao sa paligid.
Ang mga social networking sites ay mga serbisyong web-based na
pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng pribado o pampublikong
profayl sa loob ng sistema; pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita
ang listahan ng kanilang mga koneksyon at makita ang mga ginagawa ng iba
pang tagatangkilik ng sistema (Boyd & Ellison, 2007). Ang social networking
ay nakasentro sa pagbuo ng komunidad na onlayn ng mga miyembro na may
pareho-parehong interes at gawain (Wikipedia, 2008). Ito ay kung saan ang
isang tao ay gumagamit ng mga kontak upang makakilala ng mga bagong
kaibigan bilang potensyal na koneksyon sa negosyo o social life. Ang mga
koneksyong ito ay makatutulong upang mapalawak pa ang mga koneksyong
mabubuo pa sa hinaharap (Bax, n.d.; MacEntee, 2007; Glaser, 2007).
Ang Pilipino ay isa sa mga lahing tumatangkilik ng mga SNS at gumagamit
ng mga serbisyo nito. Kaugnay ng paggamit nila ng SNS ang kanilang
moralidad at mga kaugalian na nabuo sa paglipas ng panahon. Makikita ang
mga markang Pilipino na ito sa kanilang mga dahilan ng paggamit ng SNS.
Mula sa mga makalumang bagay hanggang sa bagong teknolohiya ay
nagkakaroon din ng mga pagbabago ang hilig at interes ng mga tao. Aminin
man natin o hindi maramng mga kabataan ang naadik sa ibat ibang
hightech na kagamitan at lalo na sa mga Social Networking Sites na nauuso
na ngayon, maliban sa facebook nandiyan na din ang twitter.
Naparami sa panahon ngayon ang may account sa mga social networking
site. Mga pinaka-sikat na libangan ng pinoy ngayon ngunit hindi lang
maganda ang naidudulot nito sa atin dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa
panahon natin ay rumarami rin ang paraan ng tao na manira ng kanilang
kapwa tao.
Sa katunayan napakaraming highschool student o teenager ang may mga
ganito dahil sinasabi na " IN " ka pag mag ganito ka kaya napakaraming bata
ang nahuhumaling na gumawa nito dahil napapadali nga naman ang
komunikasyon ng mga tao at easy access nga naman at wala kang
babayaran, ngunit dahil rin dito marami ang nasisira, halimbawa na lang nito
ay ang pagpopost ng kung anu-anong kasiraan ng tao o kaya mga
malalswang panuorin at minsan ay dito pa nagbabangayan ang mga
estudyanteng may alitan.Sa mga estudyante ang nagiging epekto nito ay
malaki dahil hindi na lang sa school ginagawa ang bully pati na rin sa
social networking site katulad ng pangblablackmail ginagawa na rin dito
upang makasira lang ng bata at nandiyan rin ang panghihingi ng ibang bata
ng pera sa binubully nila at meron rin na ang iba ay sinisiraan ang isang bata
na may tendencing mabasa ng iba ang mga mapanirang pahayag na dahilan

na maapektuhan ito dahil nga bilang teenager madalas magtago ng sikreto


ito sa mga magulang at minsan naaapektuhan rin ang emosyon at kilos ng
teenager
na
nabubully
sa
social
networking
site.
Marami ang mga negatibong dulot ng pag-unlad ng teknolohiya sa ating
bansa katulad nga ng pangbubully sa social networking site na nararanasan
ng ibang bata sa ating bansa na napakahirap talaga sugpuin dahil hindi
naman natin kapit ang isipan ng ibang bata pero alam naman nating lahat na
isang probleman ay may sulosyon kaya sa mga magulang ay dapat gabayan
natin ang ating mga anak sa paggamit ng social networking site.
Mahigit 37M na ang mamamayan na gumagamit ng internet sa bansa. Sa
kabila ng pupugak-pugak na mobile internet 63% sa kanila ang subscribers
nito at gumugugol ng apat na oras sa social media. Facebook ang
nangungunang online social media network at 34 milyon sa mga gumagamit
ng internet ay matatagpuan dito o katumbas ng 35% ng buong mamamayan.
Gayunpaman, pangarap pa ang pagbuwag sa digital divide upang
magkaroon ng akses ang mas malawak na rural areas.
Bawat Facebook post, photo, note, like, share o anumang update sa News
Feed ay dahan-dahan na pagbubukas ng pribadong buhay sa malawak na
mundo ng online. Sa mundong ito, nanatili at iniimbak ang mga datos at tila
may sariling buhay ang pagkalat ng impormasyon o ng simpleng status sa
maraming sulok. Halimbawa, maaaring basahin o mag-trending o maging
viral ang iyong simpleng status update na nagbubulalas ng galit sa paglustay
ng Presidente sa kaban ng bayan gamit ang Disbursement Acceleration
Program.
Dahil na rin sa lawak na inaabot, inaakala na rebolusyon ang ibinubunga ng
galit sa social media. Tulad ng ipinapakalat ng media na Twitter Revolution,
Arab Spring at iba pa. Mahirap maabot gamit lamang ang like, post, note, o
share sa facebook at social media ang katulad na nakayayanig na
pagbabago.
Nakahahawa ang damdaming kakabit ng status update sa News Feed. Ito
ang ipinakita ng mapanghimasok sa eksperimento ng Facebook noong 2012
at inilathala sa Proceedings of National Academy of Sciences (PNAS) sa US,
kamakailan.
Sa eksperimento, nais makita nina Adam Kramer, Jamie Guillory at Jeffrey
Hancock kung ang emosyon o emotional state ay naililipat sa
pamamagitan ng emotional contagion kahit pa walang totoong interaksyon
sa offline.
Maraming pananaliksik na ang naisagawa hinggil sa impluwensya ng
emosyon sa isang indibidwal sa pagkakataong nagkaroon ng interaksyon sa
iba. Halimbawa, sumasaya tayo kapag kapiling ang mga kaibigan na
masasaya at kabaliktaran naman kung malungkot ang grupo. Ipinakita nina
Kramer na kahit walang in-person interaction at non-verbal cues o

pagiging miron lamang maaaring mahawa ng positibo o negatibong


emosyon sa social media.
Mula January 11 18, 2012, walang pahintulot na nagmanipula ang Facebook
sa News Feed na nababasa ng mga 689,000 gumagamit nito. Hinango sa
kanila ang tatlong milyong (3 M) post na may 122 M na salita na binubuo ng
4M positibo at 1.8M naman ang negatibo. Nagawang maitago o maipakita
ang tinukoy na mga post sa News Feed upang alamin ang reaksyon ng
gumagamit sa pagkakataon na mas maraming bilang ng status update ang
naglalaman ng positibong salita at sa kabaliktaran nito.
Nakakagimbal ang panghihimasok na ito. Ipinapakita ng eksperimento na
hindi kailangan ng kumpanya ang tahasang pahintulot upang gamiting ang
mga datos ng user lagpas sa isinasaad sa Data Use Policy. Higit pa, isinantabi
nito na maaaring magkaroon ng masamang epekto sa user ang kanilang
eksperimento lalo pat aspetong sikolohikal ang nais obserbahan.
Ano pa kaya ang kanilang ginagawa sa ating mga datos? Matatandaan na
isinawalat rin ni Edward Snowden ang aktibong partisipasyon ng Facebook sa
mass surveillance project na PRISM ng National Security Agency (NSA) ng
US.
Sa pag-unlad ng teknolohiya, pinipilit ng mga kumpanya na boluntaryong
ibigay natin ang mga personal na impormasyon kapalit ang diumanoy
interconnectedness. Sa social media, halos buong buhay na natin o timeline
ay pinipilit nitong iimbak. Mula sa mga datos na ito kumikita ang industriya
ng advertising. Sa paghahabol ng tubo ng mga kumpanya, bulagsak na
ginagamit ang mga datos upang kanilang pag-aralan ang consumer
behaviour na ikinukubli sa kung anu-anong siyensya; Data Science, Big
Data at iba pa.
Sa mga datos rin sa social media mas masinop na nagagawa ang mass
surveillance ng mga gobyerno.
Isang esensyal na karapatan ang right to privacy na sumususog sa iba pang
karapatan tulad ng freedom of expression and information, at freedom of
association. Dito rin nagsisimula ang pamumuhay natin na may dignidad.
Mali ang walang pahintulot na paggamit ng Facebook sa mga post sa
nabanggit na pananaliksik. Sa tamang siyentipikong paraan, mahigpit na
kaugnay ng mga behavioral observation ang informed consent sa mga
kalahok. Ang lalong nakakabahala, nag-eksperimento ang kumpanya sa
totoong mga user at isinantabi ang maaring epektong sikolohikal. Tanging
ang bansang Canada ang pormal na nagreklamo sa kumpanya upang
ipaglaban ang right to privacy ng kanilang mamamayan.
Kung nagawa nila ang ganitong manipulasyon upang makita ang tugon natin
sa nababasa sa News Feed, ano pa ang ibang eksperimentong kanilang
ginagawa?

Sa kabilang banda, walang proteksyon ang mamamayan sa panghihimasok


sa privacy at sa ganitong mga eksperimento maliban sa mas maingat na
paggamit ng Facebook at iba pang matatagpuan online. Sa halip na
manguna upang protektahan ang right to privacy ng bawat indibidwal, ang
mga gobyerno pa ang may pinakamalawak na rekurso sa surveillance.
ang SNS ay isang instrumento. Iba-iba ang depinisyon at gamit natin dito. Ito
ay maaaring makasama o makabuti sa ibat ibang aspeto ng buhay. At ang
magdidikta kung ano ang kalalabasan ng paggamit nito, kung masama man
o mabuti, ay ang taong tumatangkilik nito. Ang paggamit nito ay maaaring
pangunahan ng mga moral at kaugalian ng isang tao ngunit minsan
bumabaliktad ang sitwasyon at pinangungunahan ng paggamit ang
moralidad. Sa oras na mauna ang paggamit sa moralidad, magdudulot ito ng
mga isyu na makaaapekto sa lipunan o sa pamilya. Ang mga isyu ang siyang
sumisira sa moralidad at kaugalian ng mga Pilipino at sa pagdami ng mga
tagatangkilik ng mga SNS ay lumalaki rin ang pagkakataon na mabago ang
mga mabuting kaugalian dahil sa impluwensya ng makabagong teknolohiya.
Isang halimbawa nito ang paggugol ng oras sa harap ng isang kompyuter sa
halip ng isang tao at dahil roon ay nababawasan ang kanyang kakayahan sa
pakikihalubilo ng harapan. Isa pang halimbawa ang pagiging hadlang nito sa
mga gawain. Ang mga SNS sa kabila ng kanilang mga gamit ay maaari ring
maituring bilang isang libangan para mabawasan ang pagkahapo sa
pamamagitan ng pakikipagusap at paglalahad ng mga problema. Kung ang
paggamit nito ay hindi malilimitahan, ito ay maaaring magsilbing isang
distraksyon sa trabaho o sa isang importanteng gawain. Sa kabuuan, ang
kahihinatnan ng isang SNS ay nakasalalay sa taong gumagamit nito at kung
pano niya ito gagamitin ayon sa kanyang moralidad.Ang SNS ay isang bagay,
at ang isang bagay na ginagamit sa mabuti ay makabubuti, samantala kung
ito ay gagamitin sa masama ito ay makasasama.
Ang paggamit ng SNS ay may dalawang panig, isa ay ang positibo na siyang
nagdadala ng mga benepisyo sa buhay ng isang Pilipino at ang ikalawa
naman ay ang negatibo na nagdadala naman ng mga isyung nakasisira sa
isang paninindigan o paniniwala tulad ng moralidad. Upang maiwasan ang
pagkasira ng ugaling Pilipino o ang mga isyu na pinagmumulan ng lumot sa
mga kaugaliang Pilipino, ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik, kanilang
inirerekomenda sa mga mambabasa na alamin ang kulturang Pilipino at ang
pinagmulan nito. Sa pamamagitan ng karagdagang kaalaman na iyon, ay
posibleng mas lalo pang mapagtibay sa susunod na henerasyon ang mga
mabubuting gawi at paniniwala ng mga Pilipino. Inirerekomenda rin ng mga
mananaliksik na limitahan ang paggamit ng mga SNS at buksan ang mga
filter na siyang nagsasala ng laman ng mga profayl. Sa pamamagitan ng
mga paraan na ito ay mababawasan ang pagkakataon na maistorbo sa
gawain, trabaho o pag-aaral at makakita ang kabataan ng letrato o
impormasyon na hindi nararapat sa kanilang edad. Para naman sa isyu ng
seguridad at pagkawala ng privacy inirerekomenda ng mga mananaliksik na

limitahan ang personal na impormasyon na inilalagay sa isang profayl sa


SNS. Sa pamamagitan ng pagtatago ng maselang impormasyon, hindi ito
magagamit laban sa may ari ng nasabing profayl. Ang mga hakbang na ito
ay maaaring magkapagbawas ng mga isyu na naidudulot ng malabisang
paggamit nito at upang mas maging epektibo ang prosesong ito
inirerekomenda ng mga mananaliksik na humingi ng tulong sa mga
magulang, propesor at awtoridad.
Mga Sanggunian:

http://www.wattpad.com/7428489-social-networking-sites-ano-nga-baag-epekto-nito
http://bulatlat.com/main/2014/07/09/status-update-social-media-atmapanghimasok-na-eksperimento-ng-facebook-sa-ating-news-feeds/
http://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/05/09/epekto-ng-socialmedia-sa-mga-kabataan/
http://disadvantge.blogspot.com/
http://labsqkohyunjung.blogspot.com/
http://snnsocialnetworkingngayon.blogspot.com/

Vous aimerez peut-être aussi