Vous êtes sur la page 1sur 7

Pictorial Essay

Saint Louis University Lantern Parade 2016


December 1, 2016

Tuwing ika-unang araw ng Disyembre ay ipinagdiriwang ng Saint Louis University


ang taunang Lantern Parade na nagsisilbing hudyat ng pagsisimula ng Pasko sa lungsod
ng Baguio. Kasabay ng pagdiriwang na ito ay ang Christmas tree lighting ceremony ng
naturang lungsod. Ang Baguio Lantern Parade o SLU Lantern Parade ay isang taunang
fiesta na nagpapakita ng mga likhang kamay ng mga mag-aaral ng Saint Louis University
sa pamamagitan ng mga specially crafted lanterns. Sa kabila ng malamig na mga gabi
at makulap na mga umaga, tulad ng Panagbenga festival, ang mga turista ay
nagdaragsaan hindi lang upang makaranas ng mas malamig na panahon kundi pati na
rin ang panonood sa pinaka-inaabangang parada. Ang mga tao ay nagtitipon-tipon
sa gilid ng kalsada ng Session Road upang masilayan ang pinaka-hinihintay na
pagdiriwang ng araw, ang lantern parade.
Taong 2009 nang unang ipagdiwang ng Saint Louis University ang kanilang
Foundation Anniversary sa pagtatampok ng Lantern Parade. Ngayong ika-walong
taunang pagdiriwang nito ay nakatakdang magkaroon ito ng temang: Colors and
Symbols of Mission na bibigyang buhay ng sampung mga kalahok ng nasabing parada.
Ang temang ito ay naglalayong bigyan pansin ang internasyunal na mga istasyon ng
misyon na itinatag ng Congregation of Immaculate Heart of Mary (CICM). Ang Lantern
Parade ay inaasahang kikilala at magtataguyod pagkakaisa sa kabila ng pagkakaibaiba ng mga kultura bilang pangunahing layunin ng CICM mission.
Sa nasabing patimpalak, ang pagganap ng bawat paaralan ay may layuning
ipakita ang mga naging kontribusyon ng mga CICM Missionaries sa ibat-ibang bansa.
Unang nagtanghal ang Laboratory Elementary school na nagrepresenta ng bansang
U.S.A.. Sinundan naman ito ng mga binatat dalaga ng Laboratory High school na
nagrepresenta naman ng bansang Japan. Pangatlo ang School of Law(Mongolia). Ikaapat naman ang School of Teacher Education and Liberal Arts(Belgium). Pag-limang
nagtanghal ang School of Computer and Information Sciences(Brazil). Ika-anim naman
ang School of Engineering and Architecture na nagrepresenta ng bansang Dominican
Republic, sinundan ng School of Natural Sciences (Haiti), School of Medicine (Indonesia),
School of Nursing (Guatemala) at ang panghuling nagtanghal ay ang School of
Accountancy, Business and Management na nagrepresenta sa bansang Congo.

Mga mag-aaral ng Saint Louis University

Ikaw at ako, ay kaya nating pintahan ang langit nang magkasama. Tayoy
maging lampara ng pag-asa na tutulong upang magningning ang liwanag ng
bawat-isa.

School of Computer and Information Sciences

Sa taong 1963, tinanggap na rin ng bansang Brazil ang mga CICM missionaries
at pagkaraan ng tatlong taon ay nakarating ang unang grupo ng mga
misyonaryo sa Cameroon.

Sa pagdaan ng panahon ay nagpatuloy ang misyon ng CICM hanggang ngayon.


Nanatiling nagliliyab ang puso ng bawat isa sa pag-asa tungo sa pagkubli sa
Amang nasa langit.

Pagkatapos paalisin ang


CICM ng mga comyunista
sa bansang China ay
nagdesisyong tumuloy
muna sila sa Hong Kong at
Taiwan. Ipinagpatuloy muli
nila ang misyon sa taong
1954. Sa naturang taon
din na ito ay itinatag ang
CICM Mission sa bansang
Guatemala.

School of Nursing

Sa taong 1958, ang mga


Pilipinong CICM ay isa sa
mga nangungunang
grupo ng CICM
Missionaries na nagsimula
ng misyon sa bansang
Dominican Republic.

School of Engineering and Architecture

Noong panahon ng pangalawang


digmaang pandaigdig ay humingi
ng tulong pinansyal si Fr. Ernest
Dielteins sa bansang Amerika at
kalaunan ay nagtatag ng
permanenteng CICM mission sa
bansang ito at tinawag na
Missionhurst missionaries in the US.

Laboratory Elementary School

Pagkatapos ng ikalawang
digmaang pandaigdig ay agad
namang pinaunlakan ang
imbitasyon ng Bishop ng Osaka,
bansang Japan at nagsimula na
ring pangunahan ng CICM
missionaries ang mga Hapon,
taong 1948.

Laboratory High School

Ang bansang Haiti na kilala bilang


pinakamahirap na bansa sa Amerika
ay nagsimula na ring tumanggap ng
CICM missionaries, taong 1953.

School of Natural Sciences

School of Accountancy, Business and Management

Sa parehong taon ay nagtatag ang CICM ng kanilang misyon na tinawag na


Independent state of Congo at nang naglaon ay tinawag na Democratic
republic of Congo.

School of Medicine

Pagkaraan ng tatlumpung taon ay itinatag naman ang misyon ng CICM sa


bansang Indonesia.

Dito ay natagpuan ang isang Catechetical Institute, isang minor seminary at


paaralan ng Agrikultura.

Noong Nobyembre 28, 1862 ay


naitatag ang Congregatio
Immaculati Cordis Mariae (CICM)
sa Scheut, Brussels, Belgium.

School of Teacher Education and Liberal Arts

Taong 1865 ay nagkaroon ng


katuwang na tatlong pari si Fr.
Theophile Verbist na sina Fr. Alois Van
Segvelt, Fr. Ferdinand Hammer, at Fr.
Francois Vranckx. Sila ay dumating sa
Xiwanzi Inner Mongolia at naatasan sa
mga Vicariate Apostolic mula sa mga
Lazarists.
School of Law

Sa sumunod na taon ay
pumanaw si Fr. Theophile
Verbist ngunit sa kabila nito ay
nagpatuloy ang kanyang
misyon at sa taong 1888 ay
may humigit kumulang isan
daang CICM Missionaries na
ang naitatag.

Vous aimerez peut-être aussi