Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
(GREAT VESPERS)
Ayon sa tagubilin sa Kalipunan ng mga Pagbasa at Panalangin ng Simbahang
Orthodox, ang Dakilang Panalangin sa Gabi ay dapat gawin sa bisperas ng Dakilang
Liturhiya (Sabado ng gabi) at mga bisperas ng mga dakilang kapistahan at mga
kapistahan ng mga santo.
PANIMULA
Pari: + Pagpalain nawa ang ating Panginoong Diyos palagi, ngayon at
magpakailanman, at magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Pari: Halinat tayoy sumamba at magbigay-galang sa ating Hari at Diyos.
Halinat tayoy sumamba at magbigay-galang sa ating Kristong Hari at Diyos.
Halinat tayoy sumamba at magbigay-galang sa ating Panginoong Hesukristo, ang
ating Hari at Diyos.
Salmo 103 (104)
+ Papurihan mo ang Panginoon, O aking kaluluwa!
Ikaw Panginoon na aking Diyos, kay dakila mong talaga!
Karangala't kamahalan, lubos na nadaramtan ka.
O Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag,
kalangita'y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad.
Ang ginawa mong tahanan ay ang tubig sa itaas,
ang karo mong sinasakyan ay ang papawiring-ulap,
sa pakpak ng mga hangin ay doon ka lumalakad.
Tagahatid ng balita ay hangin ding sumisimoy,
at kidlat na matatalim ang lingkod mong tumutulong.
Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa,
matatag na ginawa mo't hindi ito mauuga.
Ang ibabaw ng saliga'y ginawa mong karagatan,
at tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan.
Ngunit noong magalit ka itong tubig ay tumakas,
nang marinig ang sigaw mo, tumilapon agad-agad.
Bumuhos sa kabundukan, umagos sa kapatagan,
natipon sa isang dako't naging isang karagatan,
matapos, ang ginawa mo'y naglagay ka ng hangganan,
upang itong kalupaa'y di na muling laganapan.
Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan,
sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan.
DAKILANG LITANYA
Ang Dakilang Litanya ay makikita sa Liturhiya ni San Juan Crisostomo.
Matapos ang Dakilang Litanya, aawitin naman ang Salmo 140 (141) at mga
kaugnay na Salmo.
SALMO 140 (141)
Bayan: Sa iyo, O Panginoon, ako'y dumadalangin
sa aking pagtawag, ako sana'y dinggin.
Ang aking dalangin sana'y tanggapin mo, masarap na samyong handog na insenso;
itong pagtaas ng mga kamay ko.
SALMO 141 (142)
Sa suliranin ko, ako ay hanguin,
at ang pangalan mo'y aking pupurihin
Sa gitna ng madlang mga lingkod mo rin
sa kabutihan mong ginawa sa akin!
SALMO 129 (130)
Sa gitna ng paghihirap, sa Poon ay dumalangin.
THEOTOKON
Sa pagpanaog ng pagpapala, ang mga bakas ng batas ay lumipas na. Katulad ng
nagliliyab na halamang hindi naabo, ikaw ay nagluwal ng sanggol at nanatiling
birhen. Kapalit ng nagliliyab na haligi ay ang Araw ng Pagiging-Dapat ang
nagliwanag. Kapalit ni Moses, si Kristo, ang tagapagligtas ng aming mga kaluluwa
ang nagpakita.
Ang O Maligayang Liwanag ay aawitin habang palabas ang pari sa santuaryo.
O MALIGAYANG LIWANAG
Pari: Karunungan! Tayoy magsitayo.
THEOTOKON
Narito ang isang bagong himala na mas maringal kaysa sa lahat ng mga nakaraang
mga himala. Ikaw na nakakaalam na ang ina na magdadala ng anak nang walang
ama, at hinahagkan sa iyong mga bisig, ikaw na nagpapatunay ng kabuuan ng
sangnilikha? Ang ipanganak Siya ay kalooban ng Diyos at ikaw na purong Birhen
na siyang nagdala sa Kanya, ang sanggol sa iyong mga bisig. Ang katatagan ng
isang ina ay nasa sa iyo. Kaya tayo mga nagpupuri sa Kanya, ating ipanalangin sa
Kanya nang walang maliw na pagkalooban tayo ng awa at iligtas ang ating mga
kaluluwa.
AWIT NI SIMEON
+ Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa
ang inyong abang alipin ayon sa inyong pangako.
Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas,
na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa.
Ito po ay liwanag na tatanglaw sa mga Hentil
at magbibigay-dangal sa inyong bansang Israel.
Bayan: Amen.
Dadasalin ng bayan ang Trisagion sa Griyego.
Matapos ng Trisagion, ang mga sumusunod na panalangin ng bayan:
Bayan:
Luwalhati
O Banal na Sangkatlo, kaawaan kami. Panginoon, kaawaan ang aming mga
kasalanan. Guro, patawarin ang aming mga pagkukulang. O Lubhang Banal,
bisitahin at pagalingin kami sa aming mga karamdaman sa pamamagitan ng Iyong
ngalan.
Panginoon, kaawaan mo kami (tatlong ulit).
Luwalhati
Ama Namin
Pari: Sapagkat sa iyo kaharian, kapangyarihan, at kapurihan ng +Ama, at ng Anak,
at ng Espiritu Santo, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Darasalin ng lahat ang Apolithika ng Muling Pagkabuhay
PAGHAHAYO
Pari: Karunungan.
Tagabasa: Kamiy inyong basbasan, Padre.
Pari: Pagpalain ka, Kristong ating Diyos, ngayon at magpakailanman at
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Tagabasa: Pagtibayin mo, O Panginoong aming Diyos, ang banal at busilak na
pananampalataya ng mga matapat at karapat-dapat na Kristiyanong Orthodox,
kaisa ng ating Banal na Simbahan at ng bayang ito magpakailanman.
Pari: Lubhang Banal na Theotokos, iligtas mo kami.
Tagabasa: Mas maringal kaysa sa Kerubin, at walang kapara, mas dakila kaysa sa
Serafin, walang bahid na ikaw ay nagsilang sa Diyos na Salita. Kami ay nagpupuri
sa iyo, O tunay na Theotokos.
Pari: Luwalhati sa Iyo, O Kristong aming Diyos, aming pag-asa, luwalhati sa iyo.
Nawa si Kristong aming tunay na Diyos na nabuhay sa mga yumao bilang isang
mabuti, mapagmahal, at mahabaging Diyos, kaawaan tayo at iligtas tayo, sa
pamamagitan ng kanyang busilak at banal na Ina; ang kapangyarihan ng dakila at
nagbibigay-buhay na Krus; ang pagliligtas ng marangal na mga kapangyarihan ng
kalangitan, ang mga pagluhog ng marangal at dakilang propeta at tagapangunang
si Juan Bautista; ang banal, dakila, at karapat-dapat na mga Apostol, ang mga
banal, dakila, at matagumpay na mga martir, aming banal na mga ninunong may
takot sa Diyos, ang ating banal at marapat na mga ninuno ng Diyos, Joaquin at
Ana, ni San/Santa (ang santong inaalala sa araw na iyon) na aming inaalala
ngayon at ang lahat ng mga banal.
Pari: Sa pamamagitan ng mga panalangin ng mga banal na tagapagtaguyod,
Panginoong Hesukristing aming Diyos, + kaawaan kami at iligtas.
Bayan: Amen.
10