Vous êtes sur la page 1sur 3

Ano ang Facebook?

Ang facebook ay ang pinaka tanyag na online social


media website sa Pilipinas. Halos lahat na yata ng Filipino bata man o
matanda ay mayroon ng facebook account. Sa tulong ng Facebook mas
madali na tayong makipag ugnay at makapagbahagi sa ating mga kaibigan
at pamilya online. Ito ay ginawa ni Mark Zuckerberg noong 2004 habang
siya ay nag aaral pa sa Harvard University sa America. Ang Facebook
talaga noon ay ginawa lang para sa mga studyanteng kolehiyo doon, pero
ngayon halos lahat na ng tao 13 anyos pataas ay pwede ng gumamit ng
Facebook, at mayroon ng isang bilyong tao na gumagamit sa buong
mundo.
Hakbang kung pano gumawa ng Facebook Account
1.Magbukas ng kahit na anong web browser tulad ng google chrome,
mozilla fire fox, safari browser or internet explorer.

2.Pagkatapos mag open ng web browser. I-type niyo sa may address bar yung website
ng facebook "http://www.facebook.com".

3.Kung mapapansin niyo sa home page ng facebook, nandoon na yung form na


lalagdaan o ipipil-up makikita nio sa baba ng "Sign Up Its free and always will be. Sa
"First name" i-type nio yung pangalan niyo, sa "Last name" apeliyido, sa "Mobile
number or email" dito namn itata-type ang inyong cellphone number o email address, sa
"Re-enter mobile number or email" i-type niyo lang ulit ang cellphone number o email
address ninyo, sa "New password" naman itata-type ang magiging password mo,
Magpasok ng isang kumbinasyon ng hindi bababa sa anim na mga numero, at mga titik
o mga bantas (tulad ng ! At &). Sa "Birthday" naman pipili ka lang ng "Month" buwan,
"Day" araw, at "Year" taon kung kelan ka pinanganak, at sa huli pumilng kasarian mo sa
pamamagitan ng pag click sa bilog. "Female" kung babae at "Male" naman kapag lalaki

. Tandaan: "dapat valid o tunay at sainyo ang mobile number o email na irerehistro niyo
sa facebook para sa confirmation pag katapos mag sign up sa facebook.
Pag nalagdaan na at sigurado ka na sa lahat ng inpormasyon na nilagay mo, pindutin
mo na ang kulay berde na "Sign Up" button.
Pag naka sign up ka na sa facebook susunod na gagawin mo ay i-confirm ang iyong
mobile number o email address. Mag sesend ang facebook ng confirmation link at
confirmation code sa iyong mobile number o email address na inilagay mo. Ito ay para
kumpermahin kung sayo ba talaga ang mobile number o email address na ginamit
mong pag rehistro sa facebook.

Vous aimerez peut-être aussi