Vous êtes sur la page 1sur 7

Kasaysayan ng El Filibusterismo

Posted on March 29, 2013 by filipinotek

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887,
marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan
dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yaoy
nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay
kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi
ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa
pagpapalathala ng tinaguriang makamandag na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang
kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.
Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng
kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para
sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala
pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng
mga pari, katulad ng pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit
sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba
niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham
ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at
ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang
sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.
Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa
Gobernador Heneral araw-araw upang akoy ipagsumbong. Ang buong
ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila
akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok.
Totoong akoy naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng

mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit
laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong
managalog
Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling
nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila
na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring
ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting
karamdaman, akoy dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay
inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang
Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang
namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang
Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga
personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at
waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad
kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng
Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang
pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda.
Bukod ditoy dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal
ang kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
Akoy nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang
silay nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang
aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na
gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako Naisanla ko na
ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain
ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko
ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking
salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang
ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang
aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi
niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang

kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang


pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium.
Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina
Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni
Rizal ang panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang
political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga
suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema:
problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon,
katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na
karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo
Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan
sa paraang hindi maipagkakamali kasama na pati ang pangungulila at pagaasam sa pag-ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang
nobelista.
Karagdagang Impormasyon:
Ang nobelang El Filibusterismo (literal na Ang Pilibusterismo) o Ang
Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng
pambansang bayani ng Pilipinas na si Jos Rizal, na kaniyang buong pusong
inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o
Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me
Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito
at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong
Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at
pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid,
at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz.

Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin


Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang
maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay
na kalayaan at karapatan ng bayan.
Mga Tauhan:
Simoun Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles,

Amerikano, Mulato, Portuges at Cardenal Moreno


Isagani Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni

Paulita Gomez
Paulita Gomez Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni

Donya Victorina
Basilio Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling
sikap

Juli Katpian ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang

matubos ang ama


Pari Camorra Paring mukhang artilyero
Pari Salvi Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw
Pari Sibyla Vice Rector ng Unibersidad
Pari Irene Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa

pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastilang


Pari Fernandez May kaibigang pangangatwiran, kaiba sa kapwa pari
Pari Florentino Amain ni Isagani
Kabesang Tales Naging Cabeza de Barangay, datiy isang tahimik na

tao, ngunit nang angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang


sinasaka ay sumama sa mga tulisan
Don Custodio Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa

tawag na Buena Tinta


Ginoong Pasta Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may

suliranin, pinagsanggunian din ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo


ng Akademya
Ben Zayb Manunulat at mamamahayag
Donya Victorina Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang
tunay na Espanyola at itinuturing na mapait na dalandan ng kaniyang asawa

Quiroga Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng

konsulado ng mga Intsik


Don Timoteo Pelaez Isang negosyante, masuwerteng nakabili ng

bahay ni Kapitan Tiyago, ama ni Juanito


Mataas na Kawani Ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng

pamahalaang Kastila, katunggali ng Kapitang Heneral sa pagpapalaya kay


Basilio
Kapitan Heneral Ang pinakamataas na pinuno ng bayab, sugo ng

Espanya, malapit na kaibigan ni Simoun


Hermana Penchang Ang manang na umampon kay Juli na ginawang

katulong ang dalaga, mahilig sa pagpaparami ng indulgencia


Placido Penitente Nag-aaral ng pagkamanananggol, magaling sa

Latin, pinakamatlino sa bayan ng Batangas, hindi naagiliwan ng mga


propesor kaya binalak nang huminto sa pag-aaral
Makaraig Mayaman at isa sa pinakamasigasig na isang magkaroon ng

Akademya ng Wikang Kastila


Juanito Pelaez Mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor,

mapanukso, kuba at umaasa sa katalinuhan ng iba


Sandoval Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng

kanyang mga kababayan, nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas


Pecson Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may
kabiguang laging natatanaw sa hinaharap

Implasyon (presyo)
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa


balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay.
Maaari kang makatulong sa pamamagitan ng pagbabago nito ngayon.

Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin.


2014

Sa ekonomika, ang inplasyon o implasyon (Ingles: inflation, literal na pamimintog, pagpintog,


o paglobo[1]) ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mgakalakal(goods) at mga
serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng periodo ng panahon. Kung ang pangkalahatang antas ng

Enero

presyo ay tumataas, ang bawat unit ng salapi ay makakabili ng mas kaunting mga kalakal(gaya ng
mga produkto) at mga serbisyo. Dahil dito, ang inplasyon ay isa ring repleksiyon ng pagguho ng
kakayahang pagbili ng pera na isang kawalan ng real sa halaga sa panloob na kasangkapan ng
pagpapalit at unit ng kahalagan sa ekonomiya. Ang pangunahing sukatan ng inplasyon ang antas ng
inplasyonna taunang persentaheng pagbabago sa pangkalahatang indeks ng presyo(na normal
na indeks ng presyo ng mamimili) sa paglipas ng panahon. Ang inplasyon ay salamin ng pagtaas ng
mga presyo sa pamilihan na nagiging dahilan upang harapin ng pamahalaan ang suliranin na
nagbunsod sa mataas na presyo. Sa madaling salita, ito ang pagtaas ng halaga ng bilihin na
dinudulot ng dami ng nakakalat na pera.[1]

Uri ng Implasyon[baguhin | baguhin ang batayan]


Demand Pull
Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng bawat sektor ng ekonomiya, sambahayan,
kompanya o pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa isusuplay o
ipoprodyus ng pamilihan. Ito ang kalagayan na mas labis ang aggregate demand kaysa
aggregate supply.
Cost push
Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng
presyo ng bilihin. Ang mga sahod ng manggagawa, pagbili ng mga hilaw na materyales at
makinarya at paghahangad ng malaking tubo ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng
presyo ng bilihin.
Structural Inflation
Kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na malayon ang anumang pagbabago sa lebel
at dami ng kabuuang demand ng ekonomiya. Pagtutunggalian ng mga pangkat sa
lipunan upang makakuha ng malaking bahagi sa kabuuang kita ng bansa at tunggalian
ng wage earners at profit earners.
"Magkano ba ang gastusin mo sa isang araw? Kasya ba ito sa pangangailangan?
Dahilan ba ito ng pagtaas ng presyo? "Oo, ito ay dahilan ng pagtaas ng presyo.Bakit
nga ba tumataas ang presyo? Sinasabing ang pagtaas ng presyo ay kaakibat ng ating
buhay. Suliranin ng kinakaharap ng bansa. May tinatawag na hyperinflation kung saan
ang presyo ay tumataas sa bawat oras, araw o linggo ngunit paano ba ito nasusukat?
Iba't ibang uri ng price index
GNP deflator o GNP Implecit Price Index
Ito ang price index na ginagamit upang pababain ang current GNP sa constant
GNP. Ang GNP deflator naman ay ginagamit upang alamin ang halaga ng GNP
batay sa nakaraang taon. Pormula: GNP at constant prices= GNP at current
prices deflator
Whole Sale Price Index Retail Price Index

Nagpapakita at sukatan ng pagbabagong presyo ng final


goods,intermediate goods at crude materials sa bilihang whole sale at
retail.
Consumer Price Index(CPI)
Ito ang mas kilalang panukat ng implasyon. Ito ay pagsukat ng average
na pagbabago ng presyo ng produkto o bilihing pangkaraniwang
kinukonsumo ng mamimili.

Vous aimerez peut-être aussi