Vous êtes sur la page 1sur 8

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Makabayan HEKASI V

Bilang ng Bilang
Pagsasaayos
Mga Nilalaman Araw ng ng %
ng mga Aytem
Pagtuturo Aytem

I.PANAHON NG MGA ESPANYOL

A. Naipaliliwanag ang epekto ng kulturang


1 2 2% 1-2
Espanyol sa kulturang Pilipino

B. Napahahalagahan ang paraan ng


2 3 5% 3-5
pamamahala ng mga Espanyol

II. PANAHON NG MGA AMERIKANO

A. Naipaliliwanag ang ibat-ibang uri ng


8 14 18% 6-19
pamahalaan sa panahon ng mga Amerikano

B. Nabibigyang halaga ang mga pagbabago sa


panlipunang pamumuhay sa pagdating ng 8 14 18% 20-33
mga Amerikano

C. Nabibigyan halaga ang mga pagbabago sa


pangkabuhayang pamumuhay ng mga 6 9 13% 34-42
Pilipino

III. PANAHON NG KOMONWELT

A. Natatalakay ang mga pagbabago sa


pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng 8 14 18% 43-56
Komonwelt

B. Naipaliliwanag ang mga pagbabago sa


6 9 13% 57-65
lipunan noong panahon ng Komonwelt

C. Nasusuri ang programang pangkabuhayan


sa panahon ng Komonwelt 6 10 13% 66-75

KABUUAN 45 75 100% 75

Inihanda ni:
Gng. DAISY B. MENDOZA
Gov.P.F.Espiritu Elementary School

Ipinasa ni: Hinihiling na Pagtibay:

Bb. MELODIE G. NARIO JESUS B. BANAS, Ed.D.


Susing Punongguro sa HEKASI Susing Punongguro sa HEKASI

Pinagtibay:

DR. EDITHA E. GREGORIO Ed.D.


O.I.C. Office of the Chief
Curriculum and Implementation Division
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Makabayan HEKASI V

Pangalan: _________________________________________ Petsa:_______________________

Baitang/Seksyon:____________________________________ Guro: _______________________

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Ama ng Balagtasan nasi Francisco Baltazar ang sumulat ng _____________________.


A. Noli Me Tangere at El Filibusterismo C. Pasyon Naming
Mahal
B. B. La Solidaridad D. Florante at Laura
2. Ang sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay si ______________________.
A. Francisco Baltazar C. Marcelo Adonay
B. Jose Rizal D. Damian Domingo
3. Tinatawag itong kataas-taasang hukuman sa kolonya.
A. cumplace C. Royal Audiencia
B. inquilino D. decreto
4. Tawag sa lugar na may nagaganap na kaguluhan.
A. corrigimiento C. pueblo
B. alcaldia D. timawa
5. Ang pinakamataas na pinuno sa pamahaalaang sentral ay tinatawag na
___________________________.
A. Cabeza de barangay B. Corregidor
B. Alcalde D. Gobernador-Heneral
6. Ang pamahalaang military ay naitatag noong Agosto 14, 1898 sa pamumuno ng isang
gobernador-militar. Sino ang naging kaunaunahang gobernador military sa bansa?
A. William H. Taff C. Wesley Merit
B. Henry Allen Cooper D. Millard Tydings
7. Nasa kanya ang kapangyarihang tagapaganap, tagapagpatibay at __________________.
A. tagasulat C. taga-awat
B. tagapagbalita D. taga-hukom
8. Ang pamahalaang Ito ay naitatag noong Hulyo 4, 1901. Sa pamumuno ni William H. Taff.
A. pamahalaang militar C. pamahalaang sibil
B. Pamahalaang sentral D. pamahalaang lokal
9. Ang __________________ ang nagpasimula ng pagtatayo ng pamahalaang sibil sa
Pilipinas.
A. Komisyong Os-Rox C. Komisyong Schurman
B. Komisyong Taff D. Komisyong Meritt
10. Ang Batas Cooper ay iniakda ni Kongresista Henry Cooper na pinagtibay noong Hulyo 1,
1902. Ito ay tinatawag na ____________________________.
A. Batas Pilipinas ng 1902 C. Batas Jones
B. Asemblea ng Pilipinas D. Hare-Hawes Cutting
11. Si Sergio Osmena ang nahalal na ispiker at si ____________________ ang nahalal na lider ng
mayorya
A. Manuel Roxas C. Manuel Manuel
B. Manuel L. Quezon D. Manuel Bonifacio
12. Pinagtibay ito ng Philippine Commission noong Nobyembre 4, 1901. Sa ilalim ng batas na ito
ipinabawal ang anumang gawain,mapayapa man o hindi na nag-uudyok sa paghihimagsik o pag-
aaklas laban sa United States.
A. Batas Sedisyon C. Batas Brigandage
B. Batas Jones D. Batas sa Watawat
13. Ang batas na ito ang nagtatak sa lahat ng mga dating gerilya at mga pangkat na nakipaglaban
para sa kalayaan bilang bandido, tulisan, at magnanakaw.
A. Batas Sedisyon C. Batas Brigandage
B. Batas Jones D. Batas sa Watawat
14 . Ang Batas Jones ay kilala rin bilang ____________________.
A. Philippine Autonomy Action C. Philippine General Assembly
B. Philippine Assembly D. Philippine Autonomy Act
15. Ang batas Tydings-McDuffie ang batas pangkalayaan ng __________________ na inindorso ni
Manuel L. Quezon.
A. Estados Unidos C. Puerto Rico
B. Cuba D. Pilipinas
16. Nagwakas ang batas-militar nang ilipat ng United States sa Kongreso ang _______________ sa
Pilipinas.
A. pang-aapi C. pang-aabuso
B. pamamahala D. pag-angkin
17. Nagwakas ang unang Republika sa pagdakip kay _____________________.
A. Miguel Malvar C. Emilio Aguinaldo
B. Andres Bonifacio D. Juan Luna
18. Ayon sa isang probisyon ng Batas Tydings- McDuffie, matatamo ang kalayaan ng Pilipinas
pagkatapos ng ____________ na taon.
A. 9 C. 8
B. 10 D. 5
19. Magbabayad ang United States sa Spain ng __________________________ sa mga ginawang
pagpapaunlad ng bansa.
A. S25,000,000 C. S15,000,000
B. S10,000,000 D. S20,000,000
20. Ipinakilala ng mga Amerikano ang relihiyong ___________________ sa bansa.
A. Katoliko C. Protestante
B. Aglipay D. Iglesia ni Cristo
21-25 Isulat ang T kung Tama ang inihahayag at M kung Mali sa pagbabago sa populasyon sa
pamayanan/bansa sa panahon ng mga Amerikano.
_________________ 21. Nagpatayo ng daan at tulay
_________________ 22. Binomba ng mga gamot ang mga pampublikong lugar
_________________ 23. Tinutulungan ang mga magulang na pabayaan ang mga anak
_________________ 24. Pagpapatayo ng mga ospital at klinika.
_________________ 25. Itinuturo ang wastong pangangalaga at kalinisan ng paligid ng kanilang
tahanan
26-30 Lagyan ng / kung naglalarawan sa panahanan sa panahon ng Amerikano at X kung hindi.
_________________ 26. Nabuo ang ibat-ibang lungsod sa Pilipinas.
_________________ 27. Nagkaroon ng malalakas at matitibay na gusali
_________________ 28. Layo-layo ang mga panahanan
_________________ 29. Nagpagawa ng mga tulay at daan
_________________ 30. May mga ipinatayong mga condominium at town house.
31. Noong 1935, ang unang _______________ ay pinalaganap sa Maynila.
A. telepono C. radyo
B. kotse D. eroplano
32. Naging unang guro ng mga Pilipino ang mga __________________ sa panahon ng Amerikano.
A. pari C. misyonero
B. Thomasites D. Atenista
33. Alin sa mga sumusunod na batas ang nagsasaad ng tiyak na takdang dami at uri ng mga
produktong iniluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos?
A. Batas Tydings-McDuffie C. Batas Payne Aldrich
B. Batas Underwoods Simmons D. Batas Cooper
34. Ang mga Espanyol ay may mga patakarang pangkabuhyan ang pinairal sa bansa, ang mga
Amerikano ay mayroon din. Alin sa mga sumusunod na patakarang pangkabuhayan ang pinairal
ng mga Amerikano sa bansa?
A. Pilipino Muna C. Malayang Kalakalan
B. Monopolyo sa Tabako D. Kalakalang Galyon
35. Noong 1909,ipinatupad ang ____________________ na nagtatakda na maaaring pumasok sa
bansa ang lahat ng mga produktong gawa sa Estados Unidos kahit gaano man karami ito.
A. Batas Payne-Aldrich C. Batas Cooper
B. Batas Homestead D. Batas Underwoods Simmons
36. Sa ilalim ng programang ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapagmay-ari ng
lupa.
A. Malayang Kalakalan C. Batas Homestead
B. Kalakalang Tingian D. Industriyalisasyon
37. Itinatag ang __________________________ na ngangalaga at nag-aasikaso sa mga usapin sa
mga lupain.
A. Kawanihan ng mga Manggagawa C. Kawanihan ng Magsasaka
B. Kawanihan sa Paggawa D. Kawanihan ng Lupa
38. Pangunahing produktong Pilipino na iniluluwas sa United States ay ang
_______________________.
A. niyog C. abaka
B. mangga D. gulay
39. Ang _____________________________ ng 1902 ay isa sa mga batas na unang ipinatupad ng
mga Amerikano tungkol sa lupa. Sinasabi ng batas na ito na irehistro ang lahat ng lupain.
A. Batas Public Lands ng 1903 C. Batas Philippine ng 1902
B. Batas Friars Land D. Malayang Kalakalan

40. Ano ang ibinunga ng malayang kalakalan?


A. Dumami ang nagtayo ng mga malalaking pabrika
B. Dumami ang mga produktong naipagbili sa Amerika.
C. Sinikap ng mga Pilipinong maparami ang mga produktong may kota.
D. Nakontrol ng mga Amerikano ang mga malalaking indusriya sa bansa.
41. Ano ang ibinunga ng pagtuturo ng kulturang Amerikano sa bansa?
A. palaasa C. nagkaroon ng kaisipang kolonyal
B. nahilig sa pananampalataya D. nagpahalaga sa mga gawaing manwal
42. Napaunlad ng mga Amerikano ang mga pangunahing produkto sa bansa. Tinuruan nila ang mga
Pilipino ng makabagong teknolohiya. Nagkaroon din ng kaisipang kolonyal ang mga Pilipino.
Samakatuwid ang mga patakarang pangkabuhayan ng mga Amerikano ay _____________.
A. may mabuting epekto
B. naglinang ng makaagham na pamamaraan
C. nagpaunlad sa kabuhayan ng mga Pilipino
D. may mabuti at di mabuting epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino
43. Ang paggawa ng batas ay tungkulin ng ______________________.
A. Pambansang Asemblea C. Tanggulang Pambansa
B. Kataas-taasang Hukuman D. Korte Suprema
44. Layunin ng pamahalaang Komonwelt ang sanayin ang mga Pilipino sa ______________.
A. pangasiwaan ng ibang bansa C. pangasiwaan ang sarili
B. pangasiwaan ng sariling pamahalaan D. pangasiwaan ang Estados Unidos
45. Nabigyan ng pagkakataon ang mga Muslim na pamahalaan ang mga Kristiyanong Pilipino, dahil
dito
A. nadama ng mga Muslim na silay watak-watak
B. nagkaroon ng hidwaan ang mga Muslim at Kristiyano
C. nagkadama sila ng pagpapahalaga mula sa pamahalaan
D. nadama ng mga Muslim na silay bahagi ng ibang lahi
46. Pinagtibay ng batas na ito na ang pasahod sa isang araw ay dapat na P1.00 para sa
mangagawa,tinawag itong ________________________.
A. Public Defense Act C. Minimum Wage Act
B. Eight Hour Labor Law D. Public Attorney
47. Naglaan ng tulong na legal ang pamahalaan para sa mga mahihirap na manggagawa. Ito ay
tinatawag na __________________.
A. Public Defense Act C. Minimum Wage Act
B. Eight Hour Labor Law D. Public Attorney

48. Ang bawat mangagawa ay dapat maglingkod ng may walong oras sa bawat araw. Ito ay tintawag
na ________________.
A. Public Defense Act C. Minimum Wage Act
B. Eight Hour Labor Law D. Public Attorney
49. Noong Disyembre 30, 1937 ipinag-utos ni Pangulong Manuel L. Quezon na gamitin ang
________________ bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas.
A. Waray C. Tagalog
B. Ifugao D. Bicol
50. Ito rin ang nagsilbing simula upang suriin sa hinaharap ang halaga ng wika sa pagsulong ng
_______________at_____________
sa bansa.
A. walang kalayaan C. pagkamasiyahin at magalang
B. nakatulong at naparusahan D. kalayaan at pagkakaisa
51. Pinagtibay ang Batas ____________________________ Blg. 570 na nagtatakda na ang tagalong
ay wikang opisyal simula sa ika-4 ng Hulyo,1946.
A. Batas Tydigs-McDuffie C. Batas Hare-Hawes Cutting
B. Batas Jones D. Batas Komonwelt
52. Ang tunay na pag-unlad ng sariling kabuhayan ay nasa sariling pagpupunyagi at ____________.
A. pakikiisa C. pamahalaan
B. paninira D. opinyon
53. Ang kabuuang layunin ng programang pandarayuhan sa Mindanao ay upang malutas ang
problema tungkol sa _______________.
A. paninirahan C. edukasyon
B. pagkain D. pera
54. Itinaguyod din ng pamahalaang Komonwelt ang kalusugan at ________________ ng mga inilikas
sa Mindanao.
A. kapayapaan C. kalinisan
B. pagtutulungan D. pagkakaisa
55. Isang ahensya ang itinatag ng pamahalaan upang umalalay sa mga inilikas sa Mindanao. Ito ay
_______________________.
A. Pambansang Pangasiwaan ng Pagpapatao sa Lupa
B. Pambansang Pabahay Pamahalaan
C. Pambansang Pagtutulungan sa Lupa
B. Pambansang Pabahay
D. Pambansang Pag-uugnayan ng Pamahalaan
56. Dahil sa pagbibigay ng karaapatan sa pagboto sa mga kababaihan, marami sa kanila ang
________________.
A. pumasok sa ibat-ibang tanggapan C. naging pantahanan lamang
B. nangibang bansa D. nahalal sa ibat-ibang pwesto
57. Ang karapatan sa pagboto ayipinagkaloob sa mga kababaihan upang
___________________________.
A. makarating sa ibang bansa C. makapagmalaki sila
B. maipakita nila ang magaggawa nila sa pamahalaan D. mabigyan ng trabaho
58. Ang unang babaeng nahalal bilang sa mababang kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas ay si
___________________________.
A. Carmen Planas C. Ma. Paz Mendoza-Guanzon
B.. Elisa Ochoa D. Cecilia Munos-Palma
59. Kung ang lahat ng mga bansang maunlad ay pantay ang karapatan ng mga babae at lalaki at ang
Inglatera ay isa sa mga bansang maunlad nangangahulugang _____________________.
A. ang mga babae at lalaki sa Inglatera ay mas mataas kaysa mga babae
B.ang mga lalaki sa Inglatera ay mas mataas kaysa sa mga babae
B. ang mga babae sa Inglatera ay mas mataas kaysa sa mga lalaki
D. umunlad ang inglatera dahil pantay ang mga babae at lalaki
60. Sa ngayon, ang mga babae sa Pilipinas ay may karapatan nang bumoto at maiboto. Alin sa mga
pangungusap ang naaayon dito?
A.unti-unti nang nalalampasan ng babae ang lalaki
B. ang mga babae ngayon ay ayaw ng pailalim sa mga lalaki
C. ito ay isang hakbang tungo sa pagtutulungan ng babae at lalaki
D. ito ay pagkilala na pantay-pantay ang mga tao sa harap ng batas
61. Sa panahon ng Komonwelt, naging maka __________________ ang pananaw at layunin sa
pampublikong edukasyon, maging ang kagamitan sa pagtuturo.
A. Pilipino C. Amerikano
B. Espanyol D. Kastila
62-66 Pumili ng limang pangungusap na naghahayag ng mga pagbabaagong naganap sa edukasyon
sa panahon ng Komonwelt. Isulat ang titik sa sagutang papel.
A. Itinuro ang Ingles sa lahat ng antas sa paaralan
B. Itinaguyod ang pambansang wika
C. Pinaunlad ang sistemang paaralang pambayan
D. Nalinang ang damdaming Nasyonalismo
E. Nalinang ang kaisipang Kolonyal
F. Naitatag ang edukasyong pang-may sapat na gulang
G. Wikang Tagalog ang ginamit na wika
67-70 Lagyan ng / ng pangungusap na naglalarawan sa kalagayang pangkabuhayan noong
panahon ng Komonwelt at X kung hindi.
______________ 67. May pantay na kalakalanang Pilipinas at Amerika
______________ 68. Pagpaparami ng mga produktong pansakahan
______________ 69. Pinagbuti ang pagtatanim ng mga palay,gulay, prutas at iba pa.
______________ 70. Hindi Malaya ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan
71. Isa sa mga nagging patakarang pangkabuhayan ay ang paglilipat ng panirahan. Isinagawa ito sa
pamamagitan ng _________________.
A. National Land Settlement Administration C. National Economic Council
B. National Coconut Corporation D. Pagtatag ng bagong industriya
72. upang umunlad ang kabuhayan, ang pamahalaang Komonwelt ay
_____________________________.
A. nagpalipat ang mga tao sa lungsod C. ipinagpatuloyang malayang kalakalan
B. nagpasinaya ng mga bagong industriya D. nagtinda sa palengke
73. Pinarusahan ng batas na ito ang mga Pilipinong pumayag na maging dummy ng mga dayyuhang
negosyante at mamumuhunan. Ito ay ang ______________________.
A. Philippine Economic Readjustment Act C. National Land Resettlement Administration
B. Batas sa Pagtatanggol ng Publiko D. Anti Dummy Law
74. Ang ________________________________ ay isinakatuparan noong 1940. Nangangahulugan
ito ng pag-alis ng pagtataas ng buwis sa mga kalakal mula sa bansa.
A. National Land Resettlement Administration C. National Trading Corporation
B. Philippine Economic Adjustment Act D. Anti Dummy Law
75. Binubuo ito upang magbigay ng payo sa pamahalaan kaugnay sa pananaalapi at kabuhayan. Ito
ay ang ________________.
A. National Economic Council
B. National Trading Corporation
C. Philippine Economic Readjustment Act
D. National Economic Protectionism Association

GOODLUCK! GODBLESSS!

Inihanda ni:
Gng. DAISY B. MENDOZA
Gov.P.F.Espiritu Elementary School

Ipinasa ni: Hinihiling na Pagtibay:

Bb. MELODIE G. NARIO JESUS B. BANAS, Ed.D.


Susing Punongguro sa HEKASI EPS-Araling Panlipunan

Pinagtibay:

DR. EDITHA E. GREGORIO Ed.D.


O.I.C. Office of the Chief
Curriculum and Implementation Division
SUSI NG PAGWAWASTO SA IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
MAKABAYAN HEKASI V

1. D 26. / 51. D

2. B 27. / 52. A

3. C 28. X 53. C

4. A 29. / 54. C

5. D 30. / 55. A

6. C 31. A 56. D

7. D 32. B 57. B

8. C 33. B 58. C

9. B 34. C 59. D

10. A 35. A 60. D

11. B 36. C 61. A

12. A 37. D 62. B

13. C 38. C 63. C

14. D 39. A 64. D ANY ORDER

15. D 40. D 65. F

16. B 41. C 66. G

17. C 42. C 67. X

18. B 43. A 68. /

19. D 44. B 69. /

20. A 45. C 70. X

21. T 46. C 71. A

22. M 47. D 72. B

23. T 48. B 73. D

24. T 49. C 74. B

25. T 50. D 75. A

Vous aimerez peut-être aussi