Vous êtes sur la page 1sur 2

Ang Mga Karapatang Pantao (HUMAN RIGHTS)

Karapatang Pantao - Karapatan ng lahat ng indibidwal na mamuhay nang may dignidad at may
kalayaan, ano man ang kanilang lahi, kasarian, katayuan sa buhay at paniniwala.

karapatang mamuhay
right to live

kalayaan sa pagsasalita
freedom of speech

pagkakapantay-pantay sa harap ng batas


equality before the law

mga panlipunang karapatan


social rights

mga pangkalinangang karapatan


cultural rights

mga pangkabuhayang karapatan


economic rights (pertaining to livelihood)

ang karapatang makilahok sa kultura


the right to participate in culture

ang karapatan sa pagkain


the right to food

ang karapatang makapaghanapbuhay


the right to work for a living

ang karapatan sa edukasyon


the right to education

Kalayaang Sibil mga karapatang sibil at political na itinadhana ng batas katulad ng kalayaan
sa pagsasalita at pagtitipun-tipon, at ang proteksiyon ng mga karapatang ito laban sa pakikialam
ng pamahalaan.hana ng batas.

Magna Carta - ay isang kasulatan o dokumentong pinagpilitang sang-ayunan ni Haring Juan


(King John) ng Inglatera. Iginiit ito ng mga maharlika o nobleng mga Ingles upang hindi maging
katulad ng dati ang kapangyarihan ng mga hari. Itinatak dito ni Haring Juan ang kanyang selyo o
tatak noong 1215. Nagbunga ito sa pagkakaroon ng pamumunong konstitusyonal sa
kasalukuyan. Isang mahalaga at malaking impluwensiya ang Magna Carta sa Amerikanong
Konstitusyon at sa Panukalang Batas ng mga Karapatan (Bill of Rights). Sinasaad nito na
mayroong karapatan ang mga tao laban sa hindi makabatas na pagkakakulong na tinatawag na
Habeas Corpus. Muling inilabas ni Henry III ang Magna Carta noong 1225. Tinatawag din itong
Magna Carta Libertatum (ang Dakilang Karta ng mga Kalayaan, Great Charter of Freedoms sa
Ingles), at nasusulat sa Latin. Mas kilala ito sa pangalan nito sa wikang ito. Karaniwang
isinasalin ito bilang Great Charter sa Ingles, o "Dakilang Karta" (literal na "Dakilang Dokumento
ng Kasunduan" o "Dakilang Kasulatan ng Kasunduan").
Habeas corpus - "Iniaatas namin na mapasaiyo ang katawan" o "nasa iyo ang katawan" ay
isang salitang nangangahulugang atas o utos ng hukuman sa kinauukulan na dalhin sa korte ang
isang tao upang ipaliwanag kung bakit ipinipiit ang isang tao. Isa sa mga karapatan ng isang tao
ang makahingi ng tinatawag na "kasulatan ng utos ng hukuman o kinauukulan," ang writ of
habeas corpus sa Ingles, bilang pananggalang laban sa ilegal o hindi makatarungang
pagkakakulong sa bilangguan. Kaya, sa larangan ng Batas, isang kasulatan ang habeas corpus na
nag-uutos sa isang opisyal upang maipakita ang dahilan kung bakit ipiniit ang isang tao.

Universal Declaration of Rights komprehensibong dokumento na naglalatag ng lahat ng


karapatan at kalayaan ng mga tao sa iba-t ibang panig ng mundo.

Civil Society samahan ng mga indibidwal, organisasyon, at NGO na kumakampanya para sa


mahahalagang isyung panlipunan, pampolitika, at pangkabuhayan.

Marginalized groups mga grupo ng mga indibidwal na hindi nakatatanggap ng serbisyong


panlipunan at pangkabuhayan o hindi nabibigyang pagkakataong makilahok sa pamahalaan.

Nongovernmental Organization mga samahan o organisasyon na hindi kaugnay ng


pamahalaan ngunit tumutugon sa ilang pangangailangan ng mamamayan o kaya naman ay
nagsusulong ng isang tiyak na layunin.

Republic Act (RA) No. 9745 o Anti-Torture Act at RA 9851 o Philippine Act on Crimes
Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity noong
2009 na may tuon sa pagtugon sa mga usaping may kaugnayan sa paglabag sa karapatang
pantao.

RA 10353 o ang Anti-Forced or Involuntary Disappearance Act ng 2012, na nagpaparusa sa


mga kasapi ng sandatahang lakas o kapulisan na mapatutunayang may kaugnayan sa pagkawala
ng isang tao

RA 10354 o The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act ng 2013, na


naglalayong mapabuti ang buhay at kalusugan ng kababaihan at ng pamilya sa kabuuan.

RA 10361 o mas kilala sa tawag na Batas Kasambahay ng 2013, na nangangalaga sa karapatan


ng mga kasambahay sa bansa.

Vous aimerez peut-être aussi