Vous êtes sur la page 1sur 7

I.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang bata ay isa sa mga mahahalagang ari-arian ng bayan. Ang bawat

pasisikap ay dapat pag-ibayuhin para maitaguyod ang kanyang kapakanan at

amadagdagan ang kanyang mga pagkakataon para sa maayos at masayang buhay.

Siya rin ay isang mamamayan ng ating bayan. Ang kanyang namumukod na

katangian at kakayahan ay dapat mapagyabong para sa ikabubuti ng lipunan.

Batay sa Declaration of the Rights of a Child na pinagtibay United Nations

General, itinuturing na bata ang sinumang may edad na mas bata sa 18. Maaari rin

itong tumukoy sa mga taong mahigit na labing walong (18) taong gulang subalit hindi

kayang ganap na mangalaga sa kanilang sarili o protektahan ang kanilang sarili mula

sa pang-aabuso, pagpapabaya, pagmamalupit, pagsasamantala, diskriminasyon, o

ano pa mang uri ng masamang pagtrato o kasahulan dahil sa isang kapansanan o

kondisyong pisikal o pangkaisipan; kapag ginamit sa ordinansang ito, ang bata ay

tumutukoy maging sa babae o sa lalaki.

Dahil sa kamusmusan ng mga bata, hindi nila ganap alam ang kanilang

karapatan kung kayat sila minsan ay inaapi, inaabuso at inaagrabyado. Sa pagtugon

ng ganitong sitwasyon, ang Declaration of Human Rights of a Child ay

nagpapahayag na ang mga bata ay nagangailangan ng espesyal na proteksiyon

dahilan sa sila ay hindi pa handa kapwa pisikal at mental.

Bagamat palaging naituturo sa mga bata ang kanilang karapatan na

nakapaloob sa Department of Education Order No. 40 s. 2012 ay hindi pa rin nila

lubos maunawaan ang mga probisyong nakapaloob dito. Sa katunayan, mababa ang

antas ng pagkakaintindi ng mga bata sa kanilang karapatan batay sa obserbasyon

ng mga guro at sa kanilang perfromans sa naturang paksa.

Nirapat ng mga mananaliksik na tukuyin ang antas ng pagkakaintindi ng mga

mag-aaral sa ikaapat na baitang sa paksang karatang pambata at bigyang ito ng

kaukulang interbensyon upang mas lalo pang mapalalim ang kanilang pagkakaintindi

sa naturang paksa.
Layunin ng pag-aaral na ito na gamitin ang offline interactive activities bilang

isang interbesyon upang maganyak ang mga mag-aaral na lalo pang paigtingin ang

kanilang performans sa kanilang klase sa Araling Panlipunan na siyang sumasakop

sa paksang nais saliksikin. Napili ng mga mananalikisik ang interbensyong nabanggit

dahil ito ay tumutugon sa mga resorses na makikita na mismo sa paaralang

pinagtuturuan ng mga guro. Tinutugunan din ang pananaliksik na ito ang paggamit

ng localized and contextualized na offline interactive activities upang sa gayon ay

mas lalo pang mapaunlad ang performans ng mga bata.

II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Itinututuring ang mga bata na isang biyaya. Liban sa pag-asa sila sa

kinabukasan, nakapagbibigay sila ng tuwa sa bawat pamilya.

Sa kanilang taglay na katangian, nararapat lamang na sila ay arugain,

pakainin, pag-aralin, gabayan at hayaang sa kanilang paglalaro at pakikisalamuha sa

kapwa ay ganap na umunlad at lumaking kapaki-pakinabang na mamamayan. May

mga karapatan silang dapat kilalanin, ipagtanggol, at proteksiyunan.

Subalit limitado ang kaalaman at pisikal na kakayahan ang mga bata upang

ipagtanggol ang kanilang mga sarili mula sa ibat ibang tipo ng paglabag sa kanilang

batayang karapatan. Dahil dito, masasabi natin na ang mga batang Pilipino ay isa sa

pinaka-bulnerableng sektor sa isang lipunang laganap ang kahirapan at kawalan ng

hustisya. (Sison, 2005)

Ang kalagayan ng batang Pilipino ay salamin ng lipunang Pilipino. Dahil dito,

ang pagsusulong ng kapakanan at pagkalinga sa mga bata ay isang panlipunang

responsibilidad.Kung kayat kinikilala ang makabuluhang papel ng pandaigdigang

pagtututulungan ang karapatan at responsiblidad ng mga indibidwal, mga grupo at


organo ng lipunan upang itaguyod at ipagtanggol ang mga pandaigdigang

kinikilalang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan.(UN, 1998)

Ang pagtuturo sa mga bata tungkol sa kanilang mga karapatan at

pananagutan ay nagdaragdag sa pagpapahalaga sa sarili ng isang bata, antas ng

pakikipag-ugnayan sa tahanan at paaralan, at pagtaas ng paggalang sa iba. Kapag

ang mga bata ay nauunawaan ang kanilang mga karapatan, ang mga ito ay mas

malamang na makaiwas na maapi (bullied) at malamang din na manindigan para sa

iba.

Ang aralin tungkol sa mga karapatang pambata ay higit na maipauunawa sa

mga bata gamit ICT. Mataas ang bahagdan ng pagkatuto ng mga mag-aaral kung

ang isang impormasyon o gawain ay kanilang nakikita sa tulong ng makabagong

teknolohiya. (Wolfe,2010).

Malaki ang kabutihang dulot ng paggamit ng multimedia sa pagtuturo. Bukod sa

silay nagiging aktibo sa talakayan, nalilinang pa ang kanilang Higher Order Thinking

Skills. (Shepherd, 2001).

Ang paggamit ng offline interactive activities ay ilan lamang sa mga

makabagong pamamaraan sa pagtuturo. Upang maging matagumpay ang pagkatuto

ng mga mag-aaral, nararapat na gumamit ang guro ng mga pamamaraang

magbibigay-buhay sa pag-aaral ng Araling Panlipunan.

III. MGA SULIRANIN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang kabisaan ng Offline

interactive activities sa pagpapailin ng antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa

ikaapat na baitang. Susubuking sagutin ng papel na ito ang mga sumusunod na

tanong:

1. Ano ang antas ng nga kaalaman ng mga bata sa karapatang pambata

bago ang interbensyon?


2. Ano ang antas ng kaalaman ng mga bata pagaktapos ng

interbensyon?
3. Mayroon bang pagkakaiba sa antas ng kalaman ng mga bata bago at

matapos ang interbensyon?

IV. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa paggamit ng Offline Interactive Activities

sa pagpapalalim ng antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Karapatang Pambata.

Ang pag-aaral na ito ay lilimitahan lang sa mga mag-aral mula sa ikaapat na baitang

ng Maipalig Quiom Elementary School para sa taong panuruan 2016 2017.

Lahat ng inmpormasyon at konklusyon ng pananaliksik na ito ay

manggagaling sa datos na makukuha mula sa naturang mag-aaral.

V. Metolohiya

A. Sampling

Ang sampol ng pananaliksik na ito ay lahat ng mag-aaral sa ikapat na

baitang ng Maipalig-Quiom Elementary School sa taong panuruan 2016

2017.

B. Paraan ng paglilikom ng datos

Ang pag-aaral na ito ay eksperimental na disenyo nang

pananaliksik.Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng paunang pagsusulit sa

pagpapalalim ng kaalaman sa mga karapatang pambata at pahuling

pagsusulit sa pagt sa mga karapatang pambata upang malaman ang

kakayahan at antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.Ang mga guro ay isasali

lahat ng mag-aaral sa ikaapat na baitang sa Mababang Paaralan ng Maipalig-

Quiom bilang respondente. Ang mga datos na makukuha sa pag-aaral na ito

ay ibabase sa makukuhang resulta sa kanilang pauna at pahuling pagsusulit

sa pagpapailalim ng kaalaman sa mga karapatang pambata.


C. Isyung Pang Etikal

Binibigyang pansin ng mga mananaliksik ang kalayaan ng bata na

maging bahagi sa pag-aaral na ito. Lahat ng bata ay sa pananaliksik na ito ay

hindi pinilit o pwinersa na maging respondente. Lahat ng mga impormasyong

nakapaloob sa pag-aaral na ito na nakuha sa mga bata ay konpidensyal.

Lahat ng sipi at halaw na nakuha sa mga aklat at internet ay maayos

na sinipi o hinalaw.

D. Plano para sa pagsusuri ng mga datos

Ang mga tagapagsaliksik ay gagamit ng mean at standard deviation

para sa interpretasyon ng mga datos na makakalap .Ang mean ay magagamit

sa paglalarawan nang antas nang kaalaman sa pagtukoy sa mga karapatang

pambata gamit ang offline interactive activity bago at

pagkatapos,interpretasyong deskriptibo. Ang mean ay magagamit sa

pagsukat nang importansiya sa pagitan ng pauna at pahuling iskor sa

pagtukoy sa mga karapatang pambata gamit angoffline interactive activity.

Gagamit din ng Student t-test ang papel na ito upang tukuyin ang

pagabago sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral bago at matapos ang

interbensyon.
VI. Workplan

Activities Week Week Week Week Week


1 2 3 4 5
Preparation of Research Proposal _____
Preparation of needed materials _____
Conduct of Proposed Action _____ _____
Research
Writing and Submission of Action _____
Research

VII . Cost Esimates

Actvity/ies Materials to be Used Cost

Pretesting Test Materials Php 100.00

Posttesting Test Materials Php 100.00

Preparing for Draft Bond Paper Php 400.00

Evaluation of the Draft Bond Paper Php 500.00

Preparing for the Final Paper Bond Paper Php 500.00

Consultation with Experts Php 1000.00

Php 2600.00

VIII. Action Plan

Activity/ies or
Objectives Date Persons Involve Expected Output
Strategies
Excerpt of the LAC
Session

To discuss the LAC Session School Heads Compilation of best


results of the AP Coordinators Practices
March 2016
action research to Sharing of best AP Teachers
the AP teachers Practices EPS in AP Conceptualization of
Strategies in
integrating Offline
Interactive Activities
To disseminate March 2016 Open Forum School Heads Minutes of the Open
the results of the AP Teachers Forum
action research to Students
students EPS in AP Conceptualization of
Learners Materials
for ICT Integration
To submit the
School Head
manuscript to the Strengthened and
Review of the AP Coordinators
Research March 2016 Revised Action
action research AP Teachers
Committee for Research Paper
EPS in AP
publication
To utilize the
Teaching AP
results of the June 2016
using Offline AP Teachers
research in March Lesson Plans
Interactive Students
classroom 2017
Activities
discussion

Vous aimerez peut-être aussi