Vous êtes sur la page 1sur 10

PANANALIKSIK: KAHULUGAN, LAYUNIN, KATANGIAN AT URI

Sinaliksik ni Asst. Prop. Mary Ann C. Macaranas

KAHULUGAN

Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong pagbusisi sa pamamagitan ng


ibat ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa
klarifikasyon at /o resolusyon nito. - Good (1963)

Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang informasyon


hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap
ng mga pertinenteng informasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos
suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay
mahaharap sa isa pang esensyal na gawain- ang paghahanda ng kanyang ulat-pananaliksik.
Aquino (1974) </li></ul>

Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang


malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan . -Manuel at Medel,
1976

Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning


masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. - Parel 1966

Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin,
dagdag pa rito ang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin
ng prediksyon at explanasyon. - E. Trece at J.W. Trece (1973)

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Bakit tayo nananaliksik?

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preservasyon at pagpapabuti ng kalidad


ng pamumuhay ng tao. Wika nga nina Good at Scates (1972), The purpose of research is to
serve man and the goal is the good life.

Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak ng pananaliksik ay ilan sa mga
sumusunod:

A. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.
Halimbawa: Ang alkohol ay isa nang batid ng penomenon at sa pamamagitan ng pananaliksik,
maaaring makalikha ng isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa gasolina.

B. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga
umiiral na metodo at informasyon. Halimbawa: Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa
nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit sa pamamagitan ng mga intensiv at patuloy na
pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring malunasan na sa hinaharap.
1
C. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o
produkto. Halimbawa: Dati ay mga teleponong analogue ngayon ay cellular phone na. Dati ay
casette recorder, naging walkman, discman, ngayon ay may i-pod, ipad, iphone, MP4, at iba pa.

D. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements. Halimbawa: Dati-rati,


mayroon lamang tayong siyamnaput-dalawang (92) chemical elements,ngunit bunga ng
pagsasaliksik, mayroon na ngayong higit sa isandaan (100).

E. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
Halimbawa: Bunga ng pananaliksik, napag-alaman ang mga negativong efekto ng
metamphetamine hydrochloride sa katawan ng tao na nagsilbing dahilan upang ideklara itong
isang ipinagbawal na gamot.

F. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon,


pamahalaan at iba pang larangan. Halimbawa: Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na
ang mga mag-aaral sa hayskul ay kulang sa kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa
mga iskolarling diskurso. Ito ang naging isa sa dahilan upang ipasya ng Departamento ng
Edukasyon na baguhin ang kurikulum sa batayang edukasyon kung kayat sa kasalukuyay
ipinatutupad ang Basic Education Curriculum o BEC at sa hinaharap ang K12.

G. Masatisfay ang kuryosidad ng mananaliksik. Halimbawa: Naging misteryo kay Thomas


Edison kung paano nangingitlog ang manok. Bunga ng kanyang kuryosidad sa bagay na ito,
nagsaliksik siya at kalaunay nakaimbento ng tinatawag na incubator.

H. Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman. Halimbawa: Sa pamamagitan ng


pananaliksik hinggil sa mga isda, maaaring maverifay ng mga mananaliksik ang mga
kaalamang una nang natuklasan ng mga pananaliksik o di kaya namay maari silang makatuklas
ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga katangian at kalikasan ng mga isda na maaring
pakinabangan ng mga mangingisda, mangangalakal at maging ng mga mamimili.

Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

1. Sistematik. May sinusunod itong proseso o magkakasunud - sunod na mga hakbang tungo sa
pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

2. Kontrolado lahat ng mga varyabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant.

3. Empirikal - kailangang maging katanggap - tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa


pananaliksik maging ang mga datos na nakalap.

4. Mapanuri. Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal
upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng interpretsayon sa mga datos na
kanyang nakalap. Kailangan ding gumamit ng mga navalideyt nang pamamamaraang pang-
estaditika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.

5. Objektibo, lohikal at walang pagkiling. Lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon ay


kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatatangkang ginawa
upang baguhin ang resulta ng pananaliksik. Walang puwang rito ang mga pansariling pagkiling.

2
6. Gumagamit ng mga kwantiteytiv o istatikal na metodo. Ang mga datos ay dapat mailahad sa
pamamaraang numerical at masuri sa pamamagitan ng istatikal na tritment upang matukoy ang
kanilang gamit at kahalagahan.

7. Orihinal na akda. Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng


mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang
mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga primaryang sources
o mga hanguang first-hand.

8. Isang akyureyt na investigasyon, observasyon at deskripsyon. Bawat aktividad na


pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay
humantong sa formulasyon ng mga syentifikong paglalahat. Samakatwid, lahat ng kongklusyon
ay syentifikong nakabatay sa mga aktwal na evidensya.

9. Matiyaga at hindi minamadali. Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik,


kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa nang
walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at
paglalahat.

10. Pinagsisikapan. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging
matagumpay.

11. Nangangailangan ng tapang sapagkat maaaring makaranas siya ng mga hazards at


discomforts sa kanyang pananaliksik, di- pagsang - ayon ng publiko at lipunan o di-
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga >kasamang mananaliksik.

12. Maingat na pagtatala at pag-uulat. Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na


maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik.
Kailangan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik para
sa angkop na dokumentasyon, at kadalasan, sa pasalitang paraan o ang tinatawag na oral
presentation o defense.

KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK

1. Masipag sa pangangalap ng datos, pagsisiyasat sa lahat ng anggulo at panig ng paksa, hindi


dinodoktor ang resulta ng pananaliksik, kumpleto ang mga datos at katibayan

Matiyaga pasensyoso, mapaghanap ng iba pang sanggunian.

3. Maingat sa pagpili at paghimay himay ng mga makabuluhang datos, sa dokumentasyon,


pagkilala sa pinagkunan ng datos at pinagmulan ng anumang ideya, tiyaking may sapat na
validasyon o katibayan ang anumang posisyon o interpretasyong ginagawa sa pananaliksik.

4. Sistematik Sinusunod ang mga hakbang ng pananaliksik.

5. Kritikal o mapanuri sa pag-ieksamen ng mga informasyon, datos, ideya o opinyon upang


mapatunayan kung ito ay valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan, tinitimbang
timbang ang mga katwiran pang mapagpasyahan kung alin doon ang may pakinabang sa
kanyang pananaliksik

3
MGA PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK

1. Kinikilala ang lahat ng pinagkunan niya ng datos.

2. Ginagawan ng tala ang bawat termino at ideya na kanyang hiniram.

3. Hindi nagnanakaw ng ideya ng iba kundi sinisipi at binibigyan ng sapat na pagkilala.

4. Hindi nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento o
walang pagkiling sa isang partikular na pananaw

5. Mapaninindigan ang lahat ng interpretasyon na kanyang binuo batay sa masinop at maingat


na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap.

ANO ANG PLAGYARISMO/PLAHIYO?

Ito ang pangongopya ng mga datos, ideya, pangungusap, buo at balangkas ng isang akda,
programa, himig at iba pa, na hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng
pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inangkin mo ang hindi iyo.

Kaparusahan: Dahil sa paglabag ng Intellectual Property Rights Law, maaaring ihabla ang tao sa
korte, matanggal sa tungkulin, pagtanggal ng digri kahit nagtapos na, mawalan ng kredibilidad,
magbayad ng karampatang halaga. Kung estudyante ay maaaring bumagsak sa kurso,
mapatalsik sa kanyang unibersidad, sentensyahan ng multa o pagkabilanggo.

MGA HALIMBAWA NG PLAGYARISMO

1. Kung hindi itinala ang pinagkunan o ipanaloob sa panipi ang ginamit na orihinal na termino.

2. Ni re phrase lamang ang orihinal na pangungusap nang di kinilala ang pinagkunan Kung
namulot ng mga ideya at pinagtagni tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang
pinagkunan

3. Nang isalin sa sariling wika ang mga termino, salita o pahayag ay inangkin na ito

4. Kung kinuha ang isang bahagi ng disenyo, balangkas, himig at hindi kinilala ang pinagkunan
ng inspirasyon

PANANALIKSIK

Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry
sa pamamagitan ng ibat ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na
suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.

Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya,


ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o


informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan
(Manuel at Medel: 1976).

4
Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang
sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga
katanungan ng isang mananaliksik.

Maidaragdag din sa ating mga definisyon ang kina E. Trece at J. W. Trece (1973)
na nagsasaad na ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon
sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang
kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon.

Ayon kay Calderon at Gonzales (1993):

this is a systematic and scientific process of gathering, analyzing, classifying, organizing,


presenting andinterpreting data for the solution of a problem, expansion or verification of
existing knowledge, all for the presentation and improvement of the quality of human life.

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preservasyon at pagpapabuti ng kalidad ng


pamumuhay ng tao.
The purpose of research is to serve man and the goal is the good life

Ayon kina Calderon at Gonzales(1993): Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tiyak na
layunin ng pananaliksik:

1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral
na metodo at informasyon.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o
produko.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
5. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan
at iba pang larangan.
6. Masatisfay ang kuryosidad ng mananaliksik.
7. Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman.

KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK

1. Ang pananaliksik ay sistematik.


may sinunud itong proseso o mag kasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

2. Ang pananaliksik ay kontrolado.


-lahat ng varyabol na sinusuri ay kailangan mapanatiling konstant. Hindi dapat
baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong maganap sa sabjek na pinag-aaralan ay
maiiuugnay sa eksperimental na varyabol.

3. Ang pananaliksik ay emprikal.


- kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap

5
4. Ang pananaliksik ay mapanuri.
-sa pananaliksik, ang mga datos na nalakap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi
magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nalakap.

5. Ang pananaliksik ay objektiv, lohikal at walang pagkiling.


- lahat ng tuklas at mga konklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal
na mga datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta sa pananaliksik

6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwanttiteytiv o istatiskal na metodo.


- ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan
ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagagan.

7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.


- maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay
sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik.

8. Ang pananaliksik ay isang akyuret na investigasyon, obserevasyon at deskripsyon.


- bawat aktividad na pananaliksik ay kailangang maisagawa ng tumpak o akyuret
nang ang tuklas ay humantong sa formulasyon ng mga syentifikong panlalahat.

9. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali.


- kailangang pagtiyagaan ng mananaliksik ang bawat hakbang, sa pananaliksik upang
matiyak ang katumpakan o accuracy nito.

10. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan.


- walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap, kaya kailangan itong
paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.

11. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat.


- lahat ng datos na nakalap ay maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali
ay maaaring makaapekto sa mga tuklas na pananaliksik.

12. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat


-Kalingan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel, para sa angkop na
dokyumentasyon at kadalasan sa pasalitang paraan o ang tinatawag naoral
presentation o defense.

Mga Dapat Taglayin ng Isang Mananaliksik

A. Masipag
B. Matiyaga
C. Maingat
D. Sistematik
E. Kritikal o mapanuri

PANANAGUTAN NG PANANALIKSIK

KATAPATAN ang pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Ito ay


kailangang maipamalas niya sa mga pagkilala ng kanyang pinagkunan ng datos o
impormasyon. Nangangahulugan ito na:

1. Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos.


6
2. Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala.
3. Hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan ng karampatang
pagkilala.
4. Hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argument o
para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang particular na pananaw.
5. Ayon kay Atienza, ang pinakamahalagang pananagutan ay ang pagtiyak na mapaninindigan
ng mananaliksik ang lahat ng interpretasyon ng kanyang binuo batay sa kanyang masinop at
maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap.

Ang Isyu ng Plagyarismo

Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at


balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa, hindi kinikilala ang pinagmulan o
kinopyahan.

Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo.

Ito ay may sinusunod na etika/ Code of Ethics


Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na napakalaking kasalanan ang plagyarismo.
Ito ay may kabigatang parusa.
Ito ay magdudulot ng kahihiyan sa isang taong may pinag-aralan.

Noong 1996, si Atienza at ang kanyang mga kasamahan ay nagtala ng ilang mga halimbawa ng
plagyarismo at mga kaparusahang maaaring ipataw sa plagyarista

Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi o hindi itinala ang
pinagkunan.
Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala
ang pinagmulan.
Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa ibat ibang akda at pinagtagni-tagni
ang mga ito ngunit hindi kinilala ang mga pinagkunan
Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at
hindi itinala na isalin ang mga ito,
Kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig, at hindi kinilala ang
pinagkunan ng insipirasyon, at
Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at ipinalabas niyang
siya ang nagkalap ng mga datos na ito.

Parusang maaaring ipataw sa isang plagyarista ay ang mga sumusunod:

Pinakamagaang na parusa na para sa mga estudyante na mabigyan ng 5.0 (lagpak na


marka)para sa kurso,
Kung mapatutunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa, maaaring patalsikin ang
estudyante sa universidad.
Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas, ngunit natuklasan na ang
kanyang pananaliksik ay kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri o
Maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa Intellectual Property Rights Law at
maaaring sentensyahan ng multa o pagkabilanggo.

Source:

7
Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley. 2006. Kritikal
na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing
Hiuse Inc.

ANG PAMANAHONG PAPEL

Pamanahong Papel isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga


estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito
ay kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang
paksa. Tinatawag din itong term paper.
BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL

MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS

a) Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa


pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito.

b) Pamagating Pahina - ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong


papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito
pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang
pagkakaayos nito.

c) Dahong Pagpapatibay ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng


mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.

d) Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa


pagsasagawa ng pananaliksik gayoy nararapat na pasalamatan.

e) Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng


pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang
bawat isa.

f) Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf
na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat
isa.

g) Fly Leaf 2 isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
8
KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

a) Ang Panimula o Introduksyon


>ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang pagtalakay ng
paksa ng
pananaliksik.

b) Layunin ng Pag-aaral
> inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral.
>Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.

c) Kahalagahan ng Pag-aaral
> inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-
aaral. Inilalahad
dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.

d) Saklaw at Limitasyon
>tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik

e) Definisyon ng mga Terminolohiya


>ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isay binigyan
ng
kahulugan. Maaaring itong:
Operational na Kahulugan kung paano ito ginamit sa pananaliksik
Conceptual na Kahulugan istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng


pananaliksik
tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

a. Disenyo ng Pananaliksik nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-
aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple na, deskriptiv-analitik
na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at imformasyon hinggil sa mga salik o factors
na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.

b. Respondente tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.

c. Instrumento ng Pananaliksik inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa


pangangalap ng mga datos at imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa
at kung maari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.

d. Tritment ng mga Datos inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang
ang mga numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil itoy isang pamanahong-papel lamang,
hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng
porsyento o bahagdan matapoos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga
respondente.

9
KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng


tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang
analisis o pagsusuri.

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON

a) Lagom - Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik na


komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.

b) Konklusyon - Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,


pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at informasyong nakalap ng
mananaliksik.

c) Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o
naatuklasan sa pananaliksik.

MGA PANGHULING PAHINA

Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na
ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.

Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga
liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-kwestyoneyr,
bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano pa.

10

Vous aimerez peut-être aussi