Vous êtes sur la page 1sur 6

CAAOACAN HIGH SCHOOL

Ikatlong Markahang Pagsusulit Sa Filipino 8


K-12 Basic Education Curriculum

I. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

Para sa sa bilang 1-3


Basahin at unawain ang teksto
(1) Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo. (2)
Malinaw siyang magpaliwanag, laging handa at paminsan-minsan ay nagpapatawa
kaya nawiwili kami sa kaniyang klase. (3) Marami kaming natututuhan sa kanya at sa
lahat ng ito siyay aming pinasasalamatan. (4) Sanay marami pang tulad niya upang
maraming mag-aaral ang mahasikan niya ng karunungan.

1. Ang pangunahing ideya ay matatagpuan sa pangungusap bilang __________.


a. 1 c. 3 b. 2 d. 4
2. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay __________.
a. paghanga b. pananabik c. pag-asam d. kasiyahan
3. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay _____________.
a. manghikayat c. magbigay-parangal
b. magpaliwanag d. magbigay-kaalaman

Para sa bilang 4-5


Basahin at unawain ang tula
Tanaga ng Sakada
ni Jayson Alvar Cruz

Tahan ka saking silid limot na alaala. Utopia ng ideya.


apuhapin ang sakit Nang lumagpak na sila,
nang naglatag na sugat, Halikan mo ang langib, sa ting mga haraya.
sa banig, mutyang papag. sugat sa aking dibdib.
Haplusin mo ang hapdi. Halikat manibasib
Doo'y lasapin kata Isip, namimighati. sa katas ay sumipsip.
nawaglit na gunita Nang panawan ng lakas,
usapin sa ting lupa, Pagsaluhan na kata katwang nais lumikas.
4. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan sa tula?
a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San Juan, Metro Manila
b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas ng mga katutubong Aeta.
c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita tungkol sa usapin sa lupa
d. Tensiyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng Panatag Shoal.

5. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumulutang sa tula?


a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikapagtatagumpay ng anumang layunin.
b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin
c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan.
d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan.

Para sa sa bilang 6-10


Basahin at unawain ang teksto

Sa pelikula man o sa telebisyon, ibat ibang uri ng dokumentaryo ang ating napapanood na tumatalakay
sa ibat ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrumento o
midyum upang maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap
sa araw-araw. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa edukasyon, suliraning pang-
ekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang
mga kakulangang dapat maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko ay
nagigising upang harapin ang hindi mapasusubaliang katotohanan.
Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong kahit sa
6. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo upang magising ang kamalayan ng bawat
simpleng pamamaraan sa iyong kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng iyong kapwa mag-
indibidwal?
aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang natatanging kasagutan.
a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan.
b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin.
c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao.
d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman.

7. Ano ang kahulugan ng pahayag na hindi mapasusubalian ayon sa pagkakagamit sa akda?


a. walang masyadong iniisip
b. hindi mapasisinungalingan
c. walang katotohanan
d. hindi angkop sa sitwasyon

8. Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko. Ano ang mahihinuha sa pahayag?


a. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko.
b. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral.
c. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin.
d. Wala namang dapat masyadong ipag-alala.

9. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga dokumentaryo ay upang ___________.
a. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan
b. maipalabas lamang sa madla ang mga ito
c. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan
d. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema

10. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng mga pahayag sa huling talata?
a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan.
b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan.
c. Maging isang lider upang maging sikat.
d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa

Para sa sa bilang 11-16


Basahin at unawain ang teksto

Komentarista 1 : Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado, partner!


Komentarista 2: Tama ka dyan! Mukhang nakatulong dyan ang pagsang-ayon ni PNOY tungkol sa panukalang batas na
yan!
Komentarista 1: Naku! Eh bali-balita ngang dalawang senador ang bumoto laban sa pagpapasa ng Bill na yan eh.
Komentarista 2: Inaasahan partner na tataas ang makokolektang buwis mula sa mga kompanya ng sigarilyo at alak dahil
dito.
Komentarista 1: Pero ayon kay La Union Representative Victor Ortega, magdurusa ang mga magtatabako dahil
marami sa kanila ang maaaring mawalan ng trabaho.
Komentarista 2: Kaya naman pala todo papogi ang mga reelectionist na senador na bumoto laban sa bill na yan!
Komentarista 1: Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksyon!
Komentaista 2: Tumpak!
11. Alin sa sumusunod ang maituturing na negatibong pahayag?
a. Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Tama ka dyan! Nakatulong dyan ang pagsang-ayon ni PNOY!
c. Inaasahan na tataas ang makokolektang buwis dahil sa Sin Tax Bill.
d. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng buwis na sisingilin sa mga kompanya ng sigarilyo.

12. Alin sa sumusunod ang paksa ng komentaryong panradyo?


a. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng sigarilyo at alak
1b. Pagpasa sa Sin Tax Bill
c. Pagtutol ng mga senador sa pagpasa ng Bill
d. Paghihirap ng mga magtatabako dahil sa Sin Tax Bill

13. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng kaugnayang lohikal?


a. Pati na rin b. Dahil dito c. Ayon kay d. Kaya naman

14. Marami ang maaapektuhang mga magtatabako ______________ sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill. Ano ang angkop na
salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag?
a. upang b. dahil sa c. nang sa gayon d. Kung

15. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon?


a. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill.
c. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa Sin Tax Bill.
d. Tinutulan ng ilang sendor ang pagpasa ng panukalang batas

16. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam?


a. Iulat nang patas at wasto ang nakuhang mga impormasyon.
b. Maging malinaw sa pagtatanong.
c. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin.
d. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa paksa ng panayam.

17. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media?


a. komiks at magasin b. radyo at telebisyon c. pelikula at telebisyon d. aklat at pahayagan

18. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast media sa lipunan?
a. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwalian sa pamahalaan.
b. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa paligid.
c. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito.
d. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ng politika at showbiz.

19. Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksiyon! Ano ang ipinahihiwatig na
opinyon sa pahayag?
a. Marami ang mamamatay dahil sa paninigarilyo.
b. May mga politiko na hindi pumapayag sa panukalang batas dahil nais na mapaboran ng publiko sa parating na eleksiyon.
c. Siguradong matatalo sa eleksiyon ang mga politikong pabor sa panukalang batas.
d. Maraming politiko ang napapahamak dahil sa paninigarilyo.

20. Ang pangunahing kaisipan ng binasang akda ay_______________.


a. bawat indibidwal ay may magagawa para sa ating lipunan
b. bahala na ang kabataan kung kikilos sila
c. manood palagi ng mga dokumentaryo
d. tama na ang mulat ka sa iyong kapaligiran

Para sa sa bilang 21-24


Basahin at unawain ang teksto
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi
maipasa-pasa sa senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay Freedom of Income eh
malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa yan kahit pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI, partner?
Roel: Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko
na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno. eleksyon!
21. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?
a. Kung ang FOI ay Freedom of Income, malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa yan kahit na nakapikit!
b. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas,bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno.
c. Naku! Delikado naman pala iyan!
d. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon.

22. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon ng komentarista sa pahayag na may salungguhit?


a. May mga politikong tiwali sa pamahalaan.
b. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas.
c. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas.
d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito.

23. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo gaya ng halimbawang nabasa?
a. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista.
b. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga personalidad.
c. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa isang bansa.
d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig.

24. Ano ang mga salitang ginamit na pagpapakilala ng konsepto ng pananaw mula sa akda?
a. naman pala c. sang-ayon sa b. sabi nga d. ng mga

Para sa sa bilang 25-28


Basahin at unawain ang teksto.

Parami na nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng bullying. Ang masaklap pa nito,
nagaganap ang mga pananakit sa loob mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging
sa mga paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong uri ng pang-aabuso. Dahil
sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro
maging sa kanilang mga magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa
palagiang pag-aasaran sa loob ng klase kung saan pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata
ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang
mga magulang na paaalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang

25. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng


___________.
a. sanhi at bunga b. paraan at layunin c. paraan at resulta d. kondisyon at kinalabasan

26. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ng bullying? a. Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang
miyembro ng pamilya.
b. Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan.
c. Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak.
d. Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit.

27. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa?


a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan.
b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata.
c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang kapwa.
d. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang pananakit.

28. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan?
a. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan.
b. Natatalakay dito ang ibat ibang panig ng isang isyu.
c. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi gaanong nabibigyan ng pansin.
d. Lahat ng nabanggit.

Para sa sa bilang 29-31


Basahin at unawain ang teksto.
(1) Nais kong linawin ang mga kumakalat na masamang balita laban sa akin. Akoy wala ginagawang masama
laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na mapag-isa. Tama kayo. (2) Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-
isa sa aking bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga naisusulat. (3) Naniniwala ako na walang
saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang
nagkaroon ng interes sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. (4) Tungkol naman sa aking
kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa iyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong
maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan nyo rin
ako balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon. Mahinahong paglilinaw ni Mokong Talangka.
29. Sa anong bilang ng talata matatagpuan ang paksa?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
30. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay _____________.
a. paghanga b. pananabik c. pag-asam d. kasiyahan
31. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay ___________________.
a. manghikayat b. magpaliwanag c. magbigay-parangal d. magbigay-kaalaman

Para sa sa bilang 32-33


Basahin at unawain ang teksto.
Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang
isip. Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang
kanilang binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na
napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena ng pulis. Tumayo na sila. Paroot
paritong nagtatakbuhan ang mga tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya
ang lima niyang pamangkin na kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, masikip at may kung anong
nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet.

32. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan mula sa tekstong binasa?
a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San Juan, Metro Manila.
b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas ng mga katutubong Aeta.
c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita tungkol sa usapin sa lupa
d. Tensyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng Panatag Shoal

33. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumutang sa teksto?


a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikatatagumpay ng anumang layunin.
b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin.
c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan.
d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan

Para sa sa bilang 34-35


Basahin at unawain ang teksto.
EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang
Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapag-kainan ang nahuling baboy-
ramo...Doon nagwika ang kaniyang Apo Bisen Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito
makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao.
Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa
likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang Babangon ang Pilipinas

34. Ano ang layunin ng dokumentaryong pampelikula batay sa bahaging nabasa?


a. Ilarawan ang kalagayan ng mga barangay sa Pilipinas.
b. Ipakita ang kahalagahan ng pagboto upang magkaroon ng pagbabago.
c. Maraming mga mahirap na bayan na hindi na magiging maunlad.
d. Darating ang panahon na uunlad din ang ating bansa.

35. Ano ang mensahe ng pelikula batay sa bahaging nabasa?


a. Hindi nagkakaroon ng pagbabago sa lipunan dahil sa kamangmangan ng mga mamamayan.
b. Maraming mga pulitiko ang tiwali at hindi matapat.
c. Mahirap ang marami ng mga lipunan sa Pilipinas.
d. May mga lipunan sa Pilipinas na nananatiling masaya sa kabila ng kahirapan.

II. Tama o Mali


Panuto: Tukuyin kung ang bawat pahayag ay TAMA o MALI. Kung ito ay TAMA isulat ang T ang kung ito ay
MALI isulat ang M.

36. Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
37. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanmay hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.
38. Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagal og ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum.
39. Patay na ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa mahal ang presyo nito.
40. Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento.
41.Hindi maaaring maglaman ang komiks ng diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring
maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim.
42. Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa,
nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino.
43. Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na walang buhay.
44. Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kaunaunahang Pilipino na gumawa ng komiks.
45. Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks.
46. Ang Bannawag ang isang uri ng komiks.
47. Ang magasin ay naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
48. Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento.
49. Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal
50.. Ang di-pormal ay wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw.

III. Pagsulat ng Sanaysay. 51-60


Panuto: Sumulat ng isang hinggil sa isyu sa ibaba. Gumamit ng mga ibat ibang antas ng wika sa isusulat na
sanaysay.

Paksa: Ano ang iyong opinyon hinggil sa pagbibigay ng libreng condom sa mga high school students?

Vous aimerez peut-être aussi