Vous êtes sur la page 1sur 5

Alamat ng Saging

ANG ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si


Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol
ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito
alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.
Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at
hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol.
Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na
braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.
Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na
tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at
malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay
na may mga daliri ng tao.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa
kanilang bakuran.
Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon
mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.
"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan
ito`y naging saging.

Alamat Ng Pinya

Si Aling Rosa ay isang balo. Siya ay may sammpung taong gulang na anak na
babae, si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak. Nais
niyang lumaking bihasa sa gawaing bahay ang anak. Tinuturuan niya si
Pinang sa mga gawaing-bahay.
Dahil sa nag-iisang anak, ayaw gumawa si Pinang lagi niyang ikinakatwiran
na alam na niyang gawin ang anumang itinuturo ng kanyang ina. Pinabayaan
lang siya ng kanyang ina.
Isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa
sa bahay. Napilitan si Pinang na gumawa ng gawaing-bahay. Inutusan siya ng
ina niya na magluto siya ng lugaw. Kumuha si Pinang ng ilang dakot na bigas,
inilagay sa palayok at hinaluan ng tubig. Isinalang niya ito sa ibabaw ng
apoy. Iniwan niya ang niluluto at naglaro na. Dahil sa kapabayaan, ang ilalim
ng bahagi ng lugaw ay namuo at dumikit sa palayok. Nagpasensiya na lang
si Aling Rosa. Kahit papaano nga naman ay napagsilbihan siya ni Pinang.
Nanatili sa higaan ang matandang babae gn ilang araw pa. Si Pinang ang
napilitang gumawa ng mga gawaing-bahay. Isang araw, sa paghahanda ng
pagluluto, hindi makita ni Pinang ang sandok. Lumapit siya sa ina at
nagtanong. Nasuya na ang ina sa katatanong ni Pinang. "Naku, Pinang sana'y
magkaroon ka ng maraming mata upang lahat ng bagay ay makita mo at
hindi ka tanong nang tanong!"
Dahil galit ang ina, hindi na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin
ang sandok. Kinagabihan, nabahala si Aling Rosa nang hindi pa bumalik ang
anak. Nagpilit siyang bumangong upang kumain. Tinawag niya ang anak
nguni't walang lumalapit sa kanya.
Isang umaga, nagwawalis ng bakurang si Aling Rosa nang may makita siyang
isang uri ng halaman na tumubo sa silong ng kanilang bahay. Hindi niya alam
kung anong uri ng halaman iyon. Binunot niya at itinanim sa kanyang
halamanan. Lumaki ang naturang halaman at di nagtagal ay namunga ito.
Nagulat si Aling Rosa sa anyo ng bunga. Ito ay hugis ulo ng tao na
napapalibutan ng mata.
Biglang naalala ni Aling Rosa ang huling sinabi niya sa nawawalang anak na
magkaroon sana siya ng maraming mata upang makita ang kanyang
hinanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa. Noon niya napagtanto na
tumalab kay Pinang ang kanyang sinabi. Gayunpaman, inalagaang mabuti ni
Aling Rosa ang halaman at tinawag niya itong Pinang bilang pag-alaala sa
kanyang anak. Nang maglaon ang bunga ito ay tinawag na "Pinya.

Ang Alamat ng Mangga

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait atmatulungin
siya. Nagmana siya sa kanyang mga magulang namababait din naman.
Isang araw, isang matandang pulubi angkinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang
pulubi sa bahay, ipinagluto atpinakain. Isang araw naman, samantalang
nangangahoy, isangmatandang gutom na gutom ang nasalubong niya.
Pinakain din niyaito at binigyan ng damit.Makaraan ang ilang panahon,
nagkasakit si Ben. Sa kabila ngpagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang
anak, lumubha pa rinang kanyang kalagayan hanggang sa siyay bawian na
ng buhay.Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan,
habangnakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hininginito
ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok.Ito ay naging
punongkahoy na may bungang hugis-puso. Maramiang nakikinabang ngayon
sa bungang ito.
Alamat Ng Rosas

Noong unang panah0n ay may isang magandang dalaga mula sa malayong


bayan ng Tarlac na Rosa ang pangalan.
Bukod sa iwing ganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para
mapatunayan ang tunay na pagibig.
Ayon sa kwento nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuklsang
may malubhang sakit ang lalaki. Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na
pakasal sila para mapaglingkuran ang lalaki hanggang sa mga huling sandali
ng buhay nito.
Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na
baunin ang pag-ibig ng dala sa kabilang buhay.
Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya
ang nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti
ang baon nito sa pagtulog.
Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago
panawan ng hininga.
Ang mga gniti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario at kahit
nang dinadalaw ang puntod nito at pinagyayaman. Nang tanungin kung bakit
hindi nawala ang ngiti sa mga labi ay ito ang sabi niya.
"Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal.
At alam ko rin na maghihintay siya sa akin para magkasama kami na hindi na
maghihiwalay pa."
Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at
pagmamahal ni Rosa sa katipan.
Bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario siya ilibing.
Kakatwang may tumubong halaman sa kanyang puntod at kayganda ng
naging mga bulaklak.
Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang dalagang simbolo
ng tunay ng pag-ibig

Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento


tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang
nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na
mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang
alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas
sa salitang "legendus" ng wikang Latin at "legend" ng wikang Ingles na ibig
sabihin ay "upang mabasa".
Nalikha marahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno at dahil wala pang
sistema ng panulat, ito ay nag pasalin-salin nalamang

Kahirapan sa pilipinas

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng


problema ng ating bansa. Madalas nating
sisihin ang maling pamamalakad ng mga
pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may
kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?
Sabi nga nila, Katamaran ay katumbas ng
kahirapan. Sinasabi ng karamihan, kaya sila
naghihirap ay sa kadahilanang wala silang
trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong
nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino.
Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi
at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita
ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin
na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.

Ang rate ng kawalang trabaho ay isang sukat ng pagiging laganap ng kawalang trabaho at
kinukwenta bilang isang persentahe na hinahati ng bilang ng mga indibidwal na walang trabaho ang
lahat ng mga indbidwal na kasalukuyang nasa pwersang trabaho. Sa mga panahon ng resesyon,
ang ekonomiya ay karaniwang nakararanas ng isang relatibong mataas na rate ng kawalang
trabaho.[2] Sa isang balita noong 2011, iniulat ng BusinessWeek na "higit sa 200 milyong mga tao sa
buong mundo ay walang trabaho, isang mataas na rkord na halos dalawang-tatlo ng mga maunlad
na ekonomiya at ang kalahati ng mga umuunlad na bansa ay nakararanas ng isang pagbagal sa
paglago ng trabaho."[3] Mayroong natitirang mahalagang debateng teorteikal tungkol sa mga sanhi,
konsekwensiya at mga solusyon sa kawalan ng trabaho

Ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala hinggil sa mga bagay-


bagay na wala namang relasyon sa isa't isa. Aminin man o hindi, malaki ang
nagagawang impluwensiya ng mga pamahiin sa usaping kultura, buhay,
kabiguan, tagumpay, kalungkutan at kaligayahan ng mga Filipino.

Maraming mga pamahiin ang sinusunod natin, ito'y namana nating sa mga
nakatatanda sa atin. Ang hindi pagsunod sa mga pamahiing ito ay
nagdudulot ng kamalasan, ayon sa mga nakatatanda. Ang mga kaugaliang
ito ay mga paniniwala sa isang bagay, gawain, o pangyayari na nakaaapekto
sa mga espesipikong na kaugalian natin, ngunit wala itong kahit anong
lohikal na kaugnayan sa kalalabasan nito. Ang pamahiin ay isang matandang
kaugalian na kinagisnan mula pa sa ating mga ninuno, buhat pa noong
unang panahon at tinataglay pa rin ng marami, lalo na yaong mga
naninirahan sa malalayong lalawigan.

Ang paniniwala sa mga pamahiin ay naging panunturan ng pang araw-araw


na buhay ng ibang tao, pati na rin ang pagiging babala nito sa bawat gawain,
plano, o hangarin nila sa buhay. Maaaring ginagawa nila ang mga ito bilang
respeto at pagbibigay-galang sa mga nakatatandang nagpayo sa kanila na
sumunod sa mga pamahiin

Vous aimerez peut-être aussi