Vous êtes sur la page 1sur 1

Republic of the

Philippines
19 89

Region I
PANGASINAN DIVISION II
SAN JACINTO NATIONAL HIGH SCHOOL
San Jacinto

NARATIBONG PAG UULAT


BRIGADA ESKUWELA 2016

Tema: Tayo Para sa Paaralang Ligtas, Maayos at Handa Mula sa Kindergarten Hanggang Senior
High School

Nagkaisa, nagtulungan, nagsanib ang lakas, sipag at tiyaga ng mga guro, mag-aaral lalo na ang mga magulang!

Ganito ilarawan ang naganap sa malawakang Brigada Eskuwela 2015 kasama ang paaralang San Jacinto
National High School noong Mayo 4 hanggang Hunyo 4 na may temang: Tayo para sa kalinisan, kaligtasan at
kahandaan ng ating mga paaralan.

Mayo 30, unang araw


Sannang sinimulan ang Brigada Eskuwela ay nagkaroon ng maikling programa sa
Jacinto
SJNHS pangunguna ni Gng. Perlita B. Ostrea, punongguro IV na nagbigay ng maikling mensahe tungkol sa kalinisan
at pagpapaganda ng paaralan. Gayundin si Gng. Marilou Mangapot, Head Teacher III sa English Department,
naatasang mag-organisa o chairman ng Brigada Eskuwela. Matapos ang programa ay nagsipaghanda na ang mga
guro, magulang at mga mag-aaral sa paglinis sa bawat sulok ng paaralan at klasrum na kanilang lilinisin.

Hunyo 1, ikalawang araw ipinagpatuloy namin ni Gng. Jay Evangelista ang paglilinis sa rum 26 katuwang
namin ang ibang estudyante, una tinanggal namin yong mga sira na at hindi na magagamit upang mabawasan ang
kalat, hiniwalay ang sirang upuan at naglinis din sa harap ng klasrum..

Hunyo 2, ipinagpatuloy ang paglilinis sa loob ng klasrum tinanggal ang mga agiw, inayos ang mga aklat,
pinunasan ng basang basahan ang mga bintana upang matanggal ang nakakapit na alikabok. Inumpisahan na ding
ayusin ang sirang upuan at pininturahan. Tumulong din ako sa paglilinis sa opisina ng Departamentong Filipino.

Hunyo 3, inatupag naming gawin ang pag-ayos at pagtanggal ng patay na dahon sa mga halaman,
nagwalis at inayos ang mga batong nakakalat. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy naming ang paglilinis sa loob ng
klasrum pinunasan namin ang dingding, blackboard at sinimulan na rin naming pakintabin ang sahig.

Hunyo 4, huling araw ng Brigada Eskuwela, upang mas kaaya-ayang tignan ang klasrum ay pinaayos
namin yaong mga lubak lubak na sahig, nilagyan ng simento. At ng tuluyang natuyo ay muli naming pinahiran ng
floorwax upang mas lalong kumintab at kuminis ito.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

CONEY D. VILLEGAS GNG. REMEDIOS C. CONDES


Teacher I Head Teacher III, Fil.
Dept.

Vous aimerez peut-être aussi