Vous êtes sur la page 1sur 1

introduction:

Ang kwentong ito ay nangyari sa isa sa nakasama namin sa retreat nung


college kami. Hindi ko mismo nasaksihan ang pangyayari ngunit ang
mismong nakaranas ang nagbahagi sakin ng kwentong ito.

Body:
Pitong taon na ang nakalilipas ng mag-retreat kami sa isang sikat na
"retreat house" dito sa Luzon. Kung hindi ako nagkakamali ay tatlong araw
ang ginugul namin sa lugar na iyon.

Ang aming unang araw ay puno ng kulitan at asaran, sa madaling salita


normal ang mga naging pangyayari. Ngunit nung ikalawang araw na namin
sa lugar na iyon ay may biglang kakaibang nangyari. Habang abala kami
sa pagpapa-"picture, picture" biglang may narinig kaming sigaw sa loob ng
"girls' dorm". Medyo nagkaroon ng kaunting pagpapanic ngunit makalipas
ang ilang minuto ay napakalma na ang aming kasamahang sumigaw at
nagsimula ilahad ang mga naging pangyayari...

Tatlo daw sila bumalik sa dorm upang kumuha ng gamit at magbanyo. Ang
unang babae ay pumasok sa banyo, tpos ang dalawang natira ay naiwan
sa kwarto. Medyo matagal ang pagbabanyo ng isa nilang kasamahan kaya
naisip ng kasamahan namin na humiga muna sa kama at
makipagkwentuhan sa kasama niya. Salita siya ng salita sa katabi niyang
kama ngunit napansin niya hindi ito sumasagot. Nang lingunin niya ang
kasama niya laking hilakbot ang nadama niya ng makita niya na isang
matandang babaeng nakaitim ang nakatitig sa kanya na nakahiga din sa
katabi niyang kama, galit na galit ang mga mata nito. Ang inakala niyang
kaibigan na kinukwentuhan niya ay isa pa lang kaluluwang gala sa
dormitoryo ng mga babae.

Vous aimerez peut-être aussi