Vous êtes sur la page 1sur 15

ANG IBONG ADARNA

KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA


Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng
Espanyol na ngayon ay bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino.
Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa
pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlng Prinsipeng
Magkakapatid na anak nang Haring Fernando at nang Reyna Valeriana sa
Kahariang Berbania. May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong
Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan.
Nakasentro ang kuwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng
mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang
karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang
kuwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang
Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't
ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora .
May ilang mga kritiko ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong
Adarna ay si Jose de la Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw.

PAGKAKAIBA NG AWIT SA KORIDO


Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:

1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit

2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa


allegro, samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na
mabagal sa saliw ng gitara o bandurya allegro

3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa


korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang
napapaloob dito

BUOD NG AKDA
Nooy may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Itoy
pinamumunuan nila Haring Fernando at Reyna Valeriana kasama ng kanilang
tatlong anak na sina Don Pedro, ang panganay, Don Diego, ang pangalawa at
Don Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing kaharian .Isang
gabiy nanaginip si Haring Fernando. Napanaginipan niyang may nagtapon
daw kay Don Juan sa isang malalim na balon. Nang magising ang hari, siyay
nagsimulang magkasakit. Ipinayo ng mga manggagamot na ang tanging
kanta lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang
makapagpapagaling sa sakit ng hari .Unang nagtangka si Don Pedro ngunit
siyay nabigo. Nang marating niya ang Piedras Platas, ang punong tinitirhan
ng Ibong Adarna, ay nahimbing siya sa awitin ng naturang ibon. Di
sinasadyang naiputan siya ng ibon at nanigas at naging bato. Sunod na
nagtangka si Don Diego ngunit sinapit din niya ang nangyari kay Don Pedro.
Noon na tumulak sa paglalakbay si Don Juan na siya na lamang tanging pag-
asa ng Kahariang Berbanya,bago umalis si Don Juan ay humingi muna siya
ng basbas sa hari . Sinapit ni Don Juan ang landas patungong Bundok Tabor.
Nasalubong niya sa daan ang isang Matandang Leproso na nagpayo sa kanya
na mag-ingat sa nakakahalinang ganda ng punong Piedras Platas. Dahil si
Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay niya ang kanyang kahuli-
hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito,
tinulungan siya ng ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna.
Iniwasan nga niya ang pagtigil sa nasabing puno at natanaw niya ang isang
bahay kung saan may matandang Ermitanyong nakatira. Ito ang tumulong sa
kanya upang makuha ang Ibong Adarna at mapabalik sa dati mula sa
pagiging bato sina Don Pedro at Don Diego [6]. Kapwa tinahak ng tatlong
prinsipe ang daan pabalik ngunit gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don
Diego. Silang dalaway kapwa bumalik sa Kahariang Berbanya at iniwan si
Don Juan na nakalupasay sa gitna ng daan bunga ng tinamong bugbog. May
naparaang isang Matandang Ermitanyo. Samantalang sa Kahariang Berbanya
ay hindi napaawit nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna. Siya
namang pagdating ni Don Juan na nooy nanumbalik na ang dating lakas.
Noon umawit ang Ibong Adarna at isinalaysay ang kataksilang ginawa nina
Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Nawala ang sakit ni Haring Fernando
at iniutos na parusahan and dalawang nagkasala. Sa pakiusap naman ni Don
Juan ay pinatawad ng hari ang dalawa . Ang Ibong Adarna ay inalagaan sa
loob ng palasyo ng tatlong magkakapatid ngunit muling gumawa ng lalang
sina Don Pedro at Don Diego. Pinakawalan nila ang ibon sa hawla nito nang
minsang mahimbing si Don Juan na nooy siyang nakatoka sa kasi
pagbabantay bunga ng pagkakapuyat niya noong mga nakaraang gabi. Nang
maratnan ni Don Juan na wala na ang Ibong Adarna, naglayas siya sa
kaharian upang hanapin ang ibon. Nalaman ni Haring Fernando ang nangyari
at iniutos kina Don Pedro at Don Diego na hanapin si Don Juan. Natagpuan
nga ng dalawa si Don Juan at sumumpa ang tatlo na silay maglalagalag na
lamang sa kagubatan ng Armenia [7]. Sa kanilang paglalagalag ay
nakatuklas sila ng balon na kung saan sa ilalim nito ay may kaharian.
Tanging si Don Juan ang nakapasok sa kaharian sa balon samantalang
matiyaga namang naghintay sa taas sina Don Pedro at Don Diego. Ngunit sa
kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don
Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan para sila ay mabigyan ng
posisyon sa kaharian. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ng
kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan
ng malay. Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sa hindi siya halos
makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang kapatid. Natagpuan
ni Don Juan si Donya Juana na nooy bihag ng isang higante. Nang mailigtas si
Donya Juana buhat sa kuko ng higante ay iniligtas naman ni Don Juan si
Donya Leonora, ang kapatid nito na bihag ng isang serpyenteng may pitong
ulo. Nagawa ni Don Juan na matalo ang serpyente at silang dalawa ni Donya
Leonora ay naging magkasintahan . Muling umakyat si Don Juan kasama na
ang dalawang donya palabas ng balon. Ngunit may naiwanang singsing si
Donya Leonora na pinamana sa kanya ng kanyang mga magulang kayat
kinailangan muli ni Don Juan na bumalik pababa. Nang siyay malapit ng
makaahon ay gumawa na naman ng lalang sina Don Pedro at Don Diego na
may sampung dipang lalim ang balon. Kanilang pinutol ang lubid na siyang
kinakapitan ni Don Juan. Bumagsak si Don Juan at siyay nagtamo ng
matinding sugat samantalang sapilitan namang isinama ng dalawang
prinsipe and dalawang donya patungong Berbanya. Ikinasal sina Don Diego
at Donya Juana ngunit nanaghoy si Donya Leonora sa pagkakahiwalay nila ni
Don Juan . Samantalang isang lobo na alaga ni Donya Leonora ang gumamot
kay Don Juan. Tinulungan siya nitong makaahon sa balon. Noon muli niyang
nakita ang Ibong Adarna na nagpayo sa kanya na limutin na si Donya
Leonora sapagkat makakakilala siya ng bagong mamahalin sa Kahariang
tinatawag na Reino Delos Cristales. Kapagkadakay nalimot nga niya si Donya
Leonorangunit patuloy niyang hinanap ang berbanya niyang mahal.
Tinulungan siya ng tatlong ermitanyong nasalubong niya ang isa ay 100
taong gulang na athindi siya ito natulungan ngunit nagpayo na pumunta sa
kanyang kapatid na 500 taon gulang na ngunit sa tanda niyang iyon, hindi
niya malaman kungsaan ang Reyno Delos crystales kayat pinapunta niya ito
sa kanyang kapatid na 800 taong gulang na at siyay pinasakay sa isang
malaking agila patungong Reino Delos Cristales at sinabi na sa kahariang
iyon, may makikilala siyang dilag na laging naliligo tuwing 4 ng madaling
araw, kungkayat kailangan niyang magmadali doon niya makikita sa
kaharian ang daan patungong Berbanya. [7]. Nakikilala niya si Donya Maria
Blanca, anak ni Haring Salermo. Hiningi ni Don Juan kay Haring Salermo ang
kamay ni Donya Maria Blanca na nooy naging magkasintahan na subalit
kung magagawa nito ang mga pagsubok na iaatas sa kanya ng hari . Pitong
pagsubok ang pinagdaanan ni Don Juan at itoy pawang matagumpay sa
pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca. Subalit napag-alaman ni
Donya Maria Blanca na ibig ipakasal sa isang tiya sa Inglatera ng kanyang
ama si Don Juan. Nagkaroon ng labu-labo at nagtanan ang dalawang
magkasintahan subalit isinumpa ni Haring Salermo na malilimot ni Don Juan
si Donya Maria Blanca kapag may ibang babae ang unang tumingin sa mata
ni Don Juan. [9]. Nangyari nga ang sumpa ni Haring Salermo kayat si Don
Juan ay itinakdangipakasal kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria
Blanca at sa araw ng kasalan ay dumating itong bihis ang isang magandang
kasuotan at sakay sa magarangkarosa. Sa pamamagitan ng mahika ni Donya
Maria Blanca ay naalala ni Don Juan kung sino ang tunay niyang iniibig at
hiniling na niyang silang dalawa ni Maria Blanca ay ipakasal. Mariing tumutol
si Donya Leonora at nagkaroon ng ilang pagpapaliwanag at pagtatalo.
Isinangguni sa arsobispo ng Berbanya ang naturang usapin at iminungkahi
nitong dapat pakasal si Don Juan kay DonyaLeonora. Nagalit si Donya Maria
Blanca at pinabaha ang buong palasyo sa tulong ng kanyang mahika. Si Don
Juan na ang nagpasiya. Ibig niyang makasal sila ni Donya Maria Blanca at
sina Donya Leonora at Don Pedro naman. Natuloy ngaang kasalan at
hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at reyna ng Kahariang Berbanya
sina Don Juan at Donya Maria Blanca. Tumutol ang huli sapagkat babalik daw
sila sa Kahariang Reyno Delos Crystales kayat nauwi ang trono kina Don
Pedro at Donya Leonora. Sina Don Juan at Donya Maria Blanca ay bumalik
nga sa Kahariang Reyno Delos Crystales at silang dalawa ang namuno roon.

MGA TAUHAN
Don Fernando Si Don Fernando ay ang hari ng Berbanya. Siya ay ang
asawa ni Donya Valeriana at ang ama ni Don Pedro, Don Diego at si
Don Juan. Kinalala ng ibang tao na siya ay isang maginoo.
Donya Valeriana ,Si Donya Valeriana ay ang asawa ni Don Fernando.
Kinala ng ibang tao na siya ay mabait at maganda.
Don Pedro. Si Don Pedro ay ang panganay ni Don Fernando at Donya
Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakamacho ang katawan at kaiman ang
postura.
Don Diego. Siya ang pangalawang anak ni Don Fernando at Donya
Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakatahamik. Lagi siyang sumusunod sa
mga utos ni Don Pedro.
Don Juan. Si Don Juan ang bunso ni Don Fernando at ni Donya
Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakamahal ni Don Fernando dahil siya ay
puno ng kabaitan. Mahal na mahal rin ni Don Juan ang mga kapatid
niya.
Ang Manggagamot .Siya ay nanggamot kay Don Fernando. Sinabi niya
na ang Ibong Adarna ang gamot sa sakit niya.
Ang Leproso. Siya ay dinaanan ni Don Juan upang humingi ng pagkain.
Isa siyang tao na may sakit na tinatawag na lerprosyo.
Ermitanyo .Isa siyang tao na naninirahan sa bundok. Tumulong siya kay
Don Juan upang hulihin ang Ibong Adarna.
Ang matanda. Pinahiran ng matanda ng gamot ang sugat ni Don Juan
pagkatapos nang marinig ng matanda ang dasal ni Don Juan. Masasabi
mo na isa siyang Good Samaritan dahil sa ginawa niya.
Donya Juana. Siya ay isang magandang princesa sa Armenya.
Humahanga ang prinsipe sa kanyang kagandahan
Higante. Siya ay isang dambuhala na nagbabantay kay Donya Juana.
Leonora. Katulad ni Donya Juana, siya ay isang magandang princesa sa
Armenya. Siya ang kapatid ni Donya Juana.
Pitong Ulo serpyente. Siya ay isang serpyente na may pitong ulo.
Kapag pinatulan mo ang isa, matutubo muli ang ulo. Nagbabantay siya
kay Leonora.
Ang Unang Ermitanyo. Siya ay tinanong ni Don Juan upang makarating
siya sa Reyno De Los Cristales.
Pangalawang Ermitanyo. Siya ay tinukoy ng unang ermitanyo na
puntahin. Binigyan nito ng isang pirasong tela kay Don Juan para
mabigay nito sa tatlong ermitanyo.
Tatlong Ermitanyo. Siya ang binigyan ng pirasong tela mula sa
pangalawang ermitanyo.Sa pagbigay nito, tinanong ni Don Juan kung
saan yung Reyno De Los Cristal. Siya ang kapatid ng pangalawang
Ermitanyo
Donya Maria. Siya ay isang magandang princesa sa Reyno De Los
Cristales. Gumagamit siya ng puting majika. Siya ang tinukoy ng Ibong
Adarna kay Don Juan.
Haring Salermo. Siya ang ama ni Donya Maria. Gumagamit siya ng
itim mahika.

FLORANTE AT LAURA
KASAYASAYAN
Ang Florante at Laura ni Francisco Baltasar (na kilala din bilang Balagtas) ay
isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Daglat lamang ang
katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong
pamagat na:

Pinagdaanang bhay ni Florante at ni Laura sa kaharing Albanya:


Kinuh sa madlng cuadro histrico o pinturang nagsasabi sa mgg nangyari
nang unang panahn sa imperyo ngg Gresya, at tinul ngg isng matuwan sa
bersong Taglog. Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga
sa lahat ng mga korido sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray
Toribio Minguella, isang paring Rekolekto at pilologo. Ayon kay Epifanio de los
Santos, isang mananalaysay, nalimbag ang unang edisyon ng Florante at
Laura noong 1838. 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong
iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang Kung Sino ang Kumatha ng
Florante ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni
Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-
anak ng huli.

BUOD
Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan. Nakatali
si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng Higera,
habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang si Duke Briseo. Halos
ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng kaaway niyang si Konde
Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura. Anak si Konde Adolfo ni Konde
Sileno.Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga
pagtangis ni Florante. Aladin ang pangalan ng moro, na naantig ng mga
pananalita ni Florante. Dalawang mga gutom na leyon ang biglang umatake
kay Florante subalit naligtas ni Aladin ang binata. Nawalan ng malay tao
si Florante. Nagpasya si Aladin na pangalagaan si Florante hanggang sa
manumbalik ang lakas nito. Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat
siya noong una nang mapagmasdan ang morong si Aladin. Hindi siya
makapaniwalang ang isang kalaban ng mga Kristiyano ang kaniyang naging
tagapagligtas sa tiyak na kamatayan. Matapos ang ilang mga
pagpapaliwanag, naging lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin, at
dito siya nagsimulang magsalaysay hinggil sa kaniyang buhay. Bilang anak
ng isang prinsesa at ng isang tagapag-payong maharlika, lumaking
masiyahin at puno ng pagmamahal at kalinga si Florante. Sapagkat mahilig
ngang maglaro noong may anim na gulang pa lamang, muntik na siyang
mapaslang ng isang buwitreng nagtangkang dumagit sa batong hiyas na
nasa dibdib ni Florante. Sa kabutihang palad, nasagip siya ng pinsang
si Menalipo, isang mamamana mula sa Epiro. Sa edad na 11, ipinadala
si Florante ng kaniyang mga magulang - na sina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa ilalim ng kilalang guro na
si Antenor. Sa Atenas niya natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa bayan
ni Florante. Si Adolfo ang pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan nang mga
panahong iyon, subalit makaraan lamang ang anim na taon, nalampasan na
ni Florante ang mga kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni Adolfo.
Nagtamo ng katanyagan at pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa
ni Adolfo. Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan,
pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante. Sa kabutihang palad,
madaliang nakapamagitan si Menandro, ang kaibigan ni Florante. Dahil sa
pagkaunsiyami ng balak, umuwi si Adolfo sa Albanya. Pagkalipas ng isang
taon, nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng
balitang pumanaw na ang kaniyang inang si Prinsesa Floresca. Bagaman
namimighati, naghintay ng dalawang buwan bago nakabalik si Florante sa
Albanya. Sumama si Menandro kay Florante. Sa pagsapit nila sa Albanya,
isang kinatawan ng kaharian ng Krotona ang humiling ng pagtulong mula
kay Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban sa mga Persa (Persian).
Wala kakayahang tumanggi si Florante sapagkat lolo niya ang hari
ng Krotona. Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan si Florante sa
palasyo ng hari, kung saan nabighani siya sa pagkakakita kay Laura, ang
anak na babae ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya. Sa pagpapaunlak sa
hinihinging tulong ng Krotona, nakipagdigma si Florante laban sa heneral
ng Persiya na si Osmalik. Tumagal ang tunggali ng may limang oras.
Nagtagumpay si Florante sa pagpatay kay Heneral Osmalik. Namalagi sa
Croton si Florante ng limang buwan bago nagbalik sa Albanya para makita
si Laura. Nang magbalik na nga sa Albanya, nagulat si Florante nang
mapagmasdan ang watawat ng Persiya na nagwawagayway sa kaharian,
ngunit muli namang nagapi ni Florante ang mga kalabang Persa (Persian).
Nailigtas ni Florante sina Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura mula sa
mga kamay ni Emir. Muntikan nang mapatay ni Emir si Laura. Itinalagang
Tagapagtanggol ng Albanya si Florante dahil sa kaniyang naipakitang
kagitingan at katapangan, isang bagay na lubhang ikinamuhi at ikinaiinggit
ni Adolfo. Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian
ng Albanya mula sa puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan ni Heneral
Miramolin, isang kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap ang
labanan sa Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng isang liham mula sa
kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kayat naiwan sa
pangangalaga ni Menandro, ang kaibigan ni Florante, ang hukbong
pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis si Florante ng
30,000 mga kawal na sumusunod sa paguutos ni Adolfo. Nabilanggo
si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni Florante ang
kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo
ni Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno ng
akasya. Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig
kay Laura, nilahad rin niya ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at maging
ang kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya. Dahil sa mga ito,
ibig siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng ilang panahon ng paglalakbay sa
kagubatan, binanggit ni Aladin na isa palang Persa (Persian) ang
katotohanan na katulad rin ng kay Florante ang kaniyang kapalaran.
Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, ni iniwan
ni Aladin ang kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi mula sa
kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin. Ngunit
dahil sa pag-ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa hari na huwag nang
pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin na lamang mula sa kaharian.
Bilang kapalit, pumayag si Flerida na magpakasal sa sultan. Nagambala ang
paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig. Isang babae ang
nagkukuwento hinggil sa kaniyang pagtakas mula sa isang kaharian at sa
kaniya sanang pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang kaniyang minamahal
na kasintahan, isang paghahanap na tumagal ng may anim na taon. Sinabi
pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig siya ng mga iyak ng
paghingi ng tulong. Nang matagpuan niya ang isang babae na inaalipusta ng
isang lalaking ibig gumasa dito, ginamit ng naglalahad na babae ang
kaniyang pana para paslangin ang lumalabag sa puring lalaki. Nagpakilala
ang babae bilang si Flerida. Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida.
Nagumpisa siyang maglahad ng kaniyang kuwento. Nang malayo sa piling
niya ang kaniyang kasintahan, naging kaayaaya at bantog si Konde Adolfo sa
mga mamamayan ng Albanya, kahit na pulos kasinungalingan naman ang
ginagawa nito. Nagtagumpay si Adolfo na sirain ang hari sa mga mata ng
mamamayan. Naangkin at naupo sa trono ng Albanya si Adolfo, kung kayat
napilitang maging reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng
pamumuno ni Menandro, ang kaibigan mula sa pagkabata ni Florante, ang
naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay
si Laura bihag, patungo sa kagubatan. Matapos ang paglalahad ni Laura,
nagsibalik sina Florante at Aladin sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.
Nagbalik si Florante at Laura sa Albanya, kung saan naging hari at reyna sila.
Nagbalik naman sina Aladin at Flerida sa Persiya, kung saan naging sultan
si Aladin sapagkat namatay na ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at
matiwasay ang dalawang kaharian.
MGA TAUHAN

Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke


Briseo

Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante

Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persiya, isang moro na


nagligtas at tumulong kay Florante

Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan


Ali-Adab

Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura

Sultan Ali-Adab - sultan ng Persiya, ama ni Aladin

Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona

Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo

Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang


galit kay Florante

Konde Sileno - ama ni Adolfo

Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay


sanggol pa lamang mula sa isang buwitre

Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor;


nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.

Antenor - guro ni Florante sa Atenas

Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura

Heneral Osmalik - heneral ng Persiya na lumaban sa Crotona

Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya

Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persiya, nagbantay kay Flerida.


NOLI ME TANGERE
KASAYSAYAN
Unang nobela ni Rizal ang El Filibusterismo. Inilathala ito noong 26 taong
gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang
makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang
paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal
mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang
representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli,
ang wika ng mga edukado noong panahong yaon. Sinimulan ni Rizal ang
nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng
Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibez,
isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at
tagabasa. Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos
lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni
Gobernador-Heneral Terrero sa Malacaang at inabisuhang puno ng
subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan,napayapa ang liberal ng
Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa
kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal.
Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Litomice:
"Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol
rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon . . .
pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi
nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang
kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon
akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ... "
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me
Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina.
Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy
ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng
nobela. Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal
sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa
kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting
Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng
mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa
kamay ng mga Kastila. Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng
nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng
lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging
nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng
kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong. Ipinaliwanag
ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand
Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng
mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela. Ang
pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa
Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan
Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa
buhay ng isang tao.

KASAYSAYAN NG ELFILIBUSTERISMO
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887,
marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan
dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yaoy
nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay
kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi
ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa
pagpapalathala ng tinaguriang makamandag na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang
kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit. Sinimulan ni
Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.
Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng
kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para
sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala
pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng
mga pari, katulad ng pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit
sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp. Nilisan ni Rizal
ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib
ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga
pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng
gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na
ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay. Lahat ng mga punong
panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-
araw upang akoy ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat
ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa
mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong akoy naglalakad sa bundok
kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang
damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng
guwardiya sibil na marunong managalog. Inalok ako ng salapi ng akong mga
kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi
lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong
kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o
Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, akoy dali-daling
nagpaalam sa aking pamilya. Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang
suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga
Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming
kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang
mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito,
ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila
siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot
ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-
kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng
dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng
mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod ditoy dumanas si Rizal ng
suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang
liham na naipadala kay Jose Maria Basa: Akoy nanghihinawa na sa
paniniwala sa ating mga kababayan. Parang silay nagkakaisa upang maging
mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik,
nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng
isang buwan ay kalilimutan nang muli ako Naisanla ko na ang aking mga
alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga
pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking
aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A,
sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako
naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking
mga kababayan at ang lahat sa demonyoSa kabutihang palad, nang lahat
ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin
Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag
ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium.


Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina
Gomez,BurgosatZamora. Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng
ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan kung bakit ito ay
itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang
malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng
pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa,
pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp.
Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang
gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela. Masagisag at
malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman
hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi
maipagkakamali kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-
ibig. Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya
bilang nobelista.
MGA OBRA
MAESTRON
G FILIPINO

IPINASA NI :
Darleene G. Bugayong
BSE- Filipino IIIB
IPINASA KAY :
Prof.
Mangubat

Vous aimerez peut-être aussi