Vous êtes sur la page 1sur 3

PROJECT

IN
TLE
Submitted to: Mrs. Mary Grace J. Bero
Submitted by: April Mae Mellizas
Adelfa Osorio
Jesseil Tubio
Grade 9 Newton
Ang Kalakalang Panlabas ng Pilipinas

Upang maunawaan ang takbo ng kalakalang panlabas ng isang bansa ay sinusuri ang tinatawag nating
balance of payment (BOP),na siyang nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pang-ekonomiya
ng isang bansa. Ito rin ang nagpapakita ng talaan ng transaksiyon ng isang bansa sa ibat ibang bahagi
ng mundo. Samantala, ang balance of trade (BOT)naman ay makukuha sa pamamagitan ng pagbabawas
ng halaga ng kalakal na inaangkat (import) sa halaga ng kalakal na iniluluwas (export).

Kaugnay nito, sa paglipas ng panahon, patuloy na lumalawak ang pakikipagugnayan ng ating bansa sa
larangan ng kalakalan. Ayon sa June 2014 na ulat na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA)o
dating kilala bilang National Statistics Office (NSO), tumaas ng 21.3% ang kabuuang kita ng Pilipinas
mula sa pagluluwas (export) ng mga produkto. Batay sa June 2014 tayo ay kumita ng $5.444 bilyong
dolyar kumpara sa $4.490 bilyong dolyar na kinita ng bansa noong June 2013. Ang talahanayan sa ibaba
ay nagpapakita ng kabuuang datos tungkol sa ating pagluluwas (export).
June
2014 p 2013 r Merchandise Exports
Performance of the
TOTAL EXPORTS Philippines as of June 2014
FOB Value in Million
US Dollars 5,444.41 4,490.20 Ayon sa PSA, ang
Year-on-Year Growth itinuturong kadahilanan ng
21.3 4.1 pagtaas na ito ay dulot ng
(Percent) paglaki at pagbuti ng kita
Electronic Products ng bansa sa walong uri ng
FOB Value in Million 2,220.56 2,006.19 produktong iniluluwas. Ang
mga produktong
US Dollars 10.7 - 2.2 nagrehistro ng malaking
Year-on-Year Growth antas ng paglago ng kita sa
( Percent ) pagluluwas ay ang
machinery and transport
equipment, bananas (fresh), other mineral products, other manufactures, articles of apparel and clothing
accessories, ignition wiring set and other wiring sets used in vehicles, aircrafts and ships, at electronic
products and chemicals. Tanging ang cathodes and sections of cathodes at refined copper ang bumuo sa
sampung nangungunang produktong panluwas ng Pilipinas (Top 10 Exporting Products of the
Philippines). Subalit, ang dalawang huling nabanggit na produkto ay walang naitalang ulat noong Hunyo
2013 kung kayat hindi malaman ang naging growth rate nito. Ang talahanayan sa ibaba ang magpapakita
ng kompletong Top 10 Exporting Products of the Philippines as of June 2014.
Top 10 Philippine Export to All Countries: June 2014 p
( Year-on-Year Growth in Percent )
Gainers Losers
Woodcrafts and
Machinery & Transport Equipment 120.4 -9.9
Furniture
Bananas (Fresh) 98.9

Other Mineral Products 74.2


Other Manufactures 67.8

Articles of Apparel and Clothing


44.5
Accessories
Ignition Wiring Set and Other Wiring Sets
32.5
Used in Vehicles, Aircrafts and Ships

Electronic Products 10.7

Chemicals 0.1
Cathodes & Sections of Cathodes, of
a/
Refined Copper

p-preliminary, r-revised,a/ - growth rate not computed, with zero value in June 2013

Batay sa talahanayan, ayon sa PSA, ang electronics products ang siyang nangungunang produktong
panluwas ng Pilipinas na nagrehistro ng $2.221 bilyon. Ito ay bumuo sa 40.8% ng kabuuang kita ng
Pilipinas mula sa pagluluwas (export). Ito ay nagtala ng 10.7% na bahagdan mula sa kabuuang $2.006
bilyon noong June 2013.

Samantala, ang other manufactures ang pumangalawa na may pinakalamalaking kita noong June 2014.
Ito ay may kabuuang halagang $537.67 milyon na may pagtaas ng 67.8% mula sa dating $321.00 milyon
noong June 2013. Ang machinery and transport equipment, naman ang pumangatlo na nagtala ng 7.2%
sa kabuuang kita ng bansa. Ito ay may kabuuang halaga na $390.83 milyong dolyar at nakapagtala ng
120.4% kung ihahambing sa $177.37 milyong dolyar noong June 2013. Pumangapat naman ang other
mineral products na may kitang $321.31 milyon. Ito ay nagambag ng 5.9% sa kabuuang kita ng bansa at
nagtala ng 74.2% ng pagtaas mula sa $184.47 milyong dolyar noong June 2013. At ang woodcrafts and
furnitures ang siyang panglima na may kinita na $253.41 milyon o kabuuang ambag na 4.7% sa kita ng
pagluluwas ng bansa. Subalit, ito ay nagtala ng kabuuang -9.9% ng pagbaba kung ihahambing sa
nakaraang June 2013 na $281.12 milyon.

Vous aimerez peut-être aussi