Vous êtes sur la page 1sur 5

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

PANGALAN:____________________________________ PUNTOS: _______________

GURO: Bb. MYKA ANDREA P. GARCIA PETSA: _________________

I. Itiman ang kahon ng titik ng tamang sagot. Gumamit lamang ng lapis at


BAWAL ANG MAY BURA.

1. Ang bilang ng mga ingklitik sa wikang Filipino


a. 15 c. 17
b. 16 d. 18
2. Ang ________ ay may dalawang uri: MAKAPAG-IISA at DI-MAKAPAG-IISA
a. Parirala c. Sugnay
b. Pangungusap d. Pang-abay
3. Ito ay nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at pang-abay.
a. Pang-abay c. Pang-uri
b. Pangngalan d. Pandiwa
4. Ito ay naglalarawan at nagbibigay turing sa mga pangngalan at mga panghalip.
a. Panghalip c. Pang-uri
b. Pangngalan d. Pandiwa
5. Piliin ang OPINYON sa ibaba:
a. Maganda at guwapo ang nanay at tatay niya kaya maganda rin siya.
b. Ang Pilipinas ay may humigit kumulang na 7,000 mga isla.
c. Karamihan sa mga nababangungot ay mga kalalakihan.
d. Mas marami ang babaeng populasyon kumpara sa lalaking populasyon sa buong
mundo.

6. Piliin ang KATOTOHANAN sa ibaba:


a. Dahil ulila na si Danny kaya nagsisikap siya para sa sariling kapakanan.
b. Sa aking palagay mas bagay mo ang pula at hindi ang puti.
c. Nasa TOP 10 Worst Traffic in the World ang bansang Pilipinas.
d. Siguro tulog ka na kagabi kaya hindi ka na nag-text.
7. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang halimbawa ng DENOTASYON?
a. Sanggang-dikit sina Toto at Ben magsimula pa noong bata sila.
b. Malamig ang gabi noong nakaraang Pasko.
c. Huwag kang maghugas kamay sa iyong mga pagkakamali.
d. Talagang mababa ang loob ni Teresa sa mga taong maralita.
8. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang halimbawa ng KONOTASYON?
a. Makikitid ang mga utak ng mga tsismosa sa aming komunidad.
b. Umamin na siya sa kanyang nararamdaman para kay Eufracia.
c. Huwag kang maghuhugas ng kamay pagkatapos mo magplantsa.
d. Ang taas ng presyo ng mga bilihin ngayon.

9. Tumakbo ng napakabilis si Che-che ng makita ang mabangis na aso. Alin sa pangungusap


ang Pangngalang Pantangi?
a. aso c. Che-che
b. tumakbo d. makita
10. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang HINDI Pangngalang Pambalana:
a. Kapatid c. Adidas
b. Pintor d. Telepono
11. Pang-uring Pamilang na nagsasaad ng eksaktong bilang.
a. Pahalaga
b. Palansak
c. Patakda
d. Palayon
12. Alin sa mga sumusunod na mga bantas ang tutuldok?
a. . c. ;
b. d. :
13. Alin sa mga sumusunod na bantas ang ginagamit sa mga pangungusap na Pautos at
Pasalaysay?
a. . c. ;
b. d. :
14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI Uri ng Pang-abay?
a. Pang-ugnayan c. Panlunan
b. Pamanahon d. Panang-ayon
15. Bumalik siya agad para kunin ang naiwang mga gamit sa eskwela. Alin ang PANG-
ABAY sa pangungusap?
a.kunin c. para
b. agad d. siya
16. Bumalik siya agad para kunin ang naiwang mga gamit sa eskwela. Ano ang uri ng
PANG-ABAY sa pangungusap?
a. Pamaraan c. Panlunan
b. Pamanahon d. Panang-ayon
17. Ano ang Panghalip sa pangungusap na: Maraming tao ang nais ng pagbabago para
sa ating bansa.
a. nais c. tao
b. para d. ating
18. Punan ng wastong pang-angkop ang pangungusap na: Sila__ dalawa lamang ang
natira mula sa aming grupo na nakapagpatuloy sa karera.
a. -g c. na
b. nang d. -ng

19. Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil madalas ka nagsusugal. Ano ang ibig
sabihin ng Idiyoma na nakasalungguhit?
a. walang alam c. hindi sapat
b. mahirap d. walang pera

20. Bahag ang buntot ng binatang si Marlou dahil kumaripas ito ng takbo ng makita ang
putting tela sa may bintana. Ano ang ibig sabihin ng Idiyoma na nakasalungguhit?
a. maliit c. matapang
b. duwag d. maliit na salawal
21. Dapat ay bukal ang loob mo sa pagtulong sa kapwa. Ano ang ibig sabihin ng
Idiyoma na nakasalungguhit?
a. taos sa puso c. taas-noo
b. mainit ang dugo d. walang puso
22. Nakakita ako ng bahaghari pagkatapos ng malakas na ulan. Ano ang Pangngalang
Tambalan sa pangungusap
a. malakas na ulan c. pagkatapos
b. nakakita d. bahaghari
23. Ang lahat sa ibaba ay mga Uri ng Pangngalang Pambalana MALIBAN SA ISA:
a. Tambalan c. Walang Kasarian
b. Di-Tiyak d. Pambabae
24. Maayos na maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Ano ang PANG-ANGKOP sa
pangungusap?
a. ang c. na
b. ng d. ko
25. Ang SUGNAY NA PANG-ABAY ay may tatlong uri, alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa mga uri na binibigyang turing ng SUGNAY NA PANG-ABAY?
a. Pang-uri c. Panghalip
b. Pandiwa d. Pang-abay
26. Alin sa mga sumusunod ang HINDI URI ng Kaanyuan ng Pangngalan?
a. Pambalana c. Inuulit
b. Payak d. Tambalan
27. Matanda:Gabi :: Bata:_________
a. Hapon c. Tanghali
b. Madaling-araw d. Umaga
28. ___________:Singsing :: Leeg:Kwintas
a. Daliri c. Kamay
b. Kuko d. Paa
29. Narinig ni Joachim ang mga hikbi ng kanyang alagang asong si Solar kagabi. Ano ang
ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit?
a. tawa c. iyak
b. hika d. luha
30. Bulagsak sa pera ang aking kapatid kaya naman wala siyang naiipon. Ano ang ibig
sabihin ng salitang nakasalungguhit?
a. mapag-ipon c. matipid
b. magastos d. magulo

Vous aimerez peut-être aussi