Vous êtes sur la page 1sur 1

Ekonomiya, lumago ng 6.

8 porsiyento
January 27, 2017

Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6.6 porsiyento mula Oktubre hanggang Disyembre,
ang pinakamabagal sa loob ng isang taon, ngunit masigla pa rin ang full-year annual growth
sa 6.8%.

Sinabi ni Economic Planning Secretary Ernesto Pernia kahapon na nakatulong ang malakas
na domestic demand para mapunan ang mahinang agrikultura, mabagal na paggastos ng
pamahalaan at mga pag-aalinlangan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang 6.8% paglago sa gross domestic product (GDP) ay nasa high end ng target ng
administrasyon na 6.0% hanggang 7.0% paglago sa 2016.
Ads by Kiosked

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang pinakamabilis na growth rate sa
bansa mula 2013 nang maitala ang 7.1% paglago sa ekonomiya. Ang growth rate sa
nakalipas na pitong taon ay naglalaro sa 6.3%.

Ikinalugod ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang malakas na GDP at nagpahayag ng


kumpiyansang masusustenahan ito ng gobyerno.

Overall, we believe that the target of 6.5, 7.5 for 2017 is highly likely and that our strong
economic performance is likely to be sustainable in the long run, sabi ni Abella sa news
conference sa Palasyo.
(AP, Beth Camia at Genalyn D. Kabiling)

Vous aimerez peut-être aussi