Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
15. Ang salitang buti kapag nilagyan ng panlapi na ma- at inulit ay magiging mabuti-
buti na ang ibig sabihin ay _________.
a. magaling c. maayos
b. magaling-galing d. katamtamang ayos
16. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa _________.
a. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
b. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
c. kapani-paniwala ang wakas
d. may salamangka at mahika
32. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang Ang Aking Pag-ibig?
a. pag-ibig sa ama/ina
b. pag-ibig sa kapatid
c. pag-ibig sa kaibigan
d. pag-ibig sa kasintahan/asawa
Pero hindi nilikha ang tao para magapi, sabi niya. Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi
siya magagapi. Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang
masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at
malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kaniya. Siguroy hindi, sa loob-loob niya. Siguroy
mas armado lang ako.
-Ang Matanda at ang Dagat
33. Pero hindi nilikha ang tao para magapi, sabi niya. Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi
siya magagapi. Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig na _______.
a. hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay.
b. kung may dilim may liwanag ding masisilayan.
c. may pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin.
d. nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.
34. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa naturang pahayag?
a. mabait
b. maalalahanin
c. mapagpahalaga
d. mabuti
35. Huwag kang mag-isip, tanda, malakas niyang sabi. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin
ang anumang dumating. Ang pahayag ay nagpapakita ng uri ng tunggaliang,
a. tao vs tao
b. tao vs sarili
c. tao vs kalikasan
d. tao vs lipunan