Vous êtes sur la page 1sur 10

DZBC 91.

9 NEWS FM
NOBYEMBRE 22, 2013
PAHINA 1

STATION ID:

ANCHOR:DZBC, ISTASYONG LAGING BUSY. BUSY SA PAGHAHATID NG

MAKABULUHANG BALITA. BUSY SA PANGANGALAP NG

MAHAHALAGANG IMPORMASYON. AT BUSY SA PAG-AKSYON. 91.9 SA

INYONG MGA TALAPIHITAN.

ANCHOR 1: MAGANDANG GABI SA AMING MGA GINIGILIW NA TAGPAKINIG. MULI

NA NAMANG SUMASAHIMPAPAWID ANG INYONG MGA

TAGAPAGBALITA, MARC JUL ARELLANO

ANCHOR 2: AT PATRICK PINEDA PARA MAGHATID NG MGA SARIWANG BALITA.

PARA SA ULO NG MGA WALANG PATID NA BALITA:

MEDICAL SHIP NG CHINA PATUNGO NA NG PILIPINAS

ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL SUPORTADO NG SENADO

TATLUMPUT DALAWANG BANSA PASOK SA 2014 WORLD CUP

PINAY NAGWAGI SA MISS GRAND INTERNATIONAL PAGEANT

NAMUMUONG LPA NAMATAAN SA ZAMBO

DZBC 91.9 NEWS FM


NOBYEMBRE 22, 2013
PAHINA 2

ANG ORAS SA HUDYAT AY GANAP NA 25 MINUTO MAKALIPAS ANG IKA-

8 NG GABI. ANG ORAS SA HUDYAT AY HATID SA INYO NG SAFEGUARD,

BASTA SAFEGUARD LAGING BACTERIA ON GUARD.

INFOMERCIAL

ANAK: ITAY, ANG MGA PANANIM NATIN! NAPESTE!

ITAY: AH, NAPESTE PALA, AH! AY, BAT NAGKAGANOON?!

ITAY: KUMUHA KA NGA NG PESTICIDE DIYAN NA BINILI KO YUNG MADE IN

CHINA.

ANAK: ITAY, FYI! NAKAKASIRA YAN SA ATING KAPALIGIRAN AT HINDI MABUTI SA

ATING KALUSUGAN.

ITAY: AY PAANO NA IRE?

VOICE OVER: WAG NA KAYONG MAG-ALALA. MAY NAISIP AKONG BRIGHT

IDEA.ALAM NYO BA? ANG ANO? ALAM NYO BA? ANG ALIN? NA ANG ORGANIC

PESTICIDE AY MAGANDA.MAGANDA?TALAGA?OO NAMAN.

DZBC 91.9 NEWS FM


NOBYEMBRE 22, 2013
PAHINA 3

KASI ECO-FRIENDLY ITO AT SAFE NA SAFE SA ATING KALUSUGAN.

KAYA KAHIT MAY PERA O WALA, BATA O MATANDA, MAY NGIPIN O

WALA. GO LANG NG GO!

PAALALA MULA SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE AT NG HIMPILANG ITO.

DZBC 91.9 NEWS FM


CARLA MARIE GARCIA
NOBYEMBRE 22, 2013
PAHINA 4

ANCHOR 1: NAGBABALIK MULI ANG DZBC. PATUNGO NA NG BANSA ANG

MEDICAL SHIP NG CHINA, PARA SA KABUUAN NG BALITA, CARLA

MARIE GARCIA, IULAT MO.

MEDICAL SHIP NG TSINA PATUNGO NA NG PILIPINAS

PINADALA NA ANG HOSPITAL SHIP NG TSINA SA PILIPINAS KANINANG

TAGHALI UPANG TUMULONG SA RELIEF AND RECOVERY OPERATION SA MGA

LUGAR NA SINALANTA NG BAGYONG YOLANDA.

NABATID NA ANG PAG-DEPLOY NG TSINA SA NASABING BARKO AY

BUNSOD NG PRESSURE MULA SA INTERNATIONAL COMMUNITY NA BINATIKOS

ANG BEIJING SA BAGAL NG TULONG SA KATABING BANSA SA GITNA NG KRISIS.

INAASAHANG DARATING ITO NG BANSA SA LOOB NG TATLO HANGANG APAT NA

ARAW.

###

DZBC 91.9 NEWS FM


AIRA GRACE PELAEZ
NOBYEMBRE 22, 2013
PAHINA 5

ANCHOR 1: SALAMAT. NAGPAHAYAG NG SUPORTA ANG MGA SENADOR SA ANTI-

POLITICAL DYNASTY BILL, PARA SA KABUUAN NG BALITA, AIRA

GRACE PELAEZ, IULAT MO.

ANTI-POLITICAL BILL SUPORTADO NG SENADO

SINUPORTAHAN NG LIDERATO NG SENADO ANG ANTI-POLITICAL

DYNASTY BILL O ANG PANUKALANG BATAS NA MAGBABAWAL SA

MAGKAKAMAG-ANAK NA SABAYAN O SALIT-SALITANG TATAKBO O UUPO SA

LOCAL O NATIONAL NA POSISYON SA PAMAHALAAN.

AYON KAY SENATE PRESIDENT FRANKLIN DRILON, SUPORTADO NIYA

ANG PANUKALA LALOT WALA UMANO SIYANG KAMAG-ANAK SA GOBYERNO

KAYAT TINIYAK NITONG ISUSULONG ANG KOTROBERSYAL NA BILL.

SA NGAYON NASA COMMITTEE PA LAMANG ANG NATURANG PANUKALA

SA MATAAS NA KAPULUNGAN NG KONGRESO.

###

DZBC 91.9 NEWS FM


NOBYEMBRE 22, 2013
PAHINA 6

ANCHOR 2: SALAMAT. SUSUNOD:

TATLUMPUT DALAWANG BANSA PASOK SA 2014 WORLD CUP

IYAN AT IBA PA SA PAGBABALIK NG DZBC, 91.9 NEWS FM.

ANG ORAS SA HUDYAT AY GANAPNAIKA __________ NG

_____________. ANGORASSAHUDYAT AY HATID SAINYONGSAGIP

KAPAMILYA, TULONG NA, TABANG NA, TAYO NA.

INFOMERCIAL

ANAK:INAY, WALA NA PONG SINAING!

INAY:AH, GANUN BA? EH, TUMULOG KA NA LANG MUNA!

ANAK: PABABAYAAN NYO NA LANG BA AKO? GUTOM, NANGHIHINA? INAY,

MASISIKMURA NYO PO BA ANG GANITONG KALAGAYAN KO?

INAY: WOW! DRAMA MO, ANAK! PASOK KA NA SA AUDITION.

ANAK: NAY, NAMAN, EH!

INAY: SENSYA NA ANAK, HA? HAYAAN MO MAGAHAHANAP AKO NG TRABAHO.

PASALAMAT TAYO DAHIL MAY KINAKAIN PA TAYO AT KUMAKAIN PA NG

TATLO O HIGIT PANG BESES. MAGBAHAGI TAYO SA IBA AT TUMULONG NG

BUONG PUSO.PAALALA MULA SA DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND

DEVELOPMENT AT NG HIMPILANG ITO.

DZBC 91.9 NEWS FM


SAMUEL RODELAS
NOBYEMBRE 22, 2013
PAHINA 7

ANCHOR 1: NAGBABALIK MULI ANG DZBC. PUMASOK SA 2014 WORLD CUP ANG

TATLUMPUT DALAWANG BANSA,PARA SA KABUUAN NG

BALITASAMUEL RODELAS, IULAT MO.

TATLUMPUT DALAWANG BANSA PASOK SA 2014 WORLD CUP

ITINAKDA NA SA DARATING NA DISYEMBRE ANG GAGAWING DRAW SA

TATLONGPUT DALAWANG MGA BANSA NA NAGQUALIFY SA 2014 WORLD CUP

NA NAGAGANAP SA BRAZIL MULA JUNE 12 HANGGANG JULY 13, 2014.

ANG SPAIN ANG SIYANG KAMPEYON SA 2010 WORLD CUP TOURNAMENT

AT ITO NAMAN ANG UNANG FINAL APPEARANCE NG BANSANG BOSNIA AT

HEZEGOVINA SA TORNEYONG ITO, TINATAYANG AABOT SA 303 MILLION

TICKETS ANG IBEBENTA NA KARAMIHAN AY IDADAAN SA FIFA WEBSITE.

NARITO ANG BILANG NG MGA BANSA SA BAWAT KONTINENTE NA PASOK

SA 2014 WORLD CUP 14 MULA SA EUROPE, 4 MULA SA ASIA AT CONCAF, 6

BUHAT SA SOUTH AMERICA, 5 MULA SA AFRICA AT SAMANTALANG SA OCEANIA

AY WALANG NAKAPASOK.

DZBC 91.9 NEWS FM


AIRA GRACE PELAEZ
NOBYEMBRE 22, 2013
PAHINA 8

ANCHOR 2: SALAMAT. NANALO ANG PAMABATO NG PILIPINAS SA MISS GRAND

INTERNATIONAL PAGEANT, PARA SA KABUUAN NG BALITA, AIRA

GRACE PELAEZ, IULAT MO.

PINAY NAGWAGI SA MISS GRAND INTERNATIONAL PAGEANT

NASUNGKIT NG FILIPINA BEAUTYQUEEN NA SI ANNALI ALI FORBES ANG

IKATLONG KARANGALAN SA KAUNAUNAHANG MISS GRAND INTERNATIONAL

PAGEANT NA GINANAP SA BANGKOK THAILAND.

SA PAGKAPANALO NI FORBES, MARAMI ANG BUMATIKOS SA KANYA DAHIL SA

PAGGAMIT NIYA NG SALITANG DONATION SA QUESTION AND ANSWER

PORTION.

SI FORBES ANG NAKAPAGBIGAY NG IKAAPAT NA KARANGALAN SA

PILIPINAS NGAYONG TAON KASUNOD NG KAUNAUNAHANG MISS

SUPRANATIONAL TITTLE NI MUTYA JOHANNA DATUL,MISS WORLD TITTLE NI

MEGAN YOUNG AT THIRD RUNNER UP AWARD NI ARIELLAARAARIDA SA MISS

UNIVERSE.

###

DZBC 91.9 NEWS FM


BABY KAREN TARNATE
NOBYEMBRE 22, 2013
PAHINA 9

ANCHOR 2: SALAMAT. ALAMIN NAMAN NATIN ANG LAGAY NG PANAHON MULA

KAY BABY KAREN TARNATE.

NAMUUONG LPA, NAMATAAN SA ZAMBO

MAY NAMATAANG NAMUMUONG SAMA NG PANAHON SA KANLURANG

BAHAGI NG ZAMBO CITY NA MAY LAYONG DALAWANG DAAN AT APAT NA PUNG

KILOMETRO.

MALIIT ANG POSIBILIDAD NITO NA MAGING MALAKAS NA BAGYO DAHIL

PATUNGO NA ITO SA WEST PHILIPPINE SEA.

NGUNIT ASAHAN ANG PAG-ULAN SA MALAKING BAHAGI NG MINDANAO NA

MAAARING MAGDULOT NG PAGBAHA.

###

DZBC 91.9 NEWS FM


NOBYEMBRE 22, 2013
PAHINA 10

EDITORYAL PARTNER ANUNG MASASABI MO SA ANTI-POLITICAL DYNASTY?

CHRISTMAS COUNTDOWN 33 ARAW NA LAMANG AT PASKO NA. KAYA BILI NA

NG MAAGA PARA MAKAMURA!

ANCHOR 1&2: SUMASAINYO ANG MGA BALITANG AMING GINALUGAD SA AMING

MAS PINAIGTING, MAS PINALAKAS AT MAS EKSPLOSIBONG

PAGBABALITA. LAGING TUMUTOK, LAGING MAKINIG. ITO ANG DZBC,

ISTASYONG LAGING BUSY. 91.9 NEWS FM.