Our distinguished guest of honor and speaker, Education Program
Supervisor in MAPEH Miss Cristina Raza, Barangay and PTA officials, school heads from the different schools, our school principal, beloved parents, fellow graduates and friends, pleasant morning and good day. After 10 months of studies, 40 weeks of laughter, 200 days of struggles, 1,600 hours of challenges, 96,000 minutes of fun and excitement and 5, 760, 000 of memories that we shared together, here comes the time for us to leave the portals of our dear Alma Mater School. From a very long journey, we have come to an endpoint to unmount the pains and worries and to remount our learning and skills. Amazingly, we have finished the 4 years of great endeavor. However, I know that we will still face more than what we have experienced in our high school life. The trials and struggles we have had were not enough to say that we can already face life ahead with ease and facility, but our experiences and learning in this institution can help us surely to carry on our goals and ambitions. Hindi ko malilimutan ang mga masasayang sandali sa ating buhay bilang mag-aaral. Mga sandaling hinulma sa saya, lungkot, pag-ibig, lakas ng loob at pagkakaibigan. Mula sa pagiging tahimik, lumabas ang ibat ibang katangian ng bawat isa. Na minsan, ang pinakatahimik, pinakamaingay pala; ang pinakamabait, may pagkaloko din pala; na ang pinakamasayahin, madrama pala. Ibat iba talaga. Mula sa matagal na panahong pananatili ko sa paaralang ito, mahihinuha ko na naging kasiya-siya at kapaki-pakinabang ang bawat sandal sa aking buhay estudyante. Dito ko natutunan kung paano magsikap, makipagkapwa-tao, magpunyagi, mamuno, sumunod, maging matibay at maging mabuting ehemplo ng karunungan at kabutihang asal. Sa katunayan, ilang beses na akong nabigo, ngunit muling bumangon; ilang beses na rin akong natalo, ngunit hindi sumuko; at ilang beses na rin akong nadapa, natapilok, nasungingi at nasugatan pero patuloy na tumayo. Salamat na lamang sa mga young nurse at sa mga taong nandiyan sa aking likuran na patuloy akong sinusuportahan sa paglalakbay ko sa mga baitang ng buhay. Dito ko rin natutunan na walang taong perpekto. Kung nagkamali man, patawarin. Kung nakagawa man ng masama, patawarinpa rin. Sabi nga sa isang pelikula, Your history lives and breeds and you. Youre unique. Youre special. And thats what makes you strong. Fellow graduates, we will about to enter another chapter of studies, another page of struggles in order to become a worthy Filipino citizens-na may pusong hindi matitinag, dumating man ang bagyong Undoy, Pablo, o kahit pa si Yolanda. We have witnessed how calamities destroyed every little land of our country. Thousands of lives were wasted and many people suffered from hunger and deep tribulations after nothing but their breath remained. And how can we ever forget the damage brought by the earthquake in Bohol? Throughout their recovery from this disaster, they are standing still and holding on to their hearts rather than giving up their dreams. We have seen how the well-known Bayanihan was brought into life once more to help the country rise again and keep the sun shining above. Sooner or later, we will be the one to rule our country and lead the people to unity towards success. And when the time comes, may we bring the Filipinos core values to be our light in our way. Sa panahon ngayon, halos wala nang libre, maliban sa edukasyon sa mga pampublikong paaralan at syempre ang free FB ng TM at Globe. Sana katulad ng pagsulit natin sa unli-text at unli-call, ganoon din ang pagsulit natin sa edukasyon na pinaglalaanan ng tulong-tulong na pinansiyal at moral na suporta na pamahalaan at ng ating mga magulang. Ang edukasyon lamang ang makapagbibigay sa atin ng tatag, tibay at paninindigan upang mabuo ang isang mapayapa at progresibong bansa sa hinaharap. Hindi ba sa apat na taon natin ditto sa paaralang ito, umunlad tayo bilang isang indibidwal? Nabuo natin an gating pagkatao, natuto tayong mangarap nang mataas, natupad natin an gating mga tungkulin at mithiin, at naituwid natin an gating landasin. Sa likod ng kung sino tayo ngayon, pasalamatan natin nang lubos ang ating mga guro. Sila ang naging pangalawang magulang natin ditto sa paaralan. Inilaan nila ang kanilang talino,sipag, panahon at dedikasyon sa layuning mapatuto tayo at maiayos ang ating buhay. Hindi sila sumuko sa atin kahit na ang iba ay sumusuot sa tunnel, nagi-internet sa likod ng computer lab, ang ilan ay tumatalon sa gate ng school, nagka-cutting classes, nagbabasa ng e-book, o nagdo-DOTA man. Patuloy silang umagapay sa atin hanggang unti-unting marating natin ang pagtatapos na ito. Kaya naman masasabi kong hindi matatawaran ang kanilang pagtitiyaga sa atin upang maturuan tayo sa abot ng kanilang kakayanan. Gayundin, dapat nating pasalamatan ang ating mga magulang na walang humpay na sumuporta sa ating pag-aaral. Minsan, nakakaramdam tayo ng pagkastrikto o paghihigpit mula sa ating mga magulang na alam kong yung iba sa atin ay hindi nakakasama sa mga gawaing panlabas. Subalit ang paghihigpit na ito ay isang paraan ng pangangalaga sa atin ng ating mga magulang. Alam kong minsan, isusubo na lang nila ay ibinibigay pa sa atin; ipambibili na lang nila ng damit pero idadagdag pa sa baon natin. Anuman ang mangyari, alam kong abot- langit ang tuwa ng ating mga magulang ngayong natupad na ang pangarap nila na makaakyat tayo sa entablado dala ang bunga ng kanilang pagsasakripisyo na mapag-aral tayo. Nakita ko kung paano kaming apat na magkakapatid itinaguyod nina mama at papa. Na si papa, kahit nirarayuma, masakit ang katawan, masama man ang pakiramdam, patuloy siyang bumabyahe at namamasada. Pinagmamalaki ko siya dahil minamahal niya ang kanyang mga trabaho, hindi ba at pang-labing isang taon na niya sa pagiging PTA president ng paaralang ito at nagawa niya ang kanyang tungkulin ng buong puso? Nagpapasalamat din ako sa pagdidisiplina niya sa amin dahil kung hindi siya istrikto at walang paninindigan, hindi kami matututo ng mga gawain at hindi namin maaabot ang tagumpay. Ganun din si mama, kahit pagod sa eskwela, masakit ang iskmura, nahihirapan sa pagtuturo, hindi bumibitaw upang patuloy kaming suportahan at pasayahin. Yung pagiging guro niya ang nagtulak lalo sa akin upang mag-aral nang husto kahit masunog na ang kilay ko. Ayaw kong mapahiya sila ni papa. Kaya yung kasabihang mas mahirap turuan ng guro ang sariling anak kaysa sa kanyang mga mag-aaral, hindi ko yun pinaniniwalaan dahil patunay ang ina ko na nagtiyaga hanggang sa huli para matamo ko ang kung anumang mayroon ako ngayon. Proud ako na anak ako ng isang marangal na driver at teacher. Papa, mama, pasensya na po sa aking mga pagkukulang na minsan hindi ko na po nagagawa ang mga gawaing bahay dahil laging nakatutok sa mga outputs at projects ko sa school at hindi ko nagagawa nang buo yung tungkulin ko bilang isang anak at nag-iisang lalaki sa pamilya pero proud po akong sabihin na nakapagtapos na po ako ng pag-aaral at lahat po ng medalyang tatanggapin ko ngayon ay bunga ng pagsusumikap ninyong maitaguyod ako. Sa aking mga kapatid, salamat sa tuloy-tuloy na suporta at pagmamahal. Through thick and thin nandiyan kayo palagi, salamat nang marami. Sana until the end, tayo ay four-ever, two-gether. Solid six tayo ha? Kay Nanay Nelia at Tatay Isid, salamat po sa pagiging pangalawang magulang simula noong bata pa ako, sa paggabay, at sa pagmamahal sa akin na parang tunay niyong anak. At sa lahat po ng tumatawag sa aking totoy bunso at kuya marc, heto na po ako malaki na at malayo-layo na rin ang natahak. Nais ko pong pasalamatan kayo sa walang humpay na suporta at kahit minsan natatalo po ako sa mga laban ko salamat sa patuloy na pagsasabi sa akin na Kaya mo yan! Salamat po sa pagtitiwala. Kayo po ay bahaging lahat ng kakamtin kong mga karangalan ngayong araw na ito. Kapwa ko mag-aaral, utang natin ang ating tagumpay sa ating mga guro at magulang. Hindi man tayo lahat naging first honors at nakapagsalita dito sa unahan, alam kong champion pa rin tayong lahat sa puso ng ating mga magulang, pamilya at mga kaibigan. Gawin nating inspirasyon ang kanilang pagsusumikap upang labanan ang bawat hamon ng buhay at matamo ang ating mga pangarap. Alalahanin din natin ang sinabi ng ating panauhing pandangal. Taglayin natin ito sa ating mga isip at puso upang maging gabay sa mas maliwanag na bukas. Most importantly, let us thank our Almighty God the greatest provider and source of our lives. You are the greatest teacher. Thank You very much and mantle us from Your loving arms. Always send us Your holy spirit so that someday we will serve You by serving our countrymen. And to all of you who made us winners, thank you for sparing the precious moments with us. Co-graduates, congratulations! Hail everybody, may God bless us all at Mabuhay tayong lahat!