Vous êtes sur la page 1sur 1

Ipinanganak si Jose Protacio Rizal sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861.

Ang mga
magulang ni Rizal ay sina Don Francisco Mercado at Dona Teodoro Alonso. Sila ay
nangmula sa isang kilalang pamilya sa Binan. And naging asawa ni Rizal ay si Josephine
Bracken, isang mestisang Ingles mula sa HongKong.

Ginamit ang apelyidong Rizal ayon sa kautusan ng kastilang Gobernador Heneral


Narciso Claveria y Zaldua na naglayong isapamantayan ang talaan ng mga pangalan a
apelyido ng mga Pilipino.

Edukasyon

Si Rizal ay natuto ng alpabeto sa murang edad na tatlo, nakabasa ng bibliya sa gulang


na lima at natuto ng pagbasa, pagsusulat at panimulang saligang Latin mula sa
pribadong guro. Ipinagpatuloy ang pag aaral sa ilalim ng isang istriktong guro sa Binan
sa gulang na siyam.

Nag aral ng batsiler ng sining sa Ateneo Municipal de Manila, taong 1876 at nakakuha ng
markang sobresaliente. Kumuha ng kursong medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas
at ipininagpatuloy ang degree ng Medisina. Espesyalista sa mata at Pilosopiya sa
Unibersidad ng Madrid, Espanya, taong 1885. At nag aral ng pagkadalubhasa sa Paris,
Pransya a Heidelberg, Alemanya.

Buhay at Propespyon

Habang nasa Europa, patuloy sa pag tuligsa sa mga kalabisan ng mga kastila sa mga
Pilipino at humihingi ng pagbabagong pampulitika sa Pilipinas. Isa sa ginamit niyang
paraan ay ang pagsusulat ng nobelang Noli Me Tangere, inilathala sa Berlin noong 1887
at El Filibusterismo na ininprenta sa Ghent, Belgium noong 1891. Ang mga ilan pa sa
kanyang isinulat ay ang mga La Indolencia delos Filipinos (Ang Katamaran ng mga
Filipino), Estudios Sobre la Lengua Tagala (Mga Pag aaral sa Wikang Tagalog) at Filipinas
Dentro de Cien A0s (Ang Pilipinas sa loob ng Isang Milenyo).

Nag ambag ng isang artikulo sa La Solidaridad, ang pahayagan ng Kilusang Propaganda,


sa ilalim ng mga taguring Dimas Alang at Laong Laan. Itinatag ang La Liga Filipina, isang
samahang pansibiko na humihingi ng pagbabago sa Pilipinas noong ika-3 ng Hulyo 1892
sa Kalye Ilaya, Tondo, Maynila.

Ikinulong si Jose Rizal noong ika-7 ng Hulyo 1892 sa Fort Santiago sa bintang na
panunulsol at paghihimagsik sa pamahalaang kastila. Ipinatapon sa Dapitan noong ika-
15 ng Hulyo 1892 at doon nakilala at umibig sa kanyang asawa na si Josephine Bracken
subalit nagsilang ng isang patay na sanggol at pinangalanang Francisco.

Pinabalik sa Cuba kung saan nanilbihang doktor. Dagling pinabalik sa Maynila at piniit sa
Fort Santiago noong Agosto 1896. Nilitis noong ika 26 ng Disyembre 1896 sa Hukumang
Militar sa Espana. Napatunayang nagkasala ng panunulsol at paghihimagsik sa
pamahalaang kastila. Nahatulan ng kamatayan sa pakunwaring paglilitis.

Bago ang isasagawa sa kanyang pagpatay, isinulat niya ang obra maestrong tula, Mi
Ultimo Adios (Ang Aking Huling Paalam) sa piitan ng Fort Santiago. Noong ika 30 ng
Disyembre 1896 binaril sa Bagumbayan (ngayon ay Rizal Park). Mula sa libingan ng
Paco, inilipat ang kanyang labi sa bahay ng kanyang mga kapatid na babaeng sina
Josefa at Trinidad. At noong Disyembre taong 1912, inilibing ang unang kinapalooban ng
kanyan mga buto at ilang alaala sa kanyang monumento sa Rizal Park.

Vous aimerez peut-être aussi