Vous êtes sur la page 1sur 2

Republika ng Pilipinas }

Lungsod ng Olongapo }

SINUMPAANG SALAYSAY

AKO, si DARWIN CANTOJOS, nasa hustong gulang, may asawa at kasalukuyang


naninirahan sa Lyceum Compund, Upper Cubi, Subic Bay Freeport Zone, 2222, matapos
makapanumpa ng sang-ayon sa batas ay nagpapatunay at nagpapatibay na:

1. Si Carmela D. Pagaduan at Robert P. Fuessl kasama ng kanilang mga anak ay


nangngupahan sa Lyceum Compund, Upper Cubi.

2. Noong ika-6 ng Abril 2017, ako ay naka-duty sa Gate II sa Lyceum Compund, Upper Cubi.
Habang ako ang naka-duty, bandang ala-singko ng hapon, si Mr. Cecil Brown ay
nakasakay sa isang sasakyan kasama ang driver at isang lalaki. Sila ay nagtanong kung
maaaring silang pumasok sa loob ng compound at huminto sa saradong gate. Si Brown
ay nakaupo sa harapan katabi ng driver at ang ang lalaki ay nakaupo sa likuran ng
sasakyan.

3. Si Mr. Brown at ang kasama nyang dalawang lalaki na nagpakilalang bilang Reporter ay
hinahanap si Mr. Fuessl para sa isang interview. Sumagot ako na si Mr. Fuessl ay
umalis pati na rin si Ms. Carmela.

4. Nakilala ko si Mr. Brown simula noong nabanggit lamang sya sa akin ng aking ka-
trabaho. Simula ng insidenteng iyon ay pinayuhan na kami ni Ms. Carmela D. Pagaduan
na maging mas maingat at huwag pahintulutang makapasok si Mr. Brown sa loob ng
compound.

5. Tinanong nila ako kung maaari silang makapasok sa loob ng compund, at akoy
tumanggi. Sinabihan ko sila na kung gusto nilang makapasok sa loob kahit na walang
bibisitahin ay kailangan nilang humingi ng pahintulot sa may-ari ng Lyceum Compund,
Upper Cubi na si Mr. Borda. Sinubukan din nilang makakuha ng impormasyon tungkol
sa pamilya ni Mr. Fuessl; ilan sa mga tanong nya ay Are they making trouble? etc... Sila
ay nagusap-usap saglit at sinabing babalik nalang kinabukasan.

6. Napagalaman ko mula kay Ms. Carmela na may criminal pang kaso na nakasampa laban
kay Mr. Brown- na isang American citizen. Bukod sa balak nila Brown na makapasok sa
loob at magsama ng Reporter para sa isang interview ay hindi sila nag-iwan ng
phone number or calling card.

7. Makalipas ng sampong minuto ay dumating si Ms. Pagaduan pagtapos ng nasabing


insidente at nireport ko rin ito sa kanya. Si Ms. Pagaduan ay nabahala; Lalo nat si Mr.
Brown at ang umatake sa pamilya ni Mr. Fuessl ay iisa., i.e.: Nang masaktan ang kanilang
1-year old na anak na si baby Alexa nang gamitan ng Pepper Spray ni Mr. Brown noong
December 2016 at naakusahan si Mr. Brown ng Child Abuse.
BILANG PATOTOO, aking nilalagdaan ang salaysay na ito nayong ika ____________ ng
__________ ditto sa lungsod ng Olongapo.

____________________________
DARWIN CANTOJOS

NILAGDAAN at SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika _______ ng _________________ dito sa


Lungsod ng Olongapo. Inilahad sa akin ang pagkakakilanlan bilang ______________________
na iginawad sa ___________________at iginawad noong ________________.

Dok Blg. __________


Dahon Blg. ________ NOTARY PUBLIC
Aklat blg.__________
Serye 2017

Vous aimerez peut-être aussi