Vous êtes sur la page 1sur 1

Walang lugar ang euthanasia sa ating bansa.

Hindi natin kayang patayin ang mga mahal natin sa


buhay dahil lang sa gulay na sila at parang wala nang silbi. Kasi, IBA TAYO. Marunong tayong magmahal
at rumispeto sa kanila. Kahit nga patay na parang ayaw pa nating humiwalay sa kanila. Diba nga in
demand ang mga PILIPINO sa ibang bansa lalo na sa Europa, kung saan legal ang Euthanasia, na kunin
tayo para maging CAREGIVERS? Kasi para sa kanila, sa mga PILIPINO lang nila mararanasan ang kailangan
nilang pagmamahal at pag-aaruga.

Binababa ng euthanasia ang kahalagahan ng buhay ng isang tao. Kung ikaw ang pasyente maiisip
mo na pabigat ka lamang sa iyong pamilya. Dahil sa emosyonal, pinansyal at mental pressure ay
mapipilitan ka sumangayon sa na lamang sa euthanasia. Pero paano kung mali ang diagnosis ng doktor?
Paano kung gagaling pa ang pasyente? Paano kung maling treatment ang binigay sa pasyente?
Maraming factors and kailangan nating tingnan na magdudulot sa ganiton sitwasyon. Meron naman
tayong tinatawag na na palliative care, kung saan binibigyan ang pasyente ng pisikal, emosyonal,
at spiritual care. Kasama rin dito ang supporta ng pamilya at mga kaibigan. Sa tamang palliative care ay
maiiwasan at maari ito maging alternatibo ng euthanasia.

Kung ating mapapansin, talagang bihira lang sa mga humihiling ng mercy killing ang natutugunan
ang ang pisikal, emosyonal at espiritwal na pangangailangan ng isang pasyente. Ang mga palatandaan na
nag-uudyok sa kahilingan ng euthanasia ay maaaring patnubayan ng mga terapiya na ang prioridad ay
siguraduhing mabigyan ng sapat at magandang pangangalaga ang mga nangangailangan. Habang
kinikilala ang kahalagahn ng buhay ng isang tao, malinaw na naipakita ng kasaysayan na ang pagiging
legal ng euthanasia ay magdudulot ng panganib sa kabuuang lipunan. Ang mga pasyente ay maaaring
pagsamantalahan at abusuhin. Ang paghahanap para sa mahusay at magaling na lunas at terapiya ay
makokompormiso at kasunod na nito ang paghiling na isagawa na lamang ang mercy killing.

Lahat tayo ay may karapatang mabuhay kahit isa sa atin ay naghihirap at nalalapit na sa
kamatayan. Dapat nating tandaan na lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan. Antayin nalang natin
ang desisyon ng ating Maykapal. Hindi dapat natin patayin ang isang tao dahil sa awa kundi dapat nating
hayaan ang Diyos sa kung ano man ang plano Niya na nakatadhana sa bawat isa sa atin.

Ang kamatayan ay hindi ang sagot sa lahat ng mga paghihirap. Ang sagot sa paghihirap ay
pakikipaglaban sa buhay, ang subukang kayanin ang lahat ng pagsubok na ibinibigay sa atin, at tanggapin
ito bilang isang hamon. At ang hamon ng kamatayan ay maaari nating lampasan ang pigilan.

HUWAG TAYONG SUSUKO. KAILANGANG PROTEKTAHAN NATIN ANG PINAKAMAHALAGANG


BAGAY NA MERON TAYO: ANG ATING BUHAY.

Vous aimerez peut-être aussi