Vous êtes sur la page 1sur 3

Ang Entreprenyur ay ang may-ari o ang namamahala ng isang negosyo kung

saan ang paraan upang kumita siya ay sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran ng may


pagkukusa.

Uri ng Entrepreneur

Social Entrepreneur Ang entreprenur na ito ay may mahigpit na pagnanais na


mabago at mapaganda pa ang lipunan, kapaligiran, edukasyon at ekonomiya. Hindi
siya papayag na hanggang ganun na lamang ang estado ng buhay. Mas
ninanais niya ang pagbabago at pagpapataas ng antas ng ekonomiya kaysa sa
sariling kapakinabangan.

Serial Entrepreneur Ang entrepreneur na ito ay ang uri na laging may


bagong ideya patungkol sa negosyo. Sila ang mga uri na malapit sa pagkabigo,
pagbabago at pagtatagumpay. Mas mataas ang posibilidad nilang magtagumpay dahil sa
dami ng kanilang karanasan at kaalaman. Mas gusto nilang makipagsapalaran at
makabawi sa pagbagsak.

Lifestyle Entrepreneur Sila ang mga uri na


nagnenegosyo upang mapunan ang kanilang personal na interes kaysa kumita. Gusto
nilang payabungin pa ang kaalaman sa kahilang ninanais gawin sa pamamagitan ng
pagpili ng negosyong base sa hilig nila.

Related Topics

Uri ng mga Negosyo

-Ano ba ang Pagnenegosyo?

Ipinaskil sa Uncategorized

Mag-iwan ng puna
Mga kataga Business, Business in the Philippines, Entrepreneur, Entreprenyur, Filipino
Entrepreneur, Filipino Entreprenyur, Philippines Business, Pinoy Entrepreneur

Ano ba ang Negosyo at Pagnenegosyo?


Dec 2

Posted by baguhangrakista

Ang Pagnenegosyo ay isang organisasyon kaugnay ng pakikipagpalitan ng produkto at


serbisyo sa mga consumers. Ang pagnenegosyo ang pangunahing pinanggagalingan ng kita ng
mga mamamayan na kung saan halos lahat ng mga negosyo ay pagmamay-ari ng pribadong
sector.

Mayroong dalawang klase ng Pagnenegosyo. Una ay ang pagnenegosyo dahil sa


kapakinabangan kung saan nagnenegosyo sila upang kumita, at ang pangalawa naman ay
ang pagnenegosyong hindi dahil sa pakinabang. Maaring ang dahilan ay makatulong o
maari din upang hindi magbayad ng tax. Halimbawa nito ay ang Red Cross.

Ang mga karaniwang anyo ng pagnenegosyo ay ang mga sumusunod:

1. Sole Proprietorship Ang negosyo ay pagmamay-ari lamang ng iisang tao. e.g.


personal blog.

2. Partnership Ang negosyo ay pagmamay-ari ng dalawa o higit pang katao na


pantay pantay ang karapatan at responsibilidad.

3. Korporasyon Ang negosyo ay pagmamay-ari ng dalawa o higit pang katao ngunit hindi
pantay pantay ang karapatan at responsibilidad. Mayroong pwedeng magdesisyon at
mayroong hindi maaring magbigay ng desisyon na miyembro.

4. Kooperatiba Ang negosyong ito ay naiba sa korporasyon sa pamamagitan ng


karapatang magdesisyon lahat ng miyembro.
Ibat Ibang Uri ng Negosyo

Financial Business
Manufacturing
Real estate Business
Retailers and Distributors
Service Business
Transportation Business
Utilities
Information Business
Agriculture and Mining

Para sa mga OFW at mga pinoy expat na gustong magnegosyo sa pinas, pwedeng pwede kayong
pumili na kahit anong uri ng negosyo jan.. depende sa specialty mo at mga karunungan sa
papasukang negosyo.

Vous aimerez peut-être aussi