Vous êtes sur la page 1sur 64

MODYUL 2: LIPUNANG

PAMPOLITIKA, PRINSIPYO NG
SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO
NG PAGKAKAISA

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na:


1. Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultura at pangkapayapaan?
2. Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa?
May isang bus na bumibiyahe galing Baguio patungong
Maynila. Ito ay naglalaman ng humigit kumulang na
apatnapung pasahero. Mayroon silang iisang tunguhin: ang
makarating sa Maynila. May iisa silang paraan upang
makarating sa paroroonan ang bus. Sila ay may
ugnayang ginagawa tulad ng simpleng kuwentuhan
tuwing hihinto ang bus para sa pagtugon sa mga
pangunahing pangangailangan ng bawat pasahero. May
mga batas silang sinusunod upang huwag mapahamak
habang naglalakbay at alituntunin katulad ng dapat ay
may tiket ka upang makasakay. Nagbabayad ang lahat
para sa gastusin ng sasakyan at suweldo ng driver at
konduktor
PAGPAPALALIM
Lipunang Pampolitika, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa
(Solidarity)

Sa isang mahiwagang paraan, nagsasama-sama ang mga


magkakatulad. Maaaring magkakatulad ng interes, ng hilig, o
ng mga pangarap. Maaaring magkakatulad ng
pananampalataya o ng pilosopiya sa buhay
PAGPAPALALIM

Isang malaking barkada


Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan.
Pinagsama-sama sila, una na, ng kanilang kinatatayuang
lugar. Halimbawa, Barangay Katapatan! Doon sila nakatira
at dooy sama-sama silang bumubuo ng mga sistema kung
paano haharapin ang mga hamon sa buhay. May mga
kuwento silang pinagdadaanan. May kuwento silang
binubuo
Ang kuwentong nililikha nila at ang mga pagkilos upang
ingatan at paunlarin ang kanilang pamayanan ay kilos ng
pagbuo ng kultura. Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi
ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon, nakasanayan,
mga Pamamaraan ng pagpapasya, at mga hangarin na
kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.
PAGPAPALALIM

LIPUNANG PAMPOLITIKA
Habang lumalaki ang mga grupo, nagiging
mas mahirap na pakinggan ang lahat at panatilihin
ang dating nakukuha lamang sa bigayan at
pasensiyahan.
Ito ang kinakaharap ng lipunan ang
makagawa at maging produktibo sa harap ng
maraming mga kulturang ito. Maging isa pa rin ang
direksyon ng bayan sa dami ng mga tinig at lugar
na gustong tunguhan ng mga tao.
PAGPAPALALIM

Pampolitika ang tawag sa paraan ng pagsasaayos


ng lipunan upang masiguro na ang mga bawat isa
ay malayang magkaroon ng maayos na
pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay
ang kabutihang panlahat. Ang pamahalaan ang
nangunguna sa gawaing ito
PAGPAPALALIM
Tungkulin ng pamahalaan na :
1. Isatitik sa batas ang mga pagpapahalaga at adhikain ng
mga mamamayan.
2. Magtatatag ang pamahalaan ng mga estruktura na
maninigurong nakakamit ng mga tao ang kanilang batayang
pangangailangan.
3. Mag-iipon, mag-iingat, at magbabahagi ng yaman ang
pamahalaan sa pamamagitan ng pagbubuwis at
pagbibigay-serbisyo.
4. Sa ugnayang pang- mundo, ang pamahalaan ang
mukha ng estado sa internasyonal na larangan.
5. Ang pamahalaan ang magpapatupad ng batas upang
matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad at
kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan sa pagiging
produktibo ng lipunan
1. Anu-ano ang isinaalang-alang mo sa nabuo mong pasya?
2. Masaya ka ba sa naging pasya mo? Bakit?
3. Ano ang mahalagang salik na makatutulong sa tagumpay ng
iyong mga gagawin?
4. Batay dito , paano mo bibigyang kahulugan ang Principle of
Solidarity?
______
______

_______
_______

________
________

. ____________
. _____________
_______
_______
_______

______

______
PAGPAPALALIM

Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala


Sa laki ng tungkulin at kapangyarihan ng
pamahalaan, may tukso na tingnan ang pamahalaan
bilang nasa itaas ng mga tao. Palibhasa nasa kamay ng
mga namumuno ang kapangyarihan na bigyang-
direksyon ang kasaysayan at kinabukasan ng estado,
itinuturing kung minsan ng mga tao ang kanilang mga
sarili bilang sakop lamang ng pamahalaan. Totoo ito
ngunit kailangang idiin at ulit-ulitin na ang pamamahala
ay kaloob ng mga tao sa kapwa nila tao dahil sa
nakikita nilang husay at galing ng mga ito sa
pamumuno at pangangasiwa
PAGPAPALALIM

Isang pagpapabaya ang isipin na ang mga


lider na lamang ang dapat magpatakbo ng lipunan,
na ilagak na lamang sa kanilang mga kamay ang
kasalukuyan at kinabukasan nating lahat dahil sa
pagtitiwalang magaling sila.
Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan.
Kailangan pa ring makilahok ng taumbayan, gawin
ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang
bunga ng paggawa sa bayan. Maaaring mahusay na
pinuno ito, ngunit kailangan niya ng katuwang
upang maisagawa ang malalaki niyang proyekto.
PAGPAPALALIM

Kayat hindi mula sa itaas patungo sa


baba ang prinsipyo ng mahusay na
pamamahala. Kailangan ang pakikipagtulungan
ng nasa itaas sa mga nasa ibaba. Ang
gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga
pinamumunuan at ang pinamumunuan naman ay
susumunod din sa kanilang pinuno. Gabay sa
ugnayang ito ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa (Solidarity) na pangunahing kondisyon
upang maging maayos ang lipunan.
PAGPAPALALIM

Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng pamahalaan


ang mga mamamayan na magawa nila ang
makapagpapaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na walang
hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga
pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng
kanilang buwis, lakas at talino. Hindi panghihimasukan
ng mga lider ng pamahalaan kung paano mapauunlad ng
mga mamamayan ang kanilang sarili.
PAGPAPALALIM

Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga


mamamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang
magtayo ng mga akmang estruktura upang
makapagtulungan ang mga mamamayan. Mailalagay sa
ganitong balangkas ang Prinsipyo ng Pagkakaisa: May
kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag-isa,
tungkulin ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya
ko. Ako naman ay may kailangang gawin nang mag-isa,
tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng
makakaya mo. Tungkulin nating magtulungan tungo sa
pag-unlad ng ating lipunan
Ang prinsipyo ng solidarity ang mag-aakay sa estado upang
itaguyod angkabutihang panlahat kahit na kung minsan ay
maisakripisyo ang kapakinabangan ng ilang Indibidwal.
Ang prinsipyo ng subsidiarity ang mag-aakay sa estado na
igalang at pangalagaan ang mga likas na karapatan ng
bawat indibidwal at ng pamilya na naaayon sa kabutihang
panlahat
PAGPAPALALIM

Ang lipunang pampolitika ay isang ugnayang


naka-angkla sa pananagutan- ang pananagutan ng
pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng
pamayanan. Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan
ang tiwala na pangunahan ang grupo Kasama nito ang
pananagutan ng mga kasapi sa lipunan na maging
mabuting kasapi sa lipunan.
Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng
pinuno. Gawa ito ng pag-aambag ng talino at lakas ng
mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan
PAGPAPALALIM

Marahil may magtatanong kung bakit pa siya makikilahok


kung sa hulit huli ay ang mayorya naman ang masusunod.
Sasabihin niya, "Hindi rin naman mahalagang magsalita pa. Nag-iisa
lang naman ako. Ang masusunod naman ay ang marami."
Kailangan pa ring magsalita kahit isang mumunting tinig
lamang ang sa iyo. Hindi mabubuo ang marami kung wala ang iilan.
Sa kabila ng dunong ng pinuno at ng mayorya, kung minsan, mula sa
isang salungat na opinyon isinisilang ang pinakamahusay na
karunungan.
Si Ninoy ay isang tinig lamang na nagpasimula ng
pagsasalita ng marami pang ibang sinisikil ng diktadurang Marcos. Si
Martin Luther King ay isang tinig lamang ng mga African-American
na sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat. Si Malala
Yousafzai ay isang tinig ng musmos na naninindigan para sa
karapatan ng mga kababaihan na makapag-aral sa Pakistan sa kabila
ng pagtatangka sa kaniyang buhay.
Hindi mabubuo ang walis-tingting kung wala ang isang
tangkay.
PAGPAPALALIM

Maaaring tututol pang muli ang nawalan na ng loob. Kaniyang


sasabihin: "Matagal na akong tumutulong sa pamahalaan. Tapat ako
sa pagbabayad ng buwis. Naglilingkod ako nang wagas sa bayan. Ang
lahat ng paghihirap ko ay inuubos lamang ng mga kurap sa
pamahalaan." Lalong higit tuloy ngayon kailangang gumising at
magbantay.
Sa harap ng garapal at talamak na kurapsyon, kailangang
maging mas maingat ang taumbayan sa pagbibigay ng tiwala. Ang
pagtitiwala ay ipinagkakaloob at maaari ring bawiin. Hindi utang na
loob ng taumbayan sa mga pinuno ng pamahalaan ang kanilang
paglilingkod." Baliktad ito: ang kapangyarihan ay ipinagkatiwala
lamang sa mga namumuno. Ang bayan ay ipinagkatiwala lamang sa
mga namumuno. Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang na
hiwalay sa kasaysayan ng tao at ng bayan. Nangunguna lamang sila
sa grupo, hindi nasa itaas ng iba. Bahagi pa rin sila sa kuwento at
kinabukasan ng bayan. Utang na loob nila sa taumbayan na
ipinaubaya sa kanila ang pangunguna sa hangarin ng bayan.
PAGPAPALALIM

Sa Lipunang Pampolitika ang ideal ay mabigyang


prayoridad at pagpapahalaga ang mga ugnayan sa loob
nito. Hindi ang mga personalidad ang mahalaga. Ang
mahalaga ay ang kabutihang panlahat, ang pag-unlad ng
bawat isa. Ang modelo ay ang relasyon ng
magkakabarkada. Walang "boss" sa barkada. Hindi ang
pinuno, hindi ang mas marami, hindi rin naman ang iilan.
PAGPAPALALIM

Ngunit nakasukob sila sa kaisa-isang kabutihang


panlahat na nakikita at natutupad sa kanilang pag-uusap at
pagtutulungan. Ang Lipunang Pampolitika ay ang
proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at
pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na
matupad ang layuning ito. Ang tunay na boss ay ang
kabutihang panlahatang pag-iingat sa ugnayang
pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng
lipunan.
PAGKALUGMOK
TAGUMPAY AT INTERES AT KAHIRAPAN
PAG-UNLAD
PAGKAKAISA
PAKIKIPAGKAPWA TAO
MATATAG NA SAMAHAN
PAGIGING RESPONSABLE

SUBSIDIARITY
SOLIDARITY

MABUTING PAMAYANAN
1. Saan inihambing ang isang pamayanan?
a) Pamilya
b) Organisasyon
c) Barkadahan
d) Magkasintahan

2. Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na ito.


a) Mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b) Mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c) Sabay na kilos ng namumuno at mamamayan
d) Mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan
3. Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang
nabubuong kasaysayan ng pamayanan.
a) Mga Batas
b) Mamamayan
c) Kabataan
d) Pinuno

4. Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay


a) Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
b) Angking talino at kakayahan
c) Pagkapanalo sa halalan
d) Kakayahang gumawa ng batas
5. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan
dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay
ng balat.
a) Ninoy Aquino
b) Malala Yuosafzai
c) Martin Luther King
d) Nelson Mandela

6. Ang tunay na boss sa isang lipunang pampolitika ay


ang
a) mamamayan
b) b) pangulo
c) Kabutihang panlahat
d) halal ng bayan
7. Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang
panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan
upang higit na matupad ang layuning ito
a) Lipunang Pulitikal
b) Pamayanan
c) Komunidad
d) Pamilya
8. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity,
maliban sa
a) pagsasapribado ng mga gasolinahan
b) b) pagsisingil ng buwis
c) pagbibigay daan sa Public Bidding
d) pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

9. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Solidarity,


maliban sa
a) sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
b) pagkakaroon ng kaalitan
c) bayanihan at kapit-bahayan
d) pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
10.
1. Saan inihambing ang isang pamayanan?
a) Pamilya
b) Organisasyon
c) Barkadahan
d) Magkasintahan

2. Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na ito.


a) Mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b) Mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c) Sabay na kilos ng namumuno at mamamayan
d) Mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan
3. Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang
nabubuong kasaysayan ng pamayanan.
a) Mga Batas
b) Mamamayan
c) Kabataan
d) Pinuno

4. Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay


a) Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
b) Angking talino at kakayahan
c) Pagkapanalo sa halalan
d) Kakayahang gumawa ng batas
5. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan
dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay
ng balat.
a) Ninoy Aquino
b) Malala Yuosafzai
c) Martin Luther King
d) Nelson Mandela

6. Ang tunay na boss sa isang lipunang pampolitika ay


ang
a) mamamayan
b) pangulo
c) Kabutihang panglahat
d) halal ng bayan
7. Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang
panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan
upang higit na matupad ang layuning ito
a) Lipunang Pulitikal
b) Pamayanan
c) Komunidad
d) Pamilya
Paghingi ng tulong sapamahalaan
8. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity,
maliban sa
a) pagsasapribado ng mga gasolinahan
b) pagsisingil ng buwis
c) pagbibigay daan sa Public Bidding
d) pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

9. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Solidarity,


maliban sa
a) sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
b) Paghingi ng tulong sapamahalaan
c) bayanihan at kapit-bahayan
d) pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
10.
Group 1: Magsaliksik o magtanung sa mga barangay
ng kanilang programang ipinapatupad sa kanilang
nasasakupan.
Programa ng Layunin Mga sakop ng Naobserbahang
baranggay programa resulta
GROUP 2 :Panoorin ang GMA News TV Special na
Bayan Ko. Maaari itong mapanood sa youtube sa
mga sumusunod na url:

EKSENA PANGYAYARI EPEKTO NG REAKSYON


PANGYAYARI SA
KWENTO
UNANG EKSENA

IKALAWANG EKSENA

IKATLONG EKSENA
GROUP 3
Bumuo ng isang munting Project proposal na
makakatulong sa inyong Bgy. Pumili ng programang sa
palagay mo ay kailngan ng inyong Bgy.
PANGALAN NG PROYEKTO:
ANYO NG PROYEKTO:
LAYUNIN NG PROYEKTO:
PANAHON:
SAKOP NG PROGRAMA
INAASAHANG RESULTA
BUDGET:
PAMAMARAAN:
1.
2.
3.
GROUP 4: Magsaliksik sa Internet ng mga larawan na
nagpapakita ng ibat-ibang proyekto ng pamahalaan.
Talakayin ang background nito at ang response ng
mamamayan dito.
GROUP 5 Tanungin ang mga kaklase ukol sa kanilang
pangarap o balak na propesyon o hanap-buhay balang
araw.Tanungin sila kung papaano sila makakatulong sa
bayan o pamayanan kapag natupad na nila ito.
PANGALAN PROPESYON / HANAP PAANO MAKAKATULONG
BUHAY SA PAMAYANAN

Vous aimerez peut-être aussi