Vous êtes sur la page 1sur 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Lipa City

Lipa City National High School


Unang Markahang Pagsusulit
Araling Panlipunan 8

Pangalan: ______________________________ Iskor: ___________________


Antas/ Pangkat: ________________________ Guro: ___________________

I. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot na
hinihingi ng bawat pangungusap.

__________________1. Saklaw nito ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi at pangkat-etniko sa ibat ibang bahagi
ng daigdig.
__________________2. Isa ito sa tema ng heograpiya na tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.
__________________3. Tinatawag itong pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
__________________4. Ang itinuturing na pinakamalaking kontinente ayon sa sukat at populasyon sa buong
Daigdig.
__________________5.Ito ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan
ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, at may sistema ng pagsulat.
__________________6. Ito ang kabihasnang nabuo sa pagitan ng dalawang ilog.
__________________7. Ito ang panahon sa kasaysayan ng daigdig kung kailan naganap ang rebolusyong
agricultural o sistematikong pagtatanim.
__________________8. Ang kabihasnang kinilala sa pagkakaroon ng unang urban planning o pagpaplanong
panlungsod.
__________________9. Ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao.
_________________10. Tawag sa tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kanyang
asawa at kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World.

II. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang.

_______11. Bakit mahalaga ang wika sa kultura ng tao?


A. Ito ang batayan ng mga relihiyon ng tao.
B. Ito lamang ang batayan ng kultura ng tao.
C. Ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan ng mga tao.
D. Ito ang pinakamahalagang element ng kultura ng tao.
_______12. Ano ang isang patunay na kapaki pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang
kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga
estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass at imprentang naiumbento ng mga sinaunang Tsino
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
_______13. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na sitwasyong nagpapakita ng kahalagahan ng metal sa mga tao sa
kasalukuyan?
A. Malaki ang kinikita ng mga bansa sa pagbebenta ng mga metal.
B. Lahat ng mga kagamitan ng mga tao sa kasalukuyan ay gawa sa mga metal
C. Ang mga metal ang naging dahilan para lumago ang sektor ng kalakalan ng mga bansa
D. Ang mga metal ang ginagamit sa pagpapatayo ng mga imprastraktura tulad ng gusali.
_______14. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng
heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine
Sea.
_______15. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng ibat ibang relihiyon sa kabila ng
pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala?
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.
_______16. Ano ang isang patunay na nagpapatuloy pa rin ang pag-unlad ng tao mula noon hanggang ngayon
batay sa aspektong pangkabuhayan?
A. Mula sa paggamit ng magagaspang na bato, naging makabago ang mga kasangkapan ng tao mula sa kasalukuyan.
B. Mula sa pagiging nomadiko, nakapagtatag ang mga makabagong tao ng mataas na antas ng kultura.
C. Mula sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop, nakinabang ang mga sinaunang tao dahil napabuti ang kanilang
Kabuhayan.
D. Mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa limitadong lugar, naging pandaigdigan ang transaksiyon sa
pagkuha ng mga pangangailangan at sa hanapbuhay.

_______17. Kung kabilang ka sa pangkat ng mga sinaunang nomadiko na nakarating sa Egypt, ano ang magiging
dahilan mo kung bakit nais mong manatili sa nasabing rehiyon?
A. Ang nagtataasang hanay ng mga bundok ng Egypt ang magliligtas sa akin sa mababangis na hayop.
B. Mas nanaisin kong manirahan sa rehiyong Mesopotamia o sa lambak-ilog ng Indus dahil sa yamang tubig na
nagmumula sa mga ilog nito.
C. Ang mga lupain sa tabi ng ilog nito ang mainam na lugar sa pagsasaka dahil sa pagkakaroon ng tubig para sa mga
pananim.
D. Napaliligiran ng mga disyerto ang Egypt kung saan sumibol ang ibat ibang uri ng halamang nagdudulot ng maunlad
na kabuhayan.
_______18. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayn?
A. Napaliligiran a ang kabihasnang Indus ng mga hanay bundok, disyerto at karagatan
B. Karaniwan sa mga umunlad na sinaunang kabihasnan sa daigdig ay nanirahan sa matatabang lupaing mainam sa
pagsasaka.
C. May politeisting relihyon ang mga unang Sumerian at Egyptian dahil sa kanilang pagsamba sa maraming diyos at
diyosa.
D. Nakipagkasundo si Ramses II ng Egypt sa pinuno ng mga Hittite na nagbigay daan sa pagkakaroon ng kauna-
unahang nasusulat na kasunduan sa daigdig.

_______19. Ano ang mahalagang aral na iyong natutuhan sa pamumuhay ng mga katutubo sa sinaunang kabihasnan
sa Mesoamerica?
A. Matatagpuan ang mga sinaunang pamayanan ng Mesoamerica sa malaking bahagi ng kasalukuyang Mexico
B. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga taga- Mesoamerica dahil sa sistematikong paraan ng pagsasaka at
pakikipagkalakalan.
C. Nararapat na makapamuhay ang tao ayon sa kanyang kapaligiran at sa kakayahan niyang alagaan at linangin ang
taglay nitong yamang likas.
D. Muling ibalik ang kadakilaan ng sinaunang kabihasnang Mesoamerica sa pamamagitan ng muling pagtangkilik sa
naging paraan ng kanilang pamumuhay
_______20. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kabutihang dulot ng kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan
sa kasalukuyan?
A. Nagsilbing proteksyon ang Great Wall of China sa mga dayuhang nagnais sakupin ang Imperyong Tsino.
B. Ang cuneiform, ziggurat at Hanging Gardens of Babylon ay ilan sa mahahalagang pamana ng kabihasnang
Mesopotamia sa daigdig.
C. Maraming tirahan at gusali ang may maayos na daluyan ng maruming tubig dahil sa sistemang sewerage na
nagmula sa kabihasnang Indus.
D. Misteryoso pa rin sa mga kasalukuyang arkitekto at inhinyero kung paano nagging matibay ang pagkakagawa ng
Great Pyramid sa Egypt.

III. Panuto: Paghambing hambingin ang mga salitang nasa Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.
A B
_____21. Pinagmulan ng tao A. Ziggurat

_____22. Nangangahulugan ng mamamayan B. Ksatriya

_____23. Pinakamainit na bahagi ng mundo C. Khyber Pass

_____24. Tahanan o templo ng mga patron o diyos D. Ape

_____25. Lagusan o daanan sa kabundukan E. Taoism

_____26. Tinatawag na mga mandirigma F. Cuneiform

_____27. Isang pamayanang sakahan G. Core

_____28. Sistema ng pagsulat ng Sumer H. Etniko

_____29. Hangad ay pakikiayon ng tao sa kalikasan I. Catal Huyuk

_____30. Rehiyon kung saan malimit ang paglindol at J. Pacific Ring of Fire
pagputok ng bulkan
IV. Panuto: Bigyang kahulugan ang sumusunod na salita.

31. Heograpiya _____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

32. Heograpiyang Pantao ______________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

33. Kabihasnan ______________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

34. Mesopotamia_____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

35. Rebolusyong Agrikultural ___________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

V. Panuto: Batay sa natutuhan mo tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang


kabihasnan ng daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat. Isaalang alang ang mga sumusunod
na hakbang sa gawaing ito:
a. Pumili ng anyong lupa, tubig o kahit anong bagay na may kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang
kabihasnan na nais mong gawan ng liham pasasalamat.
b. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na ginampanan nito sa buhay ng mga
sinaunang tao hanggang sa kasalukuyan.
c. Gagawing batayan ang rubric sa pagmamarka ng iyong liham.

Rubric sa Pagmamarka ng Thank You Letter

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Mahusay na naipaliwanag ang


bahaging ginampanan ng heograpiya sa 7
buhay ng mga sinaunang tao

Teknikal na Pagbuo ng Liham Wasto ang paggamit ng mga bantas,


baybay ng mga salita at maayos ang 5
mga bahagi ng isang liham

Anyo at Disenyo Malinis at maayos ang pagkakasulat. 3

Kabuuan 15

Vous aimerez peut-être aussi