Vous êtes sur la page 1sur 4

AWIT NG MAYNILA

tanging lungsod naming mahal


tampok ng silanganan
patungo sa kaunlaran at kaligayahan
nasa kanya ang pangarap
dunog, lakas, pag-unlad
ang Maynila tanging perlas
ng bayan ngayo't bukas.

Maynila, o Maynila
dalhin mo ang bandila
Maynila, o Maynila
at itanghal itong bansa

Maynila, o Maynila
dalhin mo ang bandila
Maynila, o Maynila
at itanghal itong bansa

PANUNUMPA SA WATAWAT NG PILIPINAS

Ako ay Pilipino,

Buong katapatang nanunumpa sa watawat

ng Pilipinas,

At sa bansang kanyang sinasagisag,

Na may dangal, katarungan at kalayaan,

Na pinakikilos ng sambayanang

Maka-Diyos, Maka-kalikasan, Maka tao at

Maka bansa.
LUPANG HINIRANG
Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib moy buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat moy


Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa may di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhatit pagsinta,


Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo.
PANATANG MAKABAYAN

Iniibig ko ang Pilipinas

Aking lupang sinilangan

Tahanan ng aking lahi

Kinukupkop ako at tinutulungan

Maging malakas

Masipag at marangal

Dahil mahal ko ang Pilipinas

Diringgin ko ang payo

Susundin ko ang tuntunin

Ng aking paaralan

Tutuparin ko ang tungkulin

Ng mamamayang makabayang

Naglilingkod, nag-aaral,

Nagdarasal ng buong katapatan

Inaalay ko ang aking buhay

Pangarap, pagsisikap

Sa Bansang Pilipinas
NCR Hymn

I
Bayang mahal nating lahat
tampok ng NCR
pusod nitong ating bansa
dulot kaunlaran

II
Taas noong iwagayway
ang bandila ng NCR
karunungan at katarungan
sa bansa ay itanghal

III
Mga lunsod ng NCR
sa puso ko'y dangal
ang adhikain isulong
ang tanging NCR

Vous aimerez peut-être aussi