Vous êtes sur la page 1sur 5

Apostolado ng Panalangin

Diocesis ng LUCENA
Katitikan ng Pangkalahatang Pagpupulong ng Lupong Tagapag- ugnay (DCC) ng
Apostolado ng Panalangin
Lugar: St. Bonaventura Hall,
Petsa: Ika- 9 ng Hulyo , 2017
Oras : 9:00 N.U- 12:00 N.H

I. Pambungad na Panalangin Sis. Sining S. Cornista


Pag- aalay sa umaga

II. Pambungad na Awit. Sis. Adeling Lagumen


A. Pambungad na Puso ni Hesus
B. Halina Espiritu Santo

III. Pagbasa ng Mabuting Balita ( Mt. 11:25-30) Sis. Susan Cansusay


A. Pagninilay
B. Pagbabahaginan

1. Susan Cansusay- San Marcos


Lumapit kayo sa akin kayong lahat na napapagod at nabibigatan sa inyong
pasanin at kayoy papaghingahin ko
Mamatay ang aking ina at pagkatapos ako namay naospital dahil marahil
sa pagod. Humingi ako ng tulong sa ating Panginoon, nagdasal ako ng 1 ama
namin, 1 aba ginoong maria, 1 sumasampalataya upang maibalik ang lakas ng
aking katawan. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa aking mga kasamahan sa
AP sapagkat tinulungan nila ako dinamayan sa aking pangungulila.

2. Sis. Lilia Italia- San Juan


Lumapit kayo sa akin kayong lahat na napapagod at nabibigatan
Nagkasakit ang aking Tiyo- 86yrs old na siya, dinala sa ospital at
walang ibang mag- aalaga sa kaniya , kundi ako.
Nang nailabas siya sa ospital at nakauwi na ako sa bahay ay doon
ko naramdaman ang sakit ng aking paa, dahil nga palagi akong nakatayo
ngunit nakasimba pa rin ako. Nasabi ko sa aking sarili, Is this prize I get
sa aking pag- aalaga? Pero parang narinig ko ang tinig ng Panginoon.
Huwag kang mag- alaala at sagot kita. Ang isang bagay na mahirap ay
nagiging madali kung tayoy nasa kay Kristo. Nawala na ang sakit ng paa
ko at ready na uli sa paglilingkod.

3. Sis. Ethel Mariscal


Noong June nakaramdam ako ng pananakit ng lalamunan.
Makalipas ang isang Linggo bago ako magpadoktor mataas ang B.P ko
pero wala akong nararamdaman, kinuhanan ako ng Laboratory Exams,
ECG at to the Echo, normal ang lahat, UTI and disprensiya ko. Inubo ako
kaya binigyan ng gamut sa ubo at sa UTI, ngunit dahil sa mataas na
dosage aking ininum na gamot ay nahilo ako. LORD huwag mo po akong
pababayaan at napakarami ko pong gawain na dapat gampanan. Salamat
nang maraming marami sa Kamahal- mahalang Puso ni Hesus at di ako
pinabayaan at pinagaling agad.

4. Sis. Adeling Aragon


Marahil sa kalalakad ko kung saan- saan at kakain na kung anu-
ano ay nakaipon ako ng sakit. Paggising ko sumakit ang aking tiyan,
siguro naipon ang pagkain ng karne. Nasa CR ako ng nakaramdaman ng
mainit at malamig na pakiramdam, na parang mawawalan ako ng ulirat.
Nakatatlong dumi at tatlong suka ako, ang pakiramdam na ito ay
naranasan ko noong akoy High School. Sabi ko sa aking apo, bigyan mo
ako ng gamot. Diyos ko, huwag mo po akong pababayaan, isalba mo po
ako at marami pa akong gagawin. Salamat sa Diyos at akoy pinagaling.

C. Salitang iuuwi at isasabuhay


Magtiwala at manalig sa Diyos

IV. Pagtawag sa mga dumalo Sis. Adeling T. Aragon


San Juan 8
San Lukas 14
San Marcos 9
San Mateo 14
DCC 7
Total 52

V. Pagbasa sa nakaraang katitikan Sis. Sining S. Cornista

A. Puna
Petsa Ika 12 ng Marso, 2017
Ika -14 ng Mayo
Pamumuno namumuno
Ayusin ang ulat ng kaperahan
In can in kind

B. Pagpapatibay
Iminungkahi ni Sis. Emelia
Santander na pagtibayin na ang binasang katitikan at itoy
pinangangalawahan ni Sis. Sonia de Luna.

VI. Panalangin na Pagpupulong Sis. Ethel B. Mariscal


VII. Agenda:
1. Pinag- usapan ang gawaing AP 70th Foundation Day sa Ika- 18 ng Agosto,
2017, sa Sentro Pastoral Auditorium , Isabang Lucena City. Reg fee P
20.00 Food KKB.
Ipinaalala ni Sis. Ethel na huwag magsusuot ng pantalon, ang mga
babae kung wala pang abito ay magsuot ng blouse na puti at
huwag T- shirt at magbelo sa pagdiriwang ng banal na misa. Ang
mga pangulo ay magdala ng pang- alay na in-kind at sa mga
members ay sobre na lalagyan ng laman.
Tagapag salita Rec. Msgr. Leandro N. Castro
Suggestion ng ating adviser- Sis Ludy Madrido
Magbuo ng working committees:

A. Registration- Sis. Adeling Aragon


Siya na bahalang humanap ng kaniyang miyembro

B. Finance- Sis. Anching Limbo


C. Program Sis. Ethel B. Mariscal
D. Food- Sis. Anching Limbo
E. Liturgy & Music Ministry
F. Physical Arrangement- San Juan
G. Invitation and AdvertisementSis. Ethel Mariscal
H. Awards DCC Officers
I. Souvenir Sis. Ethel Mariscal
Two weeks before the celebration ay magbabala na sa Mayor para masabihan
ang mga pulis sa gagawin nating parada
Dala ang banner ng bawat Parokya, may lakad at may sakay. Kung
puwedeng maglakad ay maglalakad. Yong inyong mga flag lets ay ilalabas, kung
kayoy nakasakay. Kaniya- kaniyang gawa ng flag lets. San Mateo blue, San
Marcos yellow, San Lukas- green at San Juan Pula. Before 7:00 A.M nandon
na kayo sa Cathedral
100 balloons sagot ng DCC - Sis. Anching Limbo
Kaniya- kaniyang presentation ang bawat Distrito. Sa may pinakamaraming
dumali ay may ibibigay na premyo.

2. AP Diocesan Annual Live- In Retreat, 2017 Oct7-8, 2017 sa MCST,


Tayabas City Reg. Fee P 30.00
Ang accommodation dito ay 130 persons lamang kaya hinati ko ito
sa apat na Distrito
St. Mark - 52 St. Mathew - 28
St. Like - 25 St. John - 25
Babawasan ang St. Mark dahil ang DCC ay hindi pa kasama sa bilan.

3. Ang bilang ng kalendaryo ay kukunin ngayong Agosto pagpunta namin sa


inyo- inyong district meeting. Pakiusap huwag babawasan ay bilang ng
kalendaryo.
4. Pag- uulat ng 2 Ingat- Yaman
A. Anching Limbo- Ingat Yaman 1
Cash Beginning Balance P 25, 645.44
Add collection from calendar
Plaridel CTR P 12, 000.00
Panaon CTR 1,600.00 P 14,000.00
Total C.O.H P 39, 645.44
Less: Expenses P 7, 187.00
Total cash on hand P 22, 458.44

B. Sis. Belen A. Mendioro


Cash Beginning Balance as of May 14, 2017 P 730.00
March 12, 2017 Secret Bag
Collection P 266.50
May 14, 2017 Add Secret
Bag collection P 478.35
Total P 1, 474.85
Less Expenses - 661.00
Total C.O.H P 813.85

C.O.H Mass Media Collection P 3,000.00


Add collection Mass Media
From St. Matthew P 450.00
Total P 3,450.00
5. Pag- uulat ng Pangulo ng apat na Distrito Episkopal
A. San Juan. Sis. Adeling Lagumen
Ang Distrito Episkopal ni San- Juan ay buong pusong nagpapasalamat
sa Mahal na Puso ni Jesus at Kalinis- linisang Puso ni Maria sa walang
sawang pagsubaybay sa kanilang mga nakatakdang gawain.
Sa kanilang pagpupulong ay pinag- usapan ang ginanap na
kapistahan ni San Isidro Labrador sa City Jail na naging masaya at
maayos. Pinag usapan din ang AP 70th Foundation Day sa Aug 18,
2017 ang novena Mass para sa Feast of Sacred Heart of Jesus 14-22,
2014 at ang kapistahan June 23, 2017. Iba pang pinag- usapan Annual
Dues 2018 at Lingap Kapatid sa City Jail. Patuloy ang pagsuporta nila
sa St. Alphonsus Regional Seminary.
Ang Sacred Heart of Jesus Visitation ay patuloy na pinalalaganap.
Ang bawat tahanang kanilang pinupuntahan ay tinuturuang magdasal
ng Santo Rosaryo at pagsimba sa araw ng Linggo.

B. San Lukas- Sis. Nona Saberola


Pagsamba papuri at pasasalamat sa pinagmulan ng walang
hanggang biyaya at pagpapala ang Mahal na Puso ni Hesus at Kalinis-
linisang Puso ni Maria. Patuloy na ginagampanan nila ang mga
gawaing pangkabanalan. Ang lahat ng sentro ay nagkaroon ng Misa/
Nobenaryo sa karangalan ng Mahal na Puso ni Hesus. Kaugnay nito,
magkaroon ng Orientation Seminar para sa nagiging bagong kasapi ng
AP sa Lucban at Tayabas , 8 ang napasuotan ng Eskopularyo sa
Lucban at 6 naman sa Tayabas.
Sa Lucban, tradisyon na ang Serenata ay Musiko at fireworks
Display kaloob ng Hermano at Hermana, may immo sa karangalan ng
Mahal na Puso ni Hesus at Kalinis-linisang Puso ni Maria.
Nakiisa ang bawat senter sa misa/ nobenaryo sa Birhen delas
Flores, San Isidro Labrador sa solemmidad ng Linggo ng Pentikoste,
Banal na Santatlo at Corpus Christi.
Patuloy ang pangangakit nila ng mga bagong kasapi ng AP, APY-
EYM gayundin ang panalangin sa Santo Papa, mga Obispo, kaparian
, Diyakono, seminarista at kapuwa AP. Home Visitation ng Imahen ng
Mahal na Puso ni Hesus at San Francisco Javier.

C. San Marcos- Sis. Susan Cansanay


Salamat po sa Mahal na Puso ni Hesus at Kalinis- linisang Puso ni
Maria. Ang buong isang buwang pag- aalaay ng bulaklak at
pagrorosaryo. Karangalan ng Mahal na Birhen Maria. Nobena at misa
para sa Karangalan ng Mahal na Puso ni Hesus noong June 14-22.
Ang bawat parokya ay may kaniya- kaniyang simpleng pamamaraan
sa pagpaparangal sa Mahal na Puso ni Hesus. Maraming
nagpasuotan ng Eskupularyo lalo sa Sariaya, new members ay mga
asawa ng AP, 24 sa San Antonio. May nagpakain sa lahat ng
maninimba na kapistahan. Sa Lusacan bag at school supplies sa bata
ang ibinahagi at kaunting salu- salo sa buong San Marcos.
Patuloy sa paglilibot ang San Francisco at tuloy- tuloy ang
pagbibigay ng gintong butil sa Mt. Carmel Seminary.

D. San Mateo- Sis. Emilia Santander


Patuloy ang mga gawaing pangkabanalan sa bawat parokya, ang
pagnonobena ng siyam na araw bago sumapit ang unang Biyernes ng
buwan, iba pang gawaing pangkabanalan at pagsuporta sa mga
gawaing pangsimbaha. Sa pulong ay tinalakay nila ang gaganaping
kapistahan ng Mahal na Puso ni Hesus, AP 70 th Foundation Day at
Annual Live In- Retreat.
Sa pagdiriwang ng Mahal na Puso ni Hesus and bawat parokya ay
magkaroon ng nobenaryo at misa. Sa Atimonan sa kapistahan,
kasama nila sa prusisyon ang mga batang nakasuot ng pari at madre.
Sa Padre Burgos naman ay may sagalang mga bata, dala ang 12
pangako. Ang napasuotan nila ng Eskapularyo na bagong kasapi ay .
kaisa rin ang AP sa kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo.
Patuloy rin ang paghahatid ng Imahen ng Mahal na Puso ni Hesus
at San Francisco Javier sa mga Parokya at pagbibigay ng Gintong
Butil sa seminary ng St. Joseph Mapagong, Pagbilao, Quezon.
VIII. Other Matters:
1. Gintong Butil, Mass Media at calendar 2017
Pakiayos po ang inyong pagpasok ng intereat sa kalendaryo.
Sikapin mang lahat na makiisa sa pagkuha ng kalendaryo para
magkaroon kayo ng pondo. Makiisa sa Pangulo, Ingat yaman at Kalihim.

2. Mayroon ba kayong nakasuotan noong Feast of Scared Heart of Jesus


akoy natutuwa at 24 ang naging bagong kasapi sa Sariaya.
3. Patuloy nating ipanalangin ang Santo Papa Francisco, mga Obispo, Pari,
Diakono at Seminarista. Gayundin para maging matagumpay ang
Beatipikasyon ng mga Lingkod ng Diyos na sina Alfredo Ma. Obviar at
Teofilo Camumot. Ipagdasal din natin ang ating mga kasapi sa AP na
maysakit at namayapa na sina Sis. Perla Saisaria at Sis. Belen Vintovilla.

4. Binate ang mga may kaarawan sa Buwan ng Hunyo at Hulyo

5. Kasunod na miting- ika- 10 ng Setyembre, 2017


IX. Pananalita .. Sis. Ludy H, Madridero
DCC Adviser

Purihin at pasalamatan ang ating Hesukristo, sapagkat tayoy nagkita- kitang


muli. Napansin ko lang kakaunti ang nakadalo sa St. Joseph samantalang ang St. Mark,
St. Matthew at St. Luke ay marami kahit malayo sila.
Akoy natutuwa at nagkakaisa kayong lahat sa pagdiriwang ng ating 70th
Anniversary ng AP. Sama- sama tayong manalangin biyayaan ng magandang
kalusugan at panahon.
Akoy natutuwa at naabot ko ang selebrasyong ito. Simula 1947ay pinalalaganap
na ang debosyon sa Kamahal- mahalang Puso ni Hesus sa buong mundo.
Sa aking mga naging katungkulan sa AP at sa ibang mga samahan ay damang-
dama ko ang mga pagpapala ng Mahal na Puso ni Hesus.
Naranasan ko ang mga pagsubok na dumating sa aking buhay, nawalan ako ng
tahanan. Sabi sa akin ni Lord, iwan mo na ang lahat ng iyan at sumama ka sa iyong
asawa at dalhin mo ang iyong mga anak. Iniwan ko nga ang lahat at binigyan pa ako ng
mas magandang bahay.
Buong puso akong nagpasalamat sa Mahal na Puso ni Hesus at Kalinis- linisang
Puso ni Maria. Kaya huwag kayong mawawalan ng pag- asa at tayoy tutulungan NILA
at magiging successful an gating pagdiriwang.

X. Pangwakas na Panalangin.. Sis. Emily Santander

Inihanda ni:

Sis. Sining S. Cornista


DCC Secretary

Sinang- ayunan ni

Sis. Ethel B. Mariscal


DCC President

Pinagtibay ni

Rev. Msgr. Domingo Edora


Diocesan Spiritual Director

Vous aimerez peut-être aussi