Vous êtes sur la page 1sur 2

Ang asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo.

Binubuo ito ng ibat ibang bansa kabilang ang


bansang pilipinas. Mayaman sa likas na yaman ang asia na pinakikinabangan ng lahat ng mamamayang
asiano. Mayaman sa anyong tubig, anyong lupa, sa mineral at likas na tanawin ang kuntinente ng asia. Bilang
parte ng asya, layunin natin panatilihin ang maayos na kalakalan at kapayapaan dito upang matulungan natin
ang isat isa. Isa sa espesyal na parte ng asya ang timog silangan asya kung saan kabilang ang ating mahal na
pilipinas. Paano nga ba napapanatili ng mga bansa sa timog silangan asya ang kapayapaan at kaayusan nito?
Ano ang mga kahalagahan ng magandang relayosn sa ating mga karatig bansa? Gaano kahalaga ang
mapabilang sa organisyasong pang timog silangan asya ang ASEAN?

Mayaman ang kasaysayan ng asya. Maraming ibat ibang klaseng digmaan ang naganap sa rehiyon na
ito. Datapwat marami ng naganap na digmaan, sa ngayon ay maayos na ang rehiyon asya. Sa katunayan,
bumuo ang mga bansa na matatagpuan sa timog silangan bahagi nito ng isang organisasyon na naglalayon
panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa asya. Ang organisasyon ito ay nirerespeto at lubos na kinikilala di
lamang sa asya bagkus sa buong daigdig at ito ang organisasyong ASEAN na samahan na matatagpuan sa
timog silangan bahagi ng asya. Ang ASEAN ay itinatag noong Ika- 8 ng Agosto, 1967 sa Bangkok, Thailand. Ito
ay itinatag ng mga bansang Pilipinas, Thailand,Malaysia, Singapore at Indonesia. Sumali ang Brunei noong ika-
8 ng Enero, 1984 at ang mga bansang Vietnam, Cambodia, Laos,Burma noong dekada 90. Ang kasalukuyang
mga kasapi ay ang mga bansang Brunei, Thailand, Laos, Malaysia,Indonesia,Myanmar, Pilipinas, Singapore,
Cambodia at Vietnam. May ibat ibang layunin ang organisasyon ASEAN gaya ng mga sumusunod:

Una, Mapabilis ang kaunlarang pangkabuhayan, panlipunan, at pangkultura sa rehiyon sa pamamagitan ng


sama-sama atpantay-pantay na pagpupunyagi upang maging matibay, masagana, at mapayapaang
pamayanan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

Una, Mapanatili ang katatagan at kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan ng paggalang sa katarungan at


pagsunod sa batas na naaayon sa mga alintuntunin ng Saligang-Batas ng Nagkakaisang mga Bansa.

Pangalawa, Mapag-ibayo ang pagkakaisa at pagtutulungan pangkabuhayan, panlipunan, at panteknikal.

Pangatlo, Magkatulungan sa wastong paglilinang ng mga gawang pansakahan at pangindustriya,


pagpapalawak sa kalakalan,kasama na ang pag-aaral ng mga suliraning may kinalaman sa mga iniluluwas na
produkto at ang pagpapaunlad sa sistema ngtransportasyon at komunikasyon, at pagpapasulong sa antas ng
kabuhayan ng kani-kanilang mamamayan.

Pangapat, Maitaguyod ang pagpapalaganap ng pag-aaral ukol sa mga bansang Asyano.

Panglima, Mapanatili ang mabuting pakikipag-ugnayan sa mga pandaigdig at panrehiyongsamahan na may


katulad na layuning Tuklasin ang lahat ng paraan tungo sa ibayong pagtutulungan ng isat isa.

Isa sa mga dapat natin tandaan na ang isang importanteng bagay sa ating mundo ay ang pangalagaan
ang pagtutulungan at kapayapaan hindi lamang sa ating bansa bagkus sa ibat ibang lugar ng ating mundo.
Ang mamuhay ng may kapayapaan at pagkakaisa ang isa sa mga susi ng ating tagumpay di lamang bilang
Pilipino kundi bilang asyano. Bilang Pilipino at asyano, napakalaking bagay ang mapabilang sa organisasyong
ASEAN sapagkat Tinutulungan nito na Mapabilis ang kaunlarang pangkabuhayan, panlipunan, at pangkultura
sa rehiyon sa pamamagitan ng sama-sama atpantay-pantay na pagpupunyagi upang maging matibay,
masagana, at mapayapaang pamayanan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

Vous aimerez peut-être aussi