Vous êtes sur la page 1sur 3

Pangunang Pangyayari

Sa soccer field

Naglalaro at nagkukulitan ang sampung mga bata hanggang sa napagod ito at nagsiupo sa lupa nang pabilog.

Mathew: Pagod na ako.


Emily: Ako nga rin.

At sumangayon ang iba hanggang sa nagpahinga ang lahat. Hindi pa lumampas ng isang minuto, kumanta si Jaycee at sinundan ito ng
mga kaibigan.

Jaycee: Wag mong sabihin nag-iisa ka.


Jaycee at Michelle:Laging isipin may makakasama. Narito ako oh.
Bella, Jaycee at Michelle:Narito ako

Lahat: Hawak-kamay, di kita iiwan sa paglakbay, dito sa mundong walang katiyakan, hawak-kamay, di
kita bibitawan sa paglalakbay, sa mundo ng kawalan.

Tumingin si Jayce sa lahat.

Jaycee: Guys, forever ha? Forever tayo maging ganito.

Isa-isang sumang-ayon ang lahat.

Andrea: Sige ba!


Wendy: okay lang ako.
Zack: Sure.
Mathew: No Problem
Zo: fine.
Michelle: Gusto mo hanggang forever.
Emily: Oo naman
Carlos: Malamang.
Hazel: Sure, okay na okay ako diyan.
Jaycee: Ibig sabihin, walang iwanan at walang magrelasyon sa iba.
Emily: Bakit hindi pwedeng magkarelasyon?
Jaycee: Kasi baka sisirain lang nito ang pagkakaibigan natin.
Mathew:... sige na lang.
Jaycee: Then...

Nilagay niyaa ang kamay niya sa harap niya, at nilagay nang iba ang kamay nila dito.

Lahat: Walang iwanan!

Narrator: Ito ang aming pangako... Ang pangakong hindi namin inaakalang sisira sa pagkakaibigan
namin. Ang pangako na ikinamatay namin. Ito ang simula, simula nang pagasira naming.

Pangalawang Pangyayari
Sa silid aralan
Matatapos na ang huling paksa para sa umaga nang bigla tumingin sa paligid si Carlos at napansin may kulang.

Carlos: Andrea, saan si Zo?


Andrea: Yan kasi! Sa sobrang pag-aaral mo, hindi mo tuluy napansing nag cutting class na siya.

Magsasalita pa sa na si Carlos nang bigla dumating si Zo.

Zo: Mathew at Wendy, tawag kayo ng guro natin.


Mathew: Bakit daw?
Zo: Para sa Mr. and Ms....ewan... Basta pumunta na lang kayo. Sa faculty daw..

Tuluyan nang umalis si Mathew at Wendy at umupo na rin si Zo sa upuan niya. Biglang tumayo si Andrea at pumunta sa teachers table
at pinalo ang mesa.

Andrea: Guys! Para sa kaalaman ng lahat, kaarawan ngayon ni Wendy!

Sabay-sabay na naghiyawan ang lahat.

Zo: Malamang.
Carlos: Alam na namin yan lahat.
Jaycee: Yeah! May party!
Michelle: Yes! may libre ngayon.
Zack: Woo!
Emily: So?? Anong gagawin natin?
Hazel: Hala! Nakalimutan ko, sandali lang at i-gregreet ko lang siya ng Happy Birthday sa FB at Twitter.

Pinalo ni Andrea ang mesa para makakuha ang atensyon ng lahat.

Andrea: Guys hindi pa ako tapus! Kahit paminsan minsan pwede bang makinig kayo! Ganito na lang
palagi! Paano na-
Zo: Sabihin mo na lang kung ano ang gusto mong sabihin, huwag ka na magdrama.
Andrea: Grabe ka naman Zo, pwede ba bigyan mo rin ako ng moment? Ba-

Tiningnan ni Zoe si Andrea ng matalim.

Andrea: Ito na nga, ito na nga. Ehem. Kaya ko ipinapaalala sa inyo dahil para mahanda na natin ang
surprise party niya. So guys, lets start preparing! Zo, ikaw na ang in-charge.
Zo: At bakit naman ako?
Andrea: Ikaw magaling magplano sa amin, kaya malamang ikaw.

Tumayo si Zoe at tumabi kay Andrea.

Zo: Fine. Zack ikaw in-charge sa sound system, Carlos, taga look-out ka, Michelle, maglinis ka, Emily at
Andrea, kunin niyo ang cake o pagkain kung meron man, kung wala bumili kayo, Hazel at Jaycee,
magsimula na kayong mag ayos ng silid-aralan.
At simulan nilang gawin ang kani-kanilang gawain. Kumuha ng walis si Michelle at naglinis, nagbabantay si Carlos sa tabi ng pinto, at
tinitignan ang paalis na sila Andrea at Emily, Nagaayos naman sila Hazel at Jaycee, habang inaayos ni Zack ang sound system. Bigla na
lang ito nagpalo nang mesa para maggawa ng melodia.

Michelle:Ngayon araw na ito ay kaarawan niya,


Jaycee: Gawin natin ang lahat para sa kaniya.
Michelle:Kung gusto nating magtagumpay...
Michelle, Jaycee, Zo, Zack, Hazel at Carlos: Kailangan natin, kailangan magtulungan.
Jaycee: Ngayon araw na ito ay kaarawan niya,
Jaycee at Carlos: Gawin na natin ang lahat para sa kaniya.
Michelle:Kung gusto natin ito magtagumpay...
Michelle, Jaycee, Zo, Zack, Hazel at Carlos: Gawin na natin, gawin na natin.
Hazel at Carlos:Bilisan

Dumating si Andrea at Emily dala ang mga pagkain at dinala ito sa mesa.

Michelle, Jaycee, Zo, Zack, Andrea, Haze, Emily at Carlos: Gawin na natin, gawin na natin.
Andrea at Emily: Ang kailangan natin gawin.

Natapos na nila ang kailangang gawin nang biglang sumigaw si Carlos.

Carlos: Nandyan na sila!

Isinara ni Carlos ang mga ilaw hanggang nagsitago sa baba ng mesa ang iba, nang masara, tumago sa likod ng pintuan si Carlos.
Pumasok na ang dalawa sa silid-aralan na nakahawak ang kamay.

Wendy: Mahal kita, mahal kita hindi to bola.....


Matthew:Ang pag-ibig ko sayo totoo-

Biglang binuksan ni Carlos and mga ilaw at biglang nagsilabasan ang mga kaibigang gulat na gulat sa kanilang nakita.

Vous aimerez peut-être aussi