Vous êtes sur la page 1sur 5

1.

Hindi halaman, maraming dahon,


Ang ibinubunga ay dunong.
Sagot:Aklat

2. Baston ng kapitan,
Hindi mahawakan.
Sagot: Ahas

3. Isang biyas ng kawayan,


Maraming lamang kayamanan.
Sagot: Alkansiya

4. Bahay ni kahuli,
Haligiy bali-bali,
Ang bubong ay kawali.
Sagot: Alimango
5. Heto na si kuya,
May sunong sa baga.

Sagot: Alitaptap
6. Heto , heto na,
Malayo pay humahalakhak na.

Sagot: Alon
7. Dala mo siya dala ka niya,
Kasama saan man pumunta.

Sagot: Bakya

8. Tubig kung sa isda,


Lungga kung sa daga,
Kung sa taoy ano kaya.

Sagot: Bahay

9. Wala sa langit, wala sa lupa,


Kung lumalakad ay patihaya.

Sagot: Bangka

10. Nakalantay kung gabi,


Kung araw ay nakatabi.
Sagot: Banig

11. May sunong, may kilik,


may salakab sa puwit.

Sagot: Mais

12. Pusong bibitin-bitin,


mabangong parang hasmin,
masarap kanin.

Sagot: Mangga
13. Tag-ulan at tag-araw
hanggang tuhod ng salawal.

Sagot: Manok

14. Dalawang bolang sinulid,


abot hanggang langit.

Sagot: Mata
15. Hindi Linggo,
hindi piyesta,
naglawit ang bandera.

Sagot: Dahon ng saging

16. Buto't balat, lumilipad.

Sagot: Saranggola

17. Hindi naman hari, hindi naman pare,


nagsusuot ng sarisari.

Sagot: Sampayan

18. Kung tawagin nilay santo


hindi naman milagroso.
Sagot: Santol

19. Mayroon akong dalawang balon,


hindi ko malingon.

Sagot: Tainga

20. Ang ibabaw ay tawiran,


ang ilalim ay lusutan.

Sagot: Tulay

Vous aimerez peut-être aussi