Vous êtes sur la page 1sur 3

Magtetrese anyos palang ako non.

Hinding-hindi ko makalilimutan yung isang summer


vacation na pumunta kaming mag-anak sa kauna-unahang pagkakataon sa Aguada
Beach sa liblib na bahagi ng Pola, Oriental Mindoro. Ang bayan ng Pola kung saan
matatagpuan ang Aguada Beach ang 4th Class Municipality sa Oriental Mindoro na may
populasyon na umaabot sa 31, 938 (Census 2000). Nung araw ding iyon, isinama ko sa
listahan ng mga paborito kong beach sa Luzon ang Aguada.

Nang makausap ko ang Mayor ng Pola noong nakaraang Enero lang, sinabi nya sa akin
na sumabay na rin sa agos ng kaunlaran ang bayan ng Pola maging ang Aguada Beach.
May mangilan-ngilan ng cottages at videokehan roon, may isang di kalakihang hotel, at
ilang maliliit na establisimiyento na dalawampung kilometro o higit pa ang layo sa may
dalampasigan. Pero dahil na rin sa pangangalaga ng gobyerno at mismong mga
mamamayan ng Pola, napanatili nila ang kalinisan at mala-paraisong kagandahan ng
Aguada Beach.

Malakas ang pang-akit sa akin ng Aguada Beach. Para sa akin, paraiso ang lugar na yun.
Noong pumunta kami rito edad trese anyos pa lang ako, birhen pa sa komersyalisasyon
ang Aguada Beach. Wala pang mga cottage, karinderya, videoke o kahit anong
establisimiyento doon. Kung sinuman ang gustong maligo nang libre at pribado ay tiyak
makakahanap ka sa lugar na yun.

Sinuwerte lang kaming makapag-swimming doon nung nagkayayaan lang kaming


magkakamag-anak na maligo sa dagat sa sobrang init ng panahon at iyon ang isinuggest
ng isa sa mga pinsang kong lalaki na magandang puntahan. Gamit ang hiniram na dyip at
tatlong traysikel, dumiretso kami sa Pola papuntang Aguada Beach mula sa bayan ng
Socorro.

Pagdating sa Aguada Beach, humimpil ang mga inarkilahan naming dyip at traysikel sa
isang bahagi ng beach na mistulang gubat sa dami ng puno ng buko, mangga, niyog at
saging.

Pagbaba palang sa sasakyan, magkabilang tenga na ang ngiti ko sa sobrang kasabikan


kong mag-swimming. Pero medyo nadismaya ako nung sinabi sa akin ng pinsan ko na
malayo pa lalakarin namin bago makarating sa mismong dagat. Halos 3 kilometro ata
nilakad namin bago kami nakarating sa dagat. Mabato ang nilalakaran namin kaya
inaalalayan kaming mga pinakabata sa magpipinsan ng mas matatanda sa amin.

Pagdating sa dalampasigan, nawala lahat ng pagod ko sa paglalakad. Hinubad ko kaagad


ang tsinelas ko at lumusong agad sa tubig. Tuwang-tuwa ako kasi malinaw at malinis rin
ang tubig doon kumpara sa ibang beach na naliguan ko na sa ibat ibang bayan ng
Mindoro Oriental. Puwedeng-puwede nang manalamin. Makikita sa malinaw nitong
tubig ang mga lumalangoy na isdang may sari-saring kulay at laki pati na rin ang mga
halamang dagat.

Kahit sino siguro ay mapanganganga sa ganda ng paligid. Mistula kasing isang paraiso
iyon. Bukod sa linis at linaw ng tubig, napapalibutan ang Aguada Beach ng maliliit na
burol at mga punong-kahoy. At dahil low tide, kitang-kita namin sa may laot na
matatanaw mula sa baybayin ang isang napakalaking tipak ng bato roon na halos kasing
laki ng Chocolate Hills.

Ang isa pang ikinamangha ko sa Aguada Beach ay iyong hagdanang bato na may isang
daang baitang na matatagpuan sa isang maliit na burol doon. Ang unang baitang niyon
ay nakatirik sa ilalim ng dagat.

Pag-akyat sa hagdanang bato, makikita roon sa pinakatuktok ng burol ang matayog na


rebulto ni San Juan Bautista na nakadipa ang mga kamay. Animoy isinasakripisyo ang
sarili sa langit upang protektahan ang mga taga-Aguada. Hindi maalis sa isipan ko ang
rebultong ito kaya ipinagtanong ko talaga sa mga kamag-anak naming doon sa Pola na
ipinanganak at nagka-apo kung ano ang mga kuwento-kuwento tungkol sa hagdanang
bato at sa rebultong iyon. Di naman ako nabigo at marami akong nalaman.

Noong mga oras na iyon, pakiramdam ko, hindi lang ako nag-swimming, nag-educational
field trip din ako. Wala akong pakialam kung totoo o hindi ang mga ikinuwento nila sa
akin basta ang mahalaga nalaman ko ang makulay na kasaysayan at kahalagahan ng
hagdanang bato at ng rebulto.

Sabi ng isa sa mga pinagtanungan kong residente sa Pola, pinaniniwalaang nagsisilbing


taga-pangalaga ng baybayin ng Pola ang naturang rebulto. Katunayan daw, sa pagdaan
ng panahon, hindi pa raw nakararanas ang Pola ng tsunami o kahit ng pagbaha maski
minsan. Ito rin ang lugar na madalas daw puntahan ng mga deboto tuwing Mahal na
Araw. Kunsabagay nga naman, ang ituktok ng burol at ang kalawakan ng dagat ay ideyal
na lugar para sa meditasyon at panalangin.

Pero ang higit na nagpatingkad sa mga nakalap kong kuwento tungkol sa hagdanang
bato at rebulto ni San Juan Bautista sa Aguada Beach ay iyong mga tsismis na bumabalot
dito.

Ayon daw sa mga matatanda, may isang mayamang matandang dalaga ang nagpagawa
niyon dahil doon daw inilibing ang bangkay ng anak nito sa dating kura paroko ng Pola.
Pero ayon naman sa ibang mamamayan ng Pola, maaaring may nakatago raw doong
kayamanan.

Matapos marinig ang kuwentong yun, mas tumingkad ang kasiyahan ko sa ginawa
naming pagbisita sa Aguada Beach. Nalungkot tuloy ako non nung uwian na.

Pero sandali lang akong nalungkot non kasi pagkatapos naming mag-swimming sa
Aguada Beach, bumili kami ng souvenirs at mga pasalubong doon sa palengke ng Pola.
Natuwa ako sa mga paninda roon tulad ng mga dekorasyon na gawa sa kabibe, mga t-
shirt na may tatak na Mindoro at marami pang iba.
Siyempre pa, hindi namin kinalimutang kumain muna bago umalis. Pinagsaluhan naming
mag-anak ang mga binili naming sariwang isda, malalaking sugpo, alimango at arurusit
sa palengke ng Pola.

Mahirap ding makalimutan sa bayan ng Pola ang mga mamamayan doon. Kung ikaw ay
isang turistang pala-kaibigan, maaari ka nilang imbitahan sa isang magandang hapunan.
Huwag mo lang sisirain ang kanilang pagtitiwala o tanggihan ang kanilang mga inihahain
para sa iyo, ituturing ka nilang parang isa na ring kapamilya.

Matapos ang dalawang linggong bakasyon namin sa Mindoro, umuwi na kami ng


pamilya ko sa Laguna. Tinawagan ko agad ang mga kaibigan kong taga-Maynila at
ikinuwento sa kanila ang mga naging karanasan ko sa bayan ng Pola. Maging sila ay
namangha at nagkainteres sa kagandahan ng lugar.

At dahil interesado rin silang makarating sa Pola, sinabi ko na rin sa mga kaibigan ko
kung papaano makakapunta ron at kung magkano yung pamasahe.

Simple lang kako ang pagpunta ron. Sinabi ko sa kanila na humanap lang sila ng bus
terminal na nagbiyabiyahe patungong Batangas tulad ng BLTB sa Pasay, Tritran o Jam sa
Cubao at Buendia, o Alps at Dela Rosa sa Alabang at tiyak makakarating na sila sa
Batangas Pier. Pagsapit sa Pier, pupuwede na silang sumakay ng barkong tatlong oras
biyahe o ng Supercat (kamag-anak ng Super Ferry). Iyon ay kung gusto naman nilang
makarating ng Calapan, Mindoro sa loob lamang ng apatnaput limang minuto hanggang
isang oras. Pagdating sa Calapan Port, maaari na silang sumakay ng dyip na
nagbiyabiyahe patungong bayan ng Socorro, Pinamalayan at Pola. Pinayuhan ko rin
silang huwag mahiyang magtanong sa kapwa pasahero kung sila ba ay nakarating na sa
kanilang patutunguhan o di kayay sabihan nila hanggat maaga ang drayber na ibaba sila
sa mismong bayan ng Pola. Ang dapat na lang nilang problemahin ay yung daan papunta
sa Aguada Beach. Sinabihan ko silang maging handa sa malayong lakarin at magsuot ng
tsinelas o sapatos na matibay ang suwelas kasi mabato roon.

Matapos ang mahabang biyahe papuntang Aguada Beach, siguradong mawawala rin ang
pagod nila kapag nasilayan nila ang mala-paraisong tanawin doon.H.C.P.

Vous aimerez peut-être aussi