Vous êtes sur la page 1sur 2

Ang Handog ni Nena

Ang Handog ni Nena


Ang pagdampi ng sariwang hangin kasabay ng mumunting mga huni ng mga maya at tilaok ng manok
ang nagpagising kay Nena. Umaga na!

Agad na tinanaw ni Nena at binati ng ngiti ang malawak na luntiang bukirin at ang bundok na tila
nagsisilbing haligi ng kanyang palasyo. Sa labas ng kanilang pawid na tirahan, naroon ang trono niya
bilang isang prinsesa. Iyon ay ang hardin na sentro ng kanyang nasasakupan.

Namulat ang mga mata ni Nena sa simpleng pamumuhay sa nayon. Doon napaigting ang kagalakan niya
sa tuwing mamamasdan ang makukulay na mga pumpol ng mga rosas, hasmin, orkidya, at santan,
maging ang masidhing pagmamahal sa kalikasan.

Nang isang araw natalos ni Nena na bukas na ang kanyang isipan mula sa pagtulog ngunit hindi niya
naramdaman ang malambing na haplos hangin o narinig man lang ang pag-awit ng mga ibon sa
panibagong araw na kanyang kakabakahin.

Kaya pala! Nasa Kamaynilaan na siya! Ang dating natatanaw na luntiang bukirin at makukulay na mga
bulaklak ng hardin ay napalitan na ng maiitim na usok mula sa mga dumadaang motorsiklo at dyip. Ang
mga kabundukang tila pumoprotekta sa kanya ay hindi na sakop ng kanyang paningin bagkus, ang mga
kable ng kuryente at mga sementong bahay na lamang ang kanyang nakikita.

Ang dating prinsesa ay naging isang estranghero na ngayon sa kanyang kinagagalawang mundo.

Napagpasyahan ang kanyang amat ina na iwan na lamang ang pagsasaka at silay manirahan sa Maynila
sa pag-asang mas malaki ang kanilang kikitain nila roon. Ngunit sa kasamaang palad, naging mahirap din
ang kanilang buhay sa lungsod.

Kung dati-ratiy may mga puno at pananim na mapagkukunan ng ihahain para sa pamilya, ngayoy
kumakalam na lamang ang sikmura ni Nena at ng kanyang mga kapatid sa tuwing hindi sumasapat ang
pantustos ng kanilang mga magulang.

Noon lamang niya napagtanto ang totoong kahulugan ng salitang kahirapan dahil bagamat pagsasaka
ang ikinabubuhay nila noon, naroon pa rin ang kasapatan na ipinagkakaloob ng kalikasan.

Sa mga bakanteng oras ni Nena, humihingi siya ng mga lata mula sa mga nakalakal ng kanyang ama
upang tamnan ng ibat ibang maliliit na halaman. Taglay ni Nena ang mga espesyal na kamay na
nakapagpapalago ng malulusog na halaman kung kaya naroon ang kanyang pag-asang mamasdan ang
mayayabong na puno at mga bulaklak balang araw sa pamamagitan ng kanyang mga pananim.

Alam ko na! wika ni Nena sa kanyang isipan. Binabagabag na siya ng paninindim sa kalagayan ng
kapaligiran sa lungsod at problema sa pananalapi ng kanilang pamilya nang maisip niyang magbanat ng
buto para sa isang pangarap na mamasdan muli ang buhay at mayabong na kalikasan.

Nais niyang makaulayaw muli ang mahahalimuyak at makukulay na pumpol ng rosas at orkidyas,
madama ang ihip ng sariwang hangin mula sa mga punong-kahoy, at marinig ang huni ng mga ibon. Ito
Ang Handog ni Nena

ang nagtulak sa kanyang ideya na magbenta ng sarit saring buto ng mga halaman sa mga taong
makakasalubong at mga sasakyan magdaraan.

Sampung piso lang po ang mga buto ng mirasol, hasmin, at dalya, ginoo. Maaari niyo po itong itanim sa
inyong bakuran o kahit sa mga simpleng lata lamang. Bili na po kayo, ang paulit-ulit na winiwika ni Nena
sa mga tao. Maging ang mga kotse na apektado ng trapiko ay isa-isa niyang kinakatok upang ialok ang
mga mumunting paninda.

Ngunit iilan lang ang pumapansin kay Nena. Sa mata ng nakararami, ang batang lansangan na tulad niya
ay pabigat sa lipunan at distorbo lamang sa isang abalang pook na tulad ng Maynila.

Patuloy na naglakad si Nena sa lansangan na ang tanging nasa isip lamang ay ang mga pangarap niyang
maipanumbalik muli ang buhay na kalikasan sa siyudad. Sa magkabilang kamay niya nakalagak ang mga
buto na susi sa kanyang mithiin.

Makalipas ang ilang oras ng pagtitinda, nakaramdam ng pagkahapo ang munting bata. Panandalian
siyang tumigil sa gilid ng kalsada upang maibsan ang pagod.

Sa kabilang banda, naroon ang mga nagdaraang sasakyan. Sa bawat baling ng tingin kay Nena, hindi
pangkaraniwang batang lansangan ang nakikita ng mga nagugulumihanang mata kundi isang pigurang
punung-puno ng pagmamahal sa Inang Kalikasan. Sa mga palad niyay malagong nakatindig ang mga
bulaklak ng hasmin. Ang kalungkutang mababakas sa mukha ni Nena ay tila ang Inang Kalikasang
naninindim, nangungusap na siyay bigyang pansin at muling ibigin.

Nadurog ang puso ng sangkatauhan sa nasilayan ngunit dahil ditoy napaigting ang pagnanais nilang
maipanumbalik ang luntian, malinis, at maayos na kapaligiran sa siyudad. Ang handog na pagmamahal ni
Nena sa kalikasan ang nagsilbing tulay upang ang mga matang nakapikit ay mamulat sa katotohanan.

-Donessa Cayas-

Vous aimerez peut-être aussi