Vous êtes sur la page 1sur 3

Aralin 3

Kagustuhan at Pangangailangan

Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa


kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

Araw-araw, ang tao ay nahaharap sa ibat ibang uri ng pagpapasya.


Dahil sa kakapusan sa salapi, dapat na maging matalino sa pagpili ng mga kalakal o
serbisyo na bibilhin.

Ano ang pagkakaiba ng Pangangailangan sa Kagustuhan?

Sagutin ang mga sumusunod

Teorya ng Pangangailangan

Ayon kay Abraham Harold Maslow, ang pangangailangan ng tao ay


mailalagay sa isang hirarkiya.

Kailangan munang matugunan ng tao ang mga pangunahing


pangangailangan bago umusbong ang panibagong pangangailangan.
Hirarkiya ng Pangangailangan

Physiological Needs
Kabilang ang mga biyolohikal na pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at hangin.
Ang kakulangan sa antas na ito ay maaring maging sanhi upang siya ay makaranas ng
karamdaman at panghihina ng katawan.

Safety Needs
Kabilang dito ang mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng
hanapbuhay, pinagkukunang-yaman at seguridad para sa sarili at pamilya.

Social Needs
Ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan.
Hangad ng isang tao na siya ay matanggap at mapasama sa ibat ibang uri ng pangkat at
pamilya.
Ang kawalan nito ay maaring magdulot sa kanya ng kalungkutan at pagkaligalig.

Self-Esteem
Ito ay nauukol sa mga pangangailangan sa pagkakamit ng respeto sa sarili at sa kapwa.
Hangad ng tao na makilala at magkaroon ng ambag sa lipunan.
Ang kakulangan nito ay magdudulot sa mababa o kawalan ng tiwala sa sarili.

Actualization
Hangad ng tao na magamit nang husto ang kanyang kakayahan upang makamit ang
kahusayan sa ibat ibang larangan. Tanggap ng taong ito ang katotohanan ng buhay.

Ayon kay A.H.Maslow:


Habang patuloy na natutugunan ng mga tao ang kanilang batayang pangangailangan (basic
needs), sila ay naghahangad ng mas mataas na pangangailangan (higher needs) ayon sa
pagkakasunod-sunod ng herarkiya.
Ang paghangad ng mas mataas na antas ay tinatawag na growth force samantalang ang
paghangad ng mas mababang antas ay tinatawag na regressive force.

ACTIVITY: ANG AKING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PANGANGAILANGAN


Bumuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng
mga pangangailangan. Ilahad ang iyong pamantayan sa pamamagitan ng isang sanaysay.
Isulat din kung paano mo makakamit ang kaganapan ng iyong pagkatao.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano mo maisasakatuparan ang iyong pamantayan?
2. Sa iyong palagay, nasaan ka sa mga baitang na ito? Bakit?
Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan
Edad
Antas ng Edukasyon
Katayuan sa Lipunan
Panlasa

Edad. Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga
kabataan ay nasisiyahang kumain bastat naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit sa
pagtanda ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang manatiling
malusog ang pangangatawan.

Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng
pinag-aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang
posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.

Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan


ay nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa
mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang
maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang mga obligasyon at
gawain.

Panlasa. Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang panlasa.


Ang panlasa sa istilo ng pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo
ng mga nakatatanda.

PAGPAPAHALAGA:

Anu-ano ang dapat isaalang-alang ng tao upang magkaroon ng matalinong pagpapasya sa


pagtamo ng kanyang pangangailangan at kagustuhan?

Vous aimerez peut-être aussi