Vous êtes sur la page 1sur 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of Sarangani
ALABEL NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Regional Science High School for Region XII
Alabel, Sarangani Province

PAGPAPATAYO NG MATH GARDEN SA KAMPUS NG


ALABEL NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

Isang panukalang papel na iniharap sa kaguruan ng


Departamento ng Filipino, Senior High School
Alabel National Science High School

Bilang katuparan sa Filipino 121,


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Ipinasa nina:

MICHAEL LANCE C. MORALES


JAKE CEASAR A. DIOSANA
TYL JOY S. DEJIGA
12 Leptons

Ipinasa kay:

ALELI E. DASMARIAS
Guro ng Filipino 121

Agosto 30, 2017


PANUKALANG PROYEKTO

Pamagat ng Proyekto: PAGTATAYO NG MATH GARDEN SA KAMPUS NG ALABEL


NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

Organisasyon: Young Enthusiasts of Mathematics Association (YEMA)

Contact Information:

Tirahan: Alabel National Science High School, Maribulan, Alabel, Sarangani


Province

Email Address: michaelmorales@rshsxii.edu.ph

KEY TEAM MEMBERS


Pangalan Papel na Ginagampanan

Michael Lance C. Morales Project Manager

Jake Ceasar A. Diosana IEC Manager

Tyl Joy S. Dejiga Budget and Finance Manager

RASYUNALE NG PROYEKTO

Nakakatulong ang Math Garden sa pagpalawak ng pag-unawa ng mga mag-

aaral sa Matematika. Mararanasan nila ang kagandahan ng asignaturang ito sa

pamamagitan ng mga ipinapaskil na signages, mga interaktibong kagamitang

pampagtuturo, temporary learning sheds, at maaliwalas na atmospera dala ng mga

pananim at mga puno na makikita roon. Dahil rito, hindi magiging nakababahala ang

asignaturang Matematika.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang matematika ay isa sa mga asignaturang nangangailangan ng matinding

analisis at konsentrasyon. Ito ay nagbibigay kulay sa agham at ito rin ang tulay sa
mabuting pag-unawa sa mga problemang hinaharap ng mga tao dahil sa

metakognitibong proseso sa pagbuo ng sagot o solusyon.

Kinakailangan ng mga mag-aaral ng malalim na adaptasyon upang makamit ang

layuning ito. Ngunit, malimit sa mga estudyante ang mainip sa mga paulit-ulit na

pagtalakay sa mga paksang mahirap intindihin tulad ng Algebra, Trigonometry,

Geometry, at Calculus. Bukod ditto, ang atmospera at istruktura ng silid-aralan ay

maaaring maging sagabal sa pakikinig sa guro o sap ag-iisip. Dahil rito, nararapat

lamang na masolusyonan ang problemang ito.

LAYUNIN

Ang sumusunod ay ang layunin ng Math Garden:

1. Matutulungan ang mga mag-aaral sa pagpalawak ng kanilang pag-unawa sa

matematika sa pamamagitan ng kakaibang paraan ng pagkatuto sa labas ng

silid-aralan

2. Maging sentro ng mga gawain ng Mathematics Club sa kanilang pagtitipon, peer

mentoring, at maging sa pagpapaganda ng Math Garden

MGA ESTRATEHIYA

Mula sa distribusyon ng flowchart na nasa ibaba, nahahati sa tatlong bahagi ang

metodolohiya ng proyektong ito: ang pagpaplano, pagsasagawa, at pagpapanatili. Sa

pagpaplano nakapaloob ang pagtukoy sa lokasyon, paggawa ng blueprint,

pagbabadyet, at paggawa ng iskedyul ng mga aktibidades. Sisimulan ang pagtatayo ng

Math Garden sa pamamagitan ng pagsasaayos at pagpapaganda ng lokasyon. Habang

ginagawa ito, sisimulan na rin ang pagtatayo ng mga Temporary Learning Sheds (TLS),

paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo, at paglalagay ng mga karatula sa ibat


ibang bahagi ng Math Garden. Pagkatapos nito, gagawa ang YEMA ng iskedyul sa

paggamit at pagpapanatili ng Math Garden at ang mga patakaran sa paggamit nito.

Pagpaplano Pagsasagawa Pagpapanatili


Pagtatakda ng iskedyul sa
Paghahanap ng lokasyon Pagsasaayos ng lokasyon paggamit at paglinis ng
Math Garden

Paggawa ng blueprint Landscaping


Pagtatakda ng mga
patakaran sa paggamit ng
Paglilista ng mga Math Garden
Paglalagay ng mga karatula
materyales at
kasangkapang gagamitin

Pagtukoy sa mga tauhan na Pagtatayo ng mga


tutulong sa gawain Temporary Learning Sheds

Paghingi ng suhestiyon sa
mga eksperto ukol sa
disenyo Paghahanda sa mga
kagamitang pampagtuturo

Paggawa ng pinal na
blueprint at listahan ng
mga materyales,
kasangkapan, at tauhan

Pagbabadyet

Paghahanap ng pondo
Dayagram 1. Ang Flowchart ng Proyekto

DALOY NG PAG-AARAL

Unang bahagi: Paglalahad ng rationale, suliranin ng panukala, layunin,

kahalagahan ng pag-aaral, metodo, saklaw at delimitasyon, at daloy ng pag-aaral


Pangalawang bahagi: Pagpaliwanag sa konsepto at tunay na layunin ng

pagpapatayo ng Math Garden sa loob ng Alabel National Science High School

Pangatlong bahagi: Pagtatala ng mga datos sa kabuuang bilang ng mga

materyales at kasangkapan sa pagpapatayo ng Math Garden, ang ponding

kakailanganin, at ang blueprint

Ikaapat na bahagi: Panghihikayat sa mga tao lalung-lalo na sa mga estudyante

na tumulong sa pagpapatayo at pagpapaganda ng Math Garden at paggawa ng

pinal na listahan ng mga taong lalahok sa proyekto

Ikalimang bahagi: Pagtatakda ng timetable sa pagtatayo ng Math Garden

Ikaanim na bahagi: Pagtatakda ng iskedyul at oras sa paggamit at paglilinis ng

Math Garden

Ikapitong bahagi: Pagbabalangkas ng mga patakaran sa pagpapanatili ng

kaayusan at kagandahan ng Math Garden

KAAGAPAY NG PROYEKTO

Ang sumusunod ay ang mga tao/organisasyong posibleng lalahok sa proyekto

na ito:

Ang mga estudyante ng Alabel National Science High School, lalung-lalo na ang

mga kasapi ng Young Enthusiasts of Mathematics Association

Mga guro ng Alabel National Science High School

Supreme Student Government

Parents-Teachers Association

Mga non-government organizations o NGOs


MGA MATERYALES AT KASANGKAPAN

Ang mga sumusunod ay ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng Math

Garden:

1. Temporary Learning Sheds at mga bakod


10 sakong semento
2 kilong pako (Galvanized Nail 3in)
3 litrong Pintura ( Peach at Bughaw )
12 pirasong bakal ( 10m ang haba)
400 pirasong Hollow blocks
3 Tabla (10m by 10m)
3 kawayan (5m ang haba)

2. Landscaping
Mga ornamental plants tulad ng orchids, copia, eugenia, atbp.
Garden soil

Tree seedlings
Mga makukulay na bato
Pintura

3. Mga karatula
2 ft. x 3 ft. tarpaulin with print
Plywood
Tree seedlings
Tabla

Ito ay ang mga materyales na kakailanganin sa pagpapatayo ng Math Garden.

Nakapaloob pa rito ang mga kagamitan sa pagkukumpuni tulad ng martilyo, lagare,

iskuwala at marami pang iba. Maaring gumamit ng pison o buldoser sa pagpapatayo ng

proyektong ito upang matiyak at maisakatuparan ang nakapaloob sa disenyo at

estraktura nito.
BLUEPRINT NG MATH GARDEN

Ito ay isang lamang pahapyaw na perspektibo ng Math Garden na itatayo.

Inaasahan na magkakaroon pa ito ng mga pagsasaayos matapos itong isailalim sa mga

puna at rekomendasyon ng mga eksperto sa disenyo.

Larawan 1. Ang Disenyo at Estraktura ng Math Garden sa Alabel National Science High
School

Ang Math Garden ng Alabel National Science High School ay may kabuuang

sukat na 100m x 200m. Ang meeting place o ang tagpuan ng mga miyembro ay may

kabuuang sukat na 20m x 60m na binubuo ng isang kubo, upuan at lamesang

nakalagay sa gitna. Ang nakaitim na bahagi naman ng tagpuan ay ang bodega ng mga

kasangkapan at kagamitang nagamit at gagamitin ng mga miyembro.

Binubuo rin ito ng Temporary Learning Stations o TLS na nagsisilbing tambayan

ng mag-aaral kapag may mga mahihirap silang takdan-aralin, proyekto, o aktibidad na

tungkol sa Matematika. Ang TLS ay may kabuuang sukat na 9 bawat isa at may

dyametrong 6m. Sumatutal, ang kabuuang bilang na TLS ay tatlo at aabot ito ng 27.
Ang mga puno rin ay pinaglagyan at napapalibutan ng mga benches na

nagiging kaaya-ayang tingnan ng mga bisita at miyembro. Apat na mga puno ay

pinaglagyan nito upang may mapagkunan ang mga miyembro ng sariwang hangin at

maiwasan ang matinding sikat ng araw.

Ang mga nakapaloob pa sa Math Garden ay ang waiting shed, naghahalimuyak

at nagbabanguhang mga bulaklak sa mga flower box, mga puno, mga disenyo at

palamuting inilalagay sa dito at ang bakod nito.

Inaasahang Badyet

Mga Gawain at Kasangkapan Halaga

Pagpapatayo ng TLS Php 120, 000.00

Paglalagay ng bakod at harapang


Php 10, 000.00
pintuan

Landscaping ng mga halaman at anyo


Php 46, 000.00
ng lugar.

Paglalagay mga benches sa mga puno Php 20,000.00

Maintenance ng Mga Halaman at


Php 3, 000.00
Kagamitan ( Tubig at Kuryente )

Paglalagay ng mga karatula Php 1, 000.00

KABUUANG BADYET Php 200, 000.00

Talahanayan 1. Kabuuang badyet ng bawat gawain at kasangkapan ng Math Garden.

Mula sa sa talahanayan, mayroong anim na mga gawain at kasangkapan ang

nakapaloob sa kabuuang badyet ng Math Garden. Ang una ay ang pagpapatayo ng


Temporary Learning System o ang TLS na may pinakamalaking porsyento (60%)

nakuha kumpara sa ibang gawain. Ito ay may badyet na Php 120, 000.00. Ang ikalawa

naman ay ang paglalagay ng bakod at harapang pintuan ng Math Garden na may

kabuuang badyet na Php 10, 000.00 ng pangatlo ay ang landscaping ng mga halaman

at anyo ng lugar na may badyet na Php 46, 000.00. Panglima ay ang maintenance ng

mga halaman at kagamitan tulad ng konsumo sa tubig at kuryente na may badyet na

Php 3, 000.00. Ang panghuli naman ay ang mga karatulang ipapaskil sa Math Garden

na may pinakamaliit na badyet na aabot lamang sa Php 1, 000.00.


ISKEDYUL NG MGA GAWAIN

Talahanayan 2: Gantt chart ng mga aktibidades sa pagpapatayo ng Math Garden

Inaasahang mauumpisahan ang proyekto pagdating ng ika-8 ng Hulyo taong 2018 pagkatapos ng pagpaplano at

pagpalaganap ng impormasyon sa mga nararapat na tao maging ang paghahanap ng pondo. Ang pagtatayo ng Math

Garden ay tatagal ng humigit-kumulang tatlong buwan at walong araw, depende sa dami ng mga taong handang

tumulong.
KAHALAGAHAN NG PROYEKTO

Ang proyektong ito ay isa sa mga paraan at hakbang upang mapalago at

mapalawak ang isip ng mga mag-aaral dahil sa napapalibutan sila ng mga elementong

nakapagdadagdag ng kaalaman sa kanilang sarili. Ito rin ay isa sa mga susi ng

mabisang pagtuturo ng mga guro upang maipakita ang importansya ng Matematika sa

lipunan.

Ang makikinabang ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Tagamasid. Sila ay makapagrerekomenda ng epektibong gawain at aktibiti sa

loob at labas ng Math Garden.

Mga Guro ng asignaturang Matematika. Sila ang unang makakakuha ng

benepisyo ng pag-aaral na ito mula sa mga mag-aaral, sapagkat mas madadagdagan

pa ang mga estratehiya nila sa pagtuturo dahil natututong maki-ugnay ang mga mag-

aaral sa asignaturang matematika. Mababawasanang rin ang pag-aalala ng guro sa

kung papaano ituturo ang isang aralin sa asignaturang Matematika. Gayun paman,

mapapagaan at mapapadali ang kanilang pagtuturo sa nasabing asignatura. Mulasa

pag-aaral na ito ay magkakaroon ng mas maunlad at malawak na pag-uunawa sa

pagtuturo ngnasabing asignatura.

Mga Estudyante. Madagdagan at mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa

asignaturang Matematika dahil nagkakaroon sila ng matinding relasyon sa pisikal na

mundo ng Matematika. Ang mga elementong kanilang ginagalawan ay maari nilang

maging susi sa pagbuo at paggawa ng mga bagay na may kinalaman sa Matematika.

Isa pa sa mga nakapaloob dito ay mas lalo pa silang gaganahan sa pag-aaral ng


asignaturang ito sapagkat mas madali ang kanilang pag-unawa at dahil dito lalo pa

silang magsikap sa pag-aaral.

Inihanda nina:

MICHAEL LANCE C. MORALES


JAKE CEASAR A. DIOSANA
TYL JOY S. DEJIGA
Mga Mananaliksik

Batid ni:

ALELI E. DASMARIAS
Guro ng Filipino 121

Vous aimerez peut-être aussi