Vous êtes sur la page 1sur 1

Isa sa tampok mga gawain ng Brigada Eskwela 17 ang pagkakaroon ng Teachers Orientation para sa mga

bagong guro ng Capiz National High School na pumasok sa serbisyo mula sa taong 2012 hanggang sa kasalukuyan
na ginanap sa Capiz NHS Alumni Center, Mayo 18.

Nilahukan ito 76 na mga guro na kung saan ay mas lalong pinalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa
kanilang mga resposibilidad bilang isang guro sa loob at labas ng klasrum.

Sinimulan ito sa isang panalangin at nagbigay naman ng kanyang welcome remarks si Gng. Ma. Rita F.
Villareal, punongguro IV ng nasabing paaralan.

Kasunod nito ay ang pagbabahagi ni Bb. Chriyl Dela Cruz tungkol sa Moral and Ethical Obligations of
Teachers samantalang tinalakay naman ni Dr. Ruel Faderan ang tungkol sa Code of Ethics of Teachers.

Isa itong makabuluhan at kapaki-pakinabang na gawain para sa lalong ikabubuti ng ating mga guro. Lubos
kong inaasahan na marami silang natutunan mula rito, pahayag ni Gng. Villareal.

Vous aimerez peut-être aussi