Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
Pag-aralan Natin
Malaki ang papel na ginampanan ng mga kabihasnan sa Sinaunang Asya sa pag-unlad
ng pamumuhay ng mga tao sa buong mundo. Ang mga ito ang nagsilbing modelo sa
pagtatatag at pamamalakad ng lipunan mula sa sinaunang panahon hanggang sa
kasalukuyan.
Kahulugan ng Kabihasnan
Ang kabihasnan ay lipunan ng isang pangkat ng tao na nakararanas ng pag-
unlad sa kanilang paniniwala, pamumuhay, kultura, at kasaysayan. Kung minsan
ay tinatawag din itong sibilisasyon.
Ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya ay mahalaga sa kasaysayan ng buong
daigdig.
Ang mauunlad na kabihasnan at sibilisasyon ay umusbong sa Asya.
Ang pag-unlad ng mga kabihasnang ito ang naging batayan ng marami sa
kasalukuyang sistema ng pamumuhay, kabuhayan, pamahalaan, at kultura ng
mga Asyano at ng mga tao sa buong mundo.
Pag-aralan Natin
Mga Katangian ng Kabihasnan
Mayroong limang pangunahing katangian ang isang kabihasnan.
pangangaso
pag-iimbak ng pagkain
pagsasaka
paghahayupan
paggawa ng tanso at bakal
paglikha ng kagamitan
paglikha ng mga sandata
paggawa ng mga dike at kanal
mga artisano
mga gumagawa ng alahas, armas, kagamitang pambahay, at mga pangangailangan sa
pang-araw-araw na buhay ng mga tao
mga mangangalakal
Maunlad na Kaisipan
Ang mga tao sa isang kabihasnan ay may maunlad na kaisipan at talinong magagamit
sa pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay. Ang mga tao rito ay: