Vous êtes sur la page 1sur 7

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Aralin 24
Pagtupad sa Batas Para sa Kaligtasan

Bilang ng araw ng Pagtuturo:


5 Araw ( 30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagkaunawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa
at pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa, at
mapagkalingang pamayanan

Pamantayan sa Pagganap:

Nisasagawa ang mga gawain na may kaugnayan sa kapayapaan at


kaayusan tungo sa pandaigdigang pagkakaisa

Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:
10.1 Naisasakilos ang pagtupad sa mga batas pambansa at
paninindigan
10.1.1 daan
10.1.2 pangkalusugan
10.1.3. pangkapaligiran
10.1.4. pag-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot
Code: EsP6PPP-IIIh-40
II. PAKSA: Aralin 23 Pagtupad sa Batas Para sa Kaligtasan

a. Sanggunian: EsP - K to 12 CG p. 87
b. Kagamitan: powerpoint presention, videoclips
https://www.youtube.com/watch?v=qWGThLVPw4o metacards, manila
paper, permanent marker at masking tape
c. Pagpapahalaga: Kapayapaan at Kaayusan
III. PAMAMARAAN

Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
2. Patalista/ pagtsek sa atendans
3. Ilahad ang larawan.

a. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


b. Naranasan na ba ninyong sumakay sa motorsiklo?
c. Ilan kayong sumasakay sa motorsiklo?
d. Ano kaya ang dapat gawin kung sasakay ka sa motorsiklo?
Talakayin ang Mahalagang Kaisipan.

B. Panlinang na Gawain

1. Alamin Natin
Ipakita ang mga larawan.

Magkaroon ng talakayan pagkatapos makita ang larawan sa


powerpoint presentation.
Itanong:
a. Ano ang nakikita ninyo sa unang larawan? Sa ikalawang
larawan? Sa ikatlong larawan?
b. Ano sa iyong palagay ang maaaring mangyari sa unang
larawan? Sa ikalawang larawan? Sa ikatlong larawan?
c. Magbigay ng mga dapat sundin kapag sumasakay sa bawat
sasakyang na nakita sa larawan?

CLOSURE: Maging alerto, ligtas ang may alam!


Ikalawang araw
2. Isagawa Natin

a. Pagbati sa mag-aaral.
b. Balik-aral.

Ano ang dapat gawin upang maging ligtas sa daan.


c. Ipasagot ang bawat katanungan.
1. Saan kayo bumibili ng pagkain tuwing reses?
2. Ano- ano ang mga itinitinda sa ating kantina?
3. Masusustansya ba ng mga ito?
4. Malinis ba ang mga kagamitan sa ating kantina? Bakit?
5. Sa tingin ninyo sumusunod ba sila sa batas pangkalusugan?

d. Pangkatang Gawain

Magkakaroon ng pabilisan sa pagbuo ng picture puzzle. Ang


unang pangkat na makabubuo ang siyang panalo.
Ano ang mga nabuo ninyong larawan?
Tungkol saan kaya ang mga ito?
e. Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mag-aaral sa lima at ipakita ang kanilang gagawin.
1. Unang Pangkat: Ikanta Mo!
Gumawa ng maikling awitin patungkol sa tamang
pamamaraan sa paghahanda ng pagkain
2. Ikalawang Pangkat: Iguhit Mo!
Iguhit ang tamang kasuotan sa paghahanda ng pagkain
3. Ikatlong Pangkat: Ipatrol Mo!
Magbalita ng mga pangyayaring pwedeng mangyari kung
hindi maayos ang paghahanda ng pagkain.
4. Ikaapat na Pangkat: Irampa Mo!
Irampa mo ang mga kasuotang dapat isuot ng mga
naghahanda ng pagkain gamit ang mga bagay na makikita sa
loob ng silid aralan.

(Para sa guro)
Tandaan na ang rubrics ay magmumula sa pagsang-ayon ng
mga mag-aaral at guro sa paggagrado ng gawain.
Maaari rin naming ito ay galing sa guro ngunit dapat ay may
konsultasyon sa mag-aaral upang lalong mapaganda ang rubrics.

f. Bigyan sila ng limang minuto para sa preparasyon at karagdagang


dalawang minuto sa presentasyon.

Tema: Batas sa tamang paghahanda ng pagkain ay sundin upang


kalusagan ay kamtin.
g. Magkaroon ng maikling paglalahat sa nakaraang gawain.

(closure)
Ikatlong Araw
3. Isapuso Natin
a. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
b. Patalista
c. Video Presentation

1. Patungkol saan ang inyong napanood?


2. Ano ang nais iparating ng inyong napanood?
3. Ano ano ang maaaring maging epekto nito sa kalusugan ninyo? Bakit?

a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin.


Ipaulit ng dalawang beses upang tumimo sa isipan ng mag-
aaral.

Tema: Batas sa tamang paghahanda ng pagkain ay sundin upang


kalusagan ay kamtin.

Matapos maipabasa ay tumawag ng mag-aaral na kung saan


ay magbibigay siya ng kanyang saloobin batay sa tandaan natin.

(closure)

C. Pangwakas na Gawain
Ikaapat na Araw
d. Isabuhay Natin

a. Itanong. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita ang


pagsunod at pagtupad sa batas para sa kaligtasan at kalusugan?
b. Gumawa ng panalangin ukol sa pagsunod at pagtupad sa batas
para sa kaligtasan at kalusugan.

Panalangin

c. Pagtalakay sa sagot ng mga mag-aaral.


(closure)

Ikalimang Araw
IV. Pagtataya
e. Subukin Natin
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat
ang tamang sagot sa patlang.
____1. Nakasakay sa motor si Leo ng walang suot na helmet ngunit ang
kanyang asawa na si Nila ay nakahelmet.
____2. Pumasok si Ineng sa paaralan kasama ang kanyang dalawang
nakababatang kapatid ng nakaangkas sa motor.
____3. Si Aling Thelma ay tagaluto sa kantina. Siya ay parating nakasuot ng
gloves sa tuwing sumasandok ng pagkain.
____4. Tuwing umaga si Lerna ay laging bumibili ng inuming pampalamig na
tinda sa gilid ng paaralan.
____5. Si Larry ay bumili sa paninda sa kantina. Pagkatapos niyang kumain ay
inilagay na lamang niya ang pinagbalatan sa gilid ng kanyang upuan.
(closure)

V. Kasunduan

Sikaping maisagawa ang pagtatapon ng basura sa tamang lagayan


at panatilihing malinis ang kapaligiran.

Pagbati! Natapos mong muli ang isang aralin. Naniniwala akong


kaya mong sundin ang mga batas at alintuntunin para sa kaligtasan sa
pagsakay sa motorsiklo
Ipagpatuloy mo ang mabuting gawain ito. Pagpalain ka ng Diyos!
Inihanda nina:

LEONARDO C. CARGULLO
Education Program Supervisor
Region IV- A CALABARZON

NIMPHA L. REYES
Region IV- A
Division of Quezon

LUZVIMINDA M. DINGLASAN
Region IV- A
Division of Cavite

AYRNE GRACE A. DASALLA


Region I
Division of Ilocos Sur

GABRIELA C. CHANGGALAN
Cordillera Autonomous Region
Division of Mt. Province

DENNIS A. BERNOY
Region IV- B
Division of Calapan City

Binigyang pansin nina:

ALMA R. TABILANG LALAINE C. ROSARIO


Education Program Supervisor Education Program Supervisor
Schools Division of Ilocos Sur Schools Division Office I Program

MARIBEL L. VIERNES
Education Program Supervisor
Schools Division Office Kalinga

Isinumite kay:

JOSELITA B. GULAPA
Senior Education Program Specialist
EsP Focal Person, Central Office

Vous aimerez peut-être aussi