Vous êtes sur la page 1sur 2

4th Watch Maranatha Christian Academy of Makati City Inc.

Junior High School Department


Academic Year 2017-2018

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan:
1. Natatalakay ang kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt;
2. Nasusuri ang mga kaganapan sa ibat-ibang panahon na naganap sa Egypt;
3. Nabibigyang halaga ang mga ginagawang pamumuno ng isang pharaoh.

II. NILALAMAN
1. Paksa: Kabihasnang Egyptian
2. Kagamitan: Tulong biswal
3. Sanggunian: Modyul pp. 81-88 TG pp. 47-48

III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati ng Guro
c. Pagtatala ng liban
d. Balitaan
e. Balik-Aral
- Pagsunud-sunurin ang mga dinastiya sa Tsina.
2. Paglinang ng Aralin
a. Mga Gawain (Aktibiti)
- Kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt.

3. Pagtatalakay
a. Pagsusuri (Analisis)
- Pangkatang Gawain
a.1. Pangkatin ang klase sa apat (4) grupo.
a.2. Presentasyon ng bawat grupo.
Pangkat I Gamit ang concept map magtala ng mahahalagang salita at ipaliwanag
ito. Paksa: Early Dynastic period at Old kingdom. Pangkat II First Intermediate
Period at Middle Kingdom
Pangkat III Second Intermediate Period at New Kingdom
Pangkat IV Third Intermediate Period at Late Period

4. Pangwakas na Gawain
a. Paghahalaw (Abstraction) a.1. Paglalahat
- Kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt. a.2. Pagpapahalaga
- Ano ang kahalagahan ng isang pharaoh bilang pinuno ng egypt?
a.3. Paglalapat (Aplikasyon)
- Walk to Ancient Egypt
Panuto: Kumpletuhin ang kasunod na dyagram at tukuyin ang inilalarawan ng bawat
aytem.

Susi sa Pagwawasto:
1. Khufu 2. Hieroglyphics
3. Bagong Kaharian 4. Hatshepsut
5. Menes 6. Matandang Kaharian
7. Pyramid 8. Rameses II

IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Siya ang tumatayong pinuno, hari at itinuturing na diyos.
2. Tawag sa mga iskolar na nag aaral ng kasaysayan ng Egypt.
3. Nangangahulugang sagradong ukit.
4. Pyramid na kabilang sa 7 wonders of the ancient world.
5. Kahuli hulihang reyna ng dinastiya.

Susi sa Pagwawasto:
1. Pharaoh 2. Egyptologist
3. Hieroglyphics 4. Great Pyramid
5. Cleopatra VII

V. TAKDANG ARALIN
Paksa: Ang Kabihasnan sa Mesoamerica
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino ang mga Olmec? Ibigay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kanila.
Sino ang mga Teotihuacan? Ibigay ang mahahalagang imormasyon tungkol sa kanila

Inihanda ni: Inaprubahan ni:

Gng. Rodora Megino G. Bernardito Rejalde Jr.


Punong-guro

Vous aimerez peut-être aussi