Vous êtes sur la page 1sur 3

POSISYONG PAPEL SA MALAYANG PAGGAMIT NG INTERNET AT SOCIAL MEDIA

SA PAG-AARAL AT PAGPAPAHAYAG

Sa paglipas ng panahon, malaki na ang makikitang kaunlaran sa ekonomiya ng


bansa. Kasabay ng pag unlad nito ay ang pagusbong ng makabagong teknolohiya na
siyang nagsisilbing libangan at kasangkapan sa komunikasyon. Ilang halimbawa nito ay
ang internet at social media. Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong
mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na
dumadaan sa iba't-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng
telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable (wireless) na
kung saan ang mga iba't-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.
Ang social media naman ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao
na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon
at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito ang nagsisilbing tulay
sa pakikipag-kapwa tao, pagkonekta sa mga kamag-anak, pagpapakita ng mga
natatanging talento at higit sa lahat, sa pag-aaral at pagpapahayag. Sa madalit sabi ay
mas dumadali ang pangaraw-araw na gawain ng tao lalong lalo na ang mga
estudyante. Ang paggamit ng internet at social media sa pag-aaral at pagpapahayag ay
nararapat lamang na maging malaya dahil nakakatulong ito sa pagsasaliksik ng mga
bagay, pakikipagusap sa mga kamag-aaral, paglalahad ng opinyon tungkol sa mga isyu
ng bansa at higit sa lahat nagsisilbi itong libangan ng mg tao mula sa kani- kanilang
trabaho at responsibilidad.

Ang internet at social media ay maaring magresulta sa sobrang adiksyon


hanggang sa mawala na ang interes sa pag-aaral. Sinasabi ng iba na ito ang nagiging
dahilan upang mawala sa pokus ang mga estudyante. Sa halip na nagaaral ay
nasasayang ang oras ng mga mag-aaral dahil hindi na nila mapigilan ang paggamit
nito. Sinasabing ito rin ay umaagaw o bumabawas sa atensiyon at oras na dapat
nilalaan sa pakikisalamuha sa pamilya, kaibigan, at sa lipunan. Hindi namamalayan ng
taong gumagamit nito na unti-unting lumalayo ang loob niya sa totoong mundo. Ang
internet at social media ay napakalawak. Maraming mga bagay ang nakikita dito tulad
na lamang ng mga samut-saring posts at videos na kung minsan ay masama na sa
nakakapanuod at nakakabasa. Maaring ang mga nakitang videos sa Facebook ang
maging dahilan upang magkaroon o makagawa ng masasama o di kaaya-ayang mga
bagay ang nakapanuod.

Ang paggamit ng internet ay mas nagpapadali sa mga gawain ng mga


estudyante sa pag-aaral. Ang paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa mga aralin
o pananaliksik ng mga estudyante ay naisasagawa sa ilang pindot lamang sa tipaan ng
computer. Kahit nakaupo lamang ay makikita na agad ang mga hinahanap na may
koneksyon sa leksyon na tinatalakay. Kung noon ay kailangan pang pumunta sa mga
silid-aklatan sa pangangalap ng datos, ngayon ay titipa na lamang sa kompyuter ng
mga salita at lalabas na ang mga resultang sing-dami o mas madami pa sa mga
impormasyon na nasa silid-aklatan. Ang paggamit naman ng social media ay
nakakatulong sa pagkonekta o pakikipagusap ng mga mag-aaral sa isat-isa. Kung may
mga hindi kaagad naintindihan sa eskwelahan ay maaring matalakay muli kahit nasa
bahay. Maaaring itong gamitin na isang paraan para mas madaling matuto ang mga
estudyante. May mga guro din na gumagamit ng social networking site tulad ng
Edmodo at messenger, sa pagbibigay ng powerpoints at sa ngayon, ang mga ito ay
malaki na ang tulong sa mga mag-aaral. Ikaapat, sa pagpapahayag, ang twitter,
facebook at Instagram ang pangunahing daluyan ng mga impormasyon sa ibat
ibang isyu ng bansa at maging ng mga tao. Dahil dito, mas napapadali ang pakikinig
ng gobyerno sa mga hinaing ng mga tao at ang mga posibleng solusyon sa problema
ng bansa. Ika-lima, ang mga social networking sites ay isa sa mga nagsisilbing
libangan ng mga tao mula sa kani-kanilang trabaho at responsibilidad. At sa
paglaganap ng depresyon at stress ay maaring magsilbi itong sariwang hangin dahil
dito nila maiilabas ang kanilang mga saloobin. Ang paggamit ng internet at social media
ay may masasamang epekto ngunit kung titingnan na mabuti ay mas lamang ang mga
positibong epekto nito basta tama ang paggamit.

Ang internet at social media ay maraming pakinabang kaya naman nararapat


itong gamitin sa pag-aaral at paghahayag ng malaya para sa mas maunlad na mundo,
kasabay ng pag-unlad ng mga bagay na mayroon ang mga tao ngayon.

Ang pagkagumon sa social media ay nasa gumagamit nito, nasa sa kanya kung paano
ito kokontrolin at paano itatakda ang kanyang oras. Ang paggamit nito ay
nangangailangan lamang ng tamang pagdisiplina sa sarili.

Ang Facebook, Twitter, Instagram at iba pang ginagamit sa komunikasyon sa social


media at pagpapahayag ay nagagamit ng mas madali at mabilis kung kayat sinasabi ng
iba na ito ay mali pero masosolusyunan ito sa pagkamulat sa mga prayoridad, kung ano
ang dapat unahin at hindi. Kung iisiping mabuti, madaling makakakonekta ang mga tao
kahit pa gaano kalayo sa isat isa. Higit sa lahat, madali din na makakapagpahayag ng
saloobin sa isang isyu at makakapaghanap ng mga bagay-bagay na kailangan para sa
ibat ibang responsibilidad ng mga tao.
Sa kabila ng lahat ng ito, dapat lamang piliin ang mga binabasa at nakikita at i-
angkop sa edad ng gumagamit. Gaano man ito kalawak, nasa users pa din ang
pagbabalanse ng mga bagay-bagay at kung paano siya magpapaapekto dito. May
mangilan-ngilan man na masamang epekto, sa isang banda ay makatwiran namang
gamitin ang internet at social media sa pag-aaral at pagpapahayag upang mas
mapadali ang pagsasaliksik sa mga bagay na gustong malaman at makapagpahayag
ng sariling paninindigan.

Vous aimerez peut-être aussi